//07//

1.4K 22 2
                                        

***

Mandy POV:

Nang makarating na siya ay nagdiretso na siya papasok. Maraming bumabati sa kanya mula palang sa lobby. Kilala na siya ng mga employee bilang wife ng boss nila. Pagkarating as 12th floor kung saan ang office ni Marko ay nakasalubong na niya ang sekretarya nito na ni pangalan ay hindi niya alam. Binati pa siya nito.

"Good Day mam. What can I do for you?" Tanong nito sa kanya

"Kakausapin ko ang asawa ko." Sagot na lang niya at hindi na binati ang babae. Bubuksan na sana niya ang pinto ng biglang pigilan siya ng babae.

"I'm sorry mam pero kabilinbilinan po ni sir na wag siyang iistorbohin. Kung gusto niyo po siyang maka-usap mag set na lang po kayo ng appointment." Diretsong sabi sa kanya ng babae. Napaharap siya bigla dito at hindi makapaniwala sa mga sinasabi nito.

Say what? Puta. Mabi-beast mode na naman ata siya.

"Appointment? Did you heard yourself ms. Secretary? Bakit ko kailangang magset ng appointment para lang maka-usap ang asawa ko."

Hindi man lang natakot ang babae. Alam niya na naikama na ito ng asawa niya dahil nakita pa mismo ng mga mata niya sa office mismo ni Marko kaya ganito na ito makapagsalita. Napagsawaan na ng asawa niya.

"I'm sorry pero yun ang utos sa akin. Sumusunod lang ako." Nakataas noo pa nitong pahayag.

"I know that. Kaya lang wala kang karapatan na pigilan akong makita ang asawa ko. Tandaan mo sekretarya ka lang asawa ako. Magkaiba tayo." Unti unti na naman siyang nagagalit. Kung makapagsalita ito parang pag-aari na niya si Marko eh parausan lang naman siya. Lumalabas na ang totoo nitong kulay. Akala ng babaeng to siya na ang reyna dahil natikman na siya ni Marko. God. Iba rin talaga ang takbo ng utak ng mga kabit. Kabit na nga may gana pang magmataas.

"You're right mam. I'm just a secretary. Pero hindi lang po sekretarya ang papel ko sa asawa niyo." Sabi pa nito. Nakipagtitigan ito sa kanya. Tinitigan niya ang babae mula ulo hanggang paa. Nakatindig naman ito ng maayos at diretso ang tingin. Binabaliwa kung sino sa kanila ang may mas karapatan kay Marko. Maganda ito pasok sa taste ng asawa niya kaya lang gamit na gamit na. Laspag na ika nga ng iba.

Ngumisi siya dito at nag cross arms. Nakipagtitigan din siya dito. Gusto mo ng gulo huh? Pwes ibibigay niya. Sino ba siya para tumanggi.

"You changed huh? Nung una nating pagkikita hindi ka pa ganyan magsalita sa akin. Ginagalang mo pa nga ako eh. Why? Hmm?" Hamon niya dito. Bigla namang nanlaki ang mata ng kaharap. Huli sa akto kasi. Nagpatuloy siyang magsalita.

"Ahh!! Dahil ba ikaw ang pumupuno ng pangangailangan ng asawa ko sa kama kaya ganyan ka na ngayon kausapin ako? Feeling mo mas mataas ka na ngayon sa kin....Oh poor you! Hindi porke natikman ka na ng asawa ko eh ganyan ka na umasta. Wag kang elosyunada. Tandaan mo isa ka lang sa mga puta ng asawa ko na nilalabasan niya ng pagnanasa. In short parausan. A sex bud---- Oh!!....Bakit ganyan ang itsura mo? may sakit ka ba? Namumutla ka ata." Pang-aasar niya dito. Nanginginig na rin ang kaharap niya. Halatang hindi makapag-isip ng sasabihin. Tinaasan niya ito ng kilay.

"M-Mali po kayo ng pa-pagkakaitindi mam. Ang ibig k-ko pong sabihin ay s-sa akin sinasabi ni sir ang mga problema niya. Mali po kayo ng pagkakaunawa." Bulol bulol nitong turan na siya namang ikinatawa niya. Ibang iba na kasi ang itsura ng babaeng higad. Kung kanina ay nagmamaganda ito at nagmamataas ngayon naman halos himatayin na sa sobrang pagkaputla. Takot na takot. Well dapat lang.

"Mali nga ba? Huh! Don't me. Kilala ko na ang mga kagaya mong salot sa lipunan. Hindi lang ikaw ang kabit ng asawa ko na naincounter ko. Marami na kayo at lahat kayo walang pagkakaiba. Tingin niyo sa mga sarili niyo, reyna. A queen bitch. Alam na ngang may asawa ang tao nakiki-apid pa. Atsaka matagal ko na ring alam na hindi lang secretary ang papel mo sa asawa ko, dahil pati pagiging kabit ay kinakareer mo na rin.. Hinayaan na kita eh. Pinabayaan na kita na lingkisan ang asawa ko. Wala naman kasi akong magagawa. Hindi ko siya mapipigilan sa gusto niyang gawin lalo na sa sitwasyon namin ngayon kaya lang lumagpas ka sa limitasyon mo bilang parausan lang. Masyado kang nagmataas na akala mo mahal ka na niya. Masyadong mataas ang lipad mo. Masyado ka ng lumagpas sa limitasyon to the point na pinagbabawalan mo na akong makita siya bilang asawa niya."

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon