***
Third Person POV:
Madaling araw na at nakapatay na ang ilaw sa bawat sulok ng hospital ngunit si Marko ay nanatili paring naka-upo sa labas ng kwarto ng asawa niya. Gusto niyang kausapin si Mandy ngunit hindi niya magawang harapin ito dahil alam niya sa siya ang dahilan kung bakit muntik na itong malagay sa panganib. Hindi rin niya magawang sabihin ang totoo sa mga magulang niya at sa father-in-law niya kung bakit ayaw niyang harapan ang asawa.
Hindi siya nakapagpalit ng damit na suot pa niya sa party dahil pagkadating niya sa bahay nila ni Mandy after nung reunion ay dumiretso na siyang uminom ng alak at hindi na nagpalit pa hanggang sa tumawag sa kanya si Khali sa kanya.
"Wala akong balak na ipaalam sayo ito pero sasabihin ko parin dahil gusto kong makonsyensa ka kahit na alam kong wala ka nun."
"Na-aksedinte si Mandy. Nasa hospital siya ngayon..... Nasa sayo na yun kung pupunta ka o hindi."
Pagkatapos niyang malaman ang nangyari kay Mandy ay hindi na siya makapag-isip ng tama. Parang gusto niyang paliparin ang sarili para lang makarating agad sa hospital. Hindi na niya napansin na naka tsinelas pala siya sa sobrang pagmamadali. Yung tibok ng puso niya ay doble doble na sa sobrang kaba. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot sa buong buhay niya at hindi niya maitindihan kung bakit niya ito nararamdaman sa asawa. Hindi siya makapag-isip ng tama.
Nakahinga lang siya ng maluwag nung sinabi ng doctor na hindi naman grabe ang pinsalang natamo ng asawa. Kinuha niya ang phone niya upang sagutin ang kanina pang tumatawag sa kaniya. Kahapon pa talaga hind matigil tigil ang pagcontact sa kanya ni Minche ngunit ayaw lang niya itong sagutin. Itinapat niya sa tenga niya ang phone at narinig na lang niya ang sigaw ni Minche sa kabilang linya.
"Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko!? Kagabi pa ako tumatawag pero ayaw mong sagutin! Masisiraan na ako ng bait sa ginagawa mong pangbabaliwala sa akin!" Pumikit siya at hinilot ang sintido
"I told you, I'm busy. Saka na lang tayo mag-usap." Mahinahon niyang Sagot dito
"Kailan? Kailan yang saka na yan!? Palagi na lang yan ang sinagot mo sa akin! Bakit huh? Dahil ba sa babaeng yun kaya binabaliwala mo na ako ngayon? May nangyayari na ba-----"
Hindi na niya pinatapos magsalita si Miche dahil inend call na niya ang tawag at binalik sa bulsa ang phone niya.
Sa kabilang banda naman ay halos masiraan na ng bait si Minche dahil sa ginawa ni Marko sa kanya.
".....May nangyari na ba----- Hello? Marko! Hello!?..... AHHHHHH!" Sa sobrang galit na nararamdaman niya ay naihagis niya ang phone sa pader at nagkahiwa hiwalay ang parte ng katawan nito. Siya naman ay palakad lakad lang sa kwarto niya habang nakasabunot sa buhok niya.
"Hindi mo pwedeng gawin sa akin to. Hindi mo ko pwedeng baliwalain dahil lang sa babaeng yun. Hindi pwede. Hindi. Hindi!" Kinaka-usap niya ang sarili habang patuloy na lumalakad at halos masira na ang mga gamit sa side table niya dahil pinaghahagis niya ito sa sobrang galit.
_______
Marko POV:
Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at lumapit sa pinto ng kwarto ni Mandy. Huminga muna siya ng malalim bago ito buksan. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto upang hindi makagawa ng ingay at tuluyan na siyang pumasok sa loob. Naabutan niya ang asawa na mahimbing na natutulog. Pagkasara niya ng pinto ay mabagal siyang naglalakad palapit sa kama nito.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Storie d'Amore"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
