//02//

2.1K 37 0
                                        

Vote lang po ng vote guys. Follow me on my account, too.

***

Mandy POV:

Pauwi na siya ng bahay galing sa bahay ng in-laws niya. Tinawagan niya si Amanda nung nasa nagdadrive siya pauwi. Tutulungan niya kasi itong maggawa ng PowerPoint for their presentation para sa isang bigating client. Sabay lang silang dumating sa bahay niya. Sakay ng taxi si Amanda.

Pumasok na sila sa loob. Nakasunod lang sa kanya ang sekretarya. Napatigil sila sa paglalakad nang makarinig sila ng kakaibang ingay mula sa isang kwarto. Sa kwarto mismo ng asawa niya nanggagaling ang mga ungol.

Ungol ng isang malanding ahas. Bagong flavor of the week ng asawa niya.

Mariin siyang pumikit. Nilingon niya si Amanda na gulat na gulat dahil sa naririnig. Shit this. Bakit ngayon pa?
Hinarap niya si Amanda at kina-usap ito.

"Bukas na lang tayo gumawa. Pwede mo na din simulan. Makaka-uwi ka na." Tinalikuran na nito si Amanda.

Umalis na rin ito. Pagkaalis ni Amanda ay pabalya niyang inihagis ang bag na dala niya. Nagtungo siya kung saan nanggagaling ang mga ungol. Sa kwarto mismo ng asawa niya.

Pabalya niyang binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang walang saplot na asawa na nakapatong sa isang ahas.

Lumapit siya sa dalawa at tinaasan ng kilay. Umalis ang asawa niya sa pagkakapatong niya kay higad. Tss. Hindi niya alam ang pangalan ng higad na katalik ngayon ng asawa niya. It saute her though. Tss.

"Magpapahinga na ako. Kaya lang hindi ako makatulog dahil sa sobrang ingay niyo. Kung hindi niyo kayang tiisin yang kati niyo sa katawan pwes wag dito sa pamamahay ko... and Ms. baka may naghahanap na sayo. So if I were you uuwi na ako.Hmm?"

Maarte namang nagmaktol ang higad at lumingkis kay Marko.

"I don't want to go home yet. And wala namang maghahanap sa akin eh. May kailangan pa kaming gawin ni love. Right love?" Lalo siyang naiirita sa kaartehan nito. Gusto na niya itong sampalin. God. Pagod siya galing sa trabaho tapos ito pa ang maabutan niya.

Love?! Tss. Gross

Nilingon niya si Marko na nagbibihis na. Nahiya siguro. Well dapat naman talaga no.

"Love where are you going. We are not yet done. Love!!" Malanding turan ni higad

Sa sobrang inis niya ay nahablot niya ang braso ng babae at pinaharap sa kanya. "Ouch! The hell are you doing. Get of me... Love bakit kasi dito mo pa ako dinala sa bahay ng kapatid mo. She's so annoying."

"Hindi ka ba talaga makaitindi? Huh? O baka naman tanga ka lang talaga kaya walang pumapasok diyan sa kokote mo. Kung ikaw may kailangan sa hayop na yan, ako din meron... Mas mahalaga ang pag-uusapan namin ng ASAWA KO. Kaya kung ako sayo umalis ka na dito habang nakakapagtimpi pa ako. You don't know me when I'm mad. Don't try me." Dinuro duro niya ito.

Namutla naman ang higad. Madaling madali ito sa pagbibihis at paglabas ng kwarto. Hindi niya siguro alam na may asawa ang katalik niya.

Ang asawa naman niya ang hinarap niya na naninigarilyo. Hindi man lang ito nagpaliwanag sa mga nakita niya. Ano namang aasahan niya. Ito nga ang gusto niya eh ang makitang nasasaktan ito.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon