***
Rafael POV:
Halos naikot na niya ang buong lugar pero hindi parin niya makita si Mandy. Pumunta siya sa puntod ni Samantha dahil baka sakaling nandun si Mandy ngunit kahit dun ay wala. Sumandal siya sa pader hinahampas ng mahina ang phone niya sa noo niya.
"Magpakita ka na sa akin, please!" Bulong niya sa sarili
1 am na pero hanggang ngayon wala parin siyang napapala sa dalawang oras niyang paghahanap. Sinubukan niya ulit ito tawagan ngunit tulad ng dati ay nagri-ring lang ang phone nito. Binalik na lang niya sa bulsa ang phone niya at nagpatuloy sa paghahanap.
.
.
.
.
Inabot na siya ng isa pang oras at napapagod na rin siya. Nakarating na siya sa park pero wala din. Napapasabunot siya sa buhok niya sa sobrang frustration. Si Marko. Hindi manlang ba nito hinahanap ang asawa? Kapag may nangyaring masama kay Mandy, si Marko ang sisisihin niya dahil ito naman ang pasimuno ng lahat. Kung hindi na sana ito nagluluko hindi na sana magiging ganito si Mandy.Umupo siya sa bench para magpahinga ulit dahil nakakaramdam na siya ng pagod. Nilabas niya sa bulsa ang phone niya upang tawagan si Khali. Dalawang ring lang ay sumagot agad ang nasa kabilang linya.
"Ano? Nahanap mo na ba siya? Kamusta siya?" Nag-aalalang tanong ni Khali sa kabilang linya. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.
"Not yet. Napuntahan ko na ang lugar na pwede niyang puntahan pero wala tal---" Napatigil siya sa pagsasalita nang may bigla siyang marinig na napakalakas na busina ng kotse. Napatayo siya at mabilis na pinuntahan kung saan nanggagaling ang ingay na iyon.
"What happened? Hello? Bakit hindi ka nagsasalita? Rafael." Sunod sunod na tanong ni Khali mula sa kabilang linya. Nawala na ang atensiyon niya sa kausap dahil sa malakas na pakiramdam na nararamdaman niya mula sa ingay na iyon.
Nang makarating siya sa lugar kung saan nanggaling ang busina ay siya ding paglaki ng mga mata niya sa gulat. Mabilis siyang tumakbo palapit sa babaeng nakasalampak sa kalsada habang pinipilit na tumayo.
"Ano bang nangyayari diyan?" Patuloy parin na nagsasalita si Khali at mahahalata sa boses nito ang takot.
Agad niyang dinaluhan si Mandy na nakasalampak sa kalsada at sa harap nito ay ang itim na kotse. Agad niyang hinawakan ang braso nito paharap sa kanya. Ang tibok ng puso niya ay parang naging triple dahil sa nasaksihan niya. May sugat sa noo at sa braso ang pinakamamahal niyang babae kung kaya't parang sasabog ang puso niya.
Napunta ang atensyon ni Mandy sa kanya habang papikitpikit ang mga mata nito dahil sa panghihina at sa sugat na natamo nito sa noo. Nakatingin ito sa mga mata niya na punong puno ng takot at pag-aalala.
"Y-your e-eyes." Nanghihina na ito pero nagawa pa nitong magsalita tungkol sa mga mata niya. Umangat ang kamay nito patungo sa pisngi upang hawakan siya. Nang dumapo na ang kamay nito sa pisngi niya "Y-your eyes." Bigkas niya ulit habang nakatitig sa mga mata niya hanggang sa mawalan na ito ng malay at bumagsak na ang kamay nito.
Nang pumikit ang mga mata nito ay lalo siyang nakaramdam ng takot. Nanginginig na ang kamay niya ngunit nagawa pa niyang tapikin ang pisngi nito.
"M-Mandy? Imulat mo ang mga mata mo. Mandy! N-nandito na ako." Hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa kanyang dibdib. Bakit ito nangyayari sa babaeng mahal?
Ang lalaking nakabangga naman kay Mandy ay lumabas sa kotse nito upang makita kung ano ang lagay ng babaeng nabangga nito. Nanlaki ang mga mata nito at nagsimula nang manginig ang katawan nito sa takot nang makita na wala ng malay ang babae.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
عاطفية"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...