//47//

1K 17 1
                                    

***

Mandy POV:

Napunta ang atensyon ni Mandy kay Marko na nakatayo sa gitna ng mga magulang nila na parehong nakangiti sa kanya. Nakatitig lang sa kanya ang asawa habang nakangiti sa kanya. May hawak itong bouquet of roses at sigurado siya na para sa kanya iyon.

Napahigpit ang hawak niya sa bag nang maglakad si Marko papunta sa kanyang direksyon. Hindi mawala ang ngiti sa labi nito at ang mga mata nito ay sa kanya lamang nakatutok. Gusto niyang magtaas ng kilay pero hindi niya magawa dahil nandito ang parents nila. Nilabanan rin niya ang intinsidad ng pagkakatitig nito sa kanya.

Biglang tumabol mg malakas ang kanyang puso nang makarating na si Marko sa kinatatayuan niya at isang metro lang ang layo nila sa isat isa at sana lang ay hindi nito naririnig ang nagtatambol sa kanyang dibdib.

"Happy birthday, mrs. Santillan." Nakangiti nitong ani. Inabot nito sa kanya ang bouquet of roses at wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ito.

"Thank you." Sagot niya sa asawa. Nilagpasan niya si Marko at lumapit sa mga magulang nila. Ayaw niyang makita nito ang ekspresyon sa kanyang mga mata at ang kanyang pagkabalisa dahil sa nangyayari.

Naramdaman naman niya ang pagsunod ni Marko sa likod niya.

"Blow your candle na para makakain na tayo. Gutom na ako kakahintay namin sayo eh pero magwish ka muna." Nilingon niya si Chola na siyang nagsalita at siningkitan ito ng mata. May utang itong kwento sa kanya. Napunta rin ang kanyang tingin kay Khali na bahagyang Nakangiti sa kanya.

Nilapit sa kanya ng mother-in-law niya ang cake kaya nawala ang atensyon niya kay Khali. Hihipan na sana niya ang kandila nang biglang magsalita si Cannon.

"Wait, wait, wait. Dapat sabay kayong magblow ng candle ni Marko." Nakangiti nitong aniya at tumataas baba pa ang kilay nito.

"At bakit naman? It's my birthday, not him." Sagot niya dito.

"Para sweet. Gawin niyo na lang. Gutom na rin ako eh." Sagot pa nito. Tumingin siya kay Marko na ngiting ngiti sa kanya. Magkadikit ang mga katawan nila na ikinainis niya. Malaki naman ang space pero kung makadikit ito parang nagsisiksikan lang sa jeep.

"Fine." Pagsuko na lang niya.

"Tama siya anak. In a count of three, sabay niyong ibo-blow ang candle okay?" Sang-ayon rin ng Daddy niya. Tumango na lamang siya dito dahil mukhang wala naman siyang magagawa.

"Before you blow the candle, make a wish first." Dagdag pa ng Daddy niya at napatango na lang din siya ulit.

Pinikit niya ang kanyang mga mata at tulad nung hiniling niya sa harap ng puntod ni Samantha ay ganun din ang kanyang hiniling. Iminulat na niya ang kanyang mga mata at ngumiti sa mga kasama.

Ang mother-in-law naman niya ang nagcount. "One, two, three."

Sabay sila ni Marko na lumapit sa candle at hinipan ito. Nagkatinginan pa silang dalawa dahil sa sobrang lapit ng kanilang mukha at isang pulgada na lang ay magdidikit na ang mga ilong nila. Nang matauhan naman siya sa posisyon nila ay siya na ang naunang lumayo at tumayo ng tuwid. Nagpalakpakan naman ang mga kasama nila.

"Anong winish mo, beshy?" Tanong ni Khali

"Sa akin na lang yun. Baka hindi pa siya matupad pag sinabi ko sa inyo." Sagot na lamang niya.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon