***
Third person POV:
"You killed my child! How could you killed my child!? You're a monster!"
Ang masamang panaginip na iyon ni Minche ang nagpagising sa kanya sa pagkakatulog. Hinahabol niya ang kanyang paghinga nang mapa-upo siya dahil sa isang bangungot at napahigpit ang kanyang hawak sa kumot.
Nang bumalik sa tamang ritmo ang kanyang heart rate ay saka lamang siya napabuga nang malakas na hangin. Sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri at iginala ang paningin.
'Where the hell I am?' Tanong ni Minche sa sarili habang patuloy na iginagala ang paningin hanggang sa mapadako ang kanyang mga mata sa kanyang kamay kung saan nakatusok dito ang isang karayom at nakakonekta ito sa dextrous na malapit lang sa kama. Hinaplos niya ang nakatusok sa kanyang kamay dahil sa pagtataka nang biglang manlaki ang kanyang mga mata at muling iginala ang paningin sa paligid.
Nanghina siya nang marealize niya kung nasaan siya ngayon. She's currently in the hospital. Mabilis siyang napabalikwas sa pagkaka-upo sa hospital bed nang tuluyan niyang mapagtanto kung nasaan siya at kung ano ang huling nangyari sa kanya. Ang huli niyang naaalala ay ang pagkahulog niya sa hagdan.
Binundol ng kaba ang dibdib at hindi magkanda uga-ugang bumaba ng kama.
'No, this can't be!' Bulalas niya sa sarili.
Tinanggal niya ang IV na nakatusok sa kanya at ininda lang ang sakit. Agad niyang nakita ang kanyang cellphone na nakapatong sa table at kukunin na sana niya ito nang biglang magbukas ang pinto ng restroom at napunta doon ang kanyang paningin.
Lumabas sa restroom si Emma na hindi manlang nagulat na nagkamalay na siya bagkus ay nakatitig lang sa kanya at nakatayo lang sa may pintuan. Hindi niya mabasa ang expression nito, kung masaya ba ito o hindi.
"Gising ka na pala." Walang emosyong sambit ni Emma sa kanya.
Ngunit sa kabila ng Malamig na expression ni Emma at sa kabila ng walang emosyon nitong boses ay binaliwala parin ito ni Minche sa kaalamang ito lang ang nag-iisa niyang kakampi at nag-iisang nagmamahal sa kanya. Huminga siya ng malalim at ngumiti dito.
Finally, may makakatulong na sa kanya para makaalis sa lugar na ito. Alam naman niya na hindi siya matatanggihan ni Emma dahil sobra sobra ang pagmamahal nito sa kanya at halos kapatid na ang Turing nito sa kanya.
"Ikaw lang pala, couz. Ginulat mo ko." Baliwalang ani ni Minche at muling naglakad palapit sa table at kinuha ang phone, maging ang paper bag na tingin niya ay naglalaman ng mga damit. Muling siyang lumapit sa kama at pinatong dito ang mga hawak niya
Hindi rin pinansin ni Minche ang pinsan na naglakad palapit sa couch at nadaanan pa siya nito ngunit hindi ito nagsasalita na siyang pinagsasalamat niya.
"Anong ginagaw mo?" Sa wakas ay muling nagsalita si Emma habang hinahaplos ang umbok niyang tiyan. Pinapanood lang niya si Minche na nilalabas sa paper bag ang sinuot nitong dress bago ito mahulog sa hagdan.
Saglit lang siyang nilingon ni Minche bago pinagpatuloy ang ginagawa at napapansin rito ni Emma na nagmamadali ito.
"Kailangan na nating umalis dito. Kakausapin ko na lang ang OB Gyne ko na sa bahay niya na lang ako i-check." Saad ni Minche at para bang normal na dito ang salitang OB Gyne. Pinaninindigan talaga nito ang peke nitong pagbubuntis kaya't sinakyan din ni Emma ang pagpapanggap nito.
"Bakit, couz? May iniiwasan ka ba o tinatakasan?" Sa sinabing iyon ni Emma ay tuluyan nang napahinto si Minche sa ginagawa nito at lumingon na sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romansa"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
