//11//

1.4K 20 1
                                        

Vote vote vote, comment comment comment and follow follow follow.  Hahahaha.

***

Mandy POV:

Tamad na tamad siyang bumangon. 6 na ng umaga. May pasok pa siya sa trabaho. Dalawang linggo na nung huli silang mag-usap ni Marko pagkatapos nun hindi na nasundan pa. Pero ang totoo ay iniiwasan talaga niya ito. Hindi niya sigurado kung totoo ang mga sinabi sa kanya ni Marko nung gabing yun. Kung totoo ba ang sinabi nito sa kanya o baka pinapa-ikot lang siya. Mahirap ng magtiwala.

Pagkatapos niyang gawin ang morning rituals niya ay bumaba na siya para mag-almusal. Ngunit hindi niya inaasahan kung sino ang nasa bahay nila ngayon ng asawa niya. Matagal na itong hindi dumadalaw.

"Dad." Tanging nai-usal niya.

Nang makabawi siya sa pagkakabigla ay lumapit na siya dito para makipag beso.

"Bakit parang gulat na gulat ka na nandito ako. Masama na bang dalawin ang kaisa isa kong anak?" Saad ng Dad niya bago umupo sa sofa

"Hindi naman po sa ganun. Nagulat lang po ako." Umupo na rin siya sa pang-isahang sofa.

"Death anniversary na ng Mom mo next week." Sabi nito sa kanya

"Ahh!" Tulad ng nakagawian niya ay iniikot niya ang wedding ring sa kanyang palasingsingan.

"Don't tell me hindi ka na naman pupunta?" Hindi na namang makapaniwalang tanong ng Dad niya. Pero tulad din ng dati ay wala siyang sinagot dito.

Hindi naman ganito ang relasyon nila ng Dad niya noon. Close na close silang dalawa bata pa lang siya. Kaya lang nagbago ang lahat. 3 years ago nung tuluyang masira ang relasyon nilang mag-ama. Simula ng mangyari ang aksidenteng yun na tuluyang nagpabago sa buhay niya. Tuluyan itong nasira at hindi niya niya alam kung paano pa ito aayusin. Dahil din sa aksidenteng yun ay hindi na rin niya dinalaw ang Mom niya na matagal ng nakahimlay. Namatay ang Mom niya nung ipinanganak siya nito. Kaya ganun din siya ka close sa Dad niya noon dahil ito na ang tumayong nanay niya.

Tatlong taon na nung huli niyang dinalaw ang Mom niya magmula noon hindi na nasundan pa. Nahihiya siya dito. Hindi niya natupad ang ipinangako niya. Sa isang iglap nawala ang pinakamahalagang tao sa buhay niya at hindi man lang niya naprotektahan.

"I'm sorry." Tanging sabi lang niya. Bumuntong hininga ang Dad niya.

"Ano bang problema, Mandy? Ganoon na ba kalaki ang galit mo sa akin para idamay mo ang sarili mong ina." Halatang nagtitimpi lang ang kanyang ama.

"Hindi niyo ako maitindihan, Dad. Atsaka hindi ko dinadamay si Mommy sa galit ko sa inyo. May sarili akong dahilan kung bakit hindi ko siya magawang dalawin." Asik din niya sa ama at nakipagtitigan dito.

"Galit ka sa akin dahil pumayag akong ipakasal ka kay Marko. Pero hindi ba yun naman ang gusto mo?" Buwelta na naman nito. Hindi niya maitindihan kung bakit nasama sa usapan nila si Marko. Pero ito naman talaga ang ugat ng away nila.

"Oo, mahal ko si Marko. Pinangarap kong maging akin siya pero hindi sa paraang ginawa niyo. Kaya lang siya naging akin dahil sa pesteng arrange marriage na yan. Hindi niyo alam kung ano ang naging buhay ko simula ng makasama ko sa iisang bubong si Marko. Wala kayong alam." Hindi niya mapigilang bulyawan ang ama niya. Gumuhit naman ang pagtataka sa mukha ng kanyang ama dahil sa sinabi niya.

"Kung wala na po kayong sasabihin umalis na po kayo. Marami pa po akong tatapusing trabaho." Huling turan niya at iniwan na ang ama. Pumanhik na siya sa kwarto niya.

Sumalampak siya sa kama at tumitig sa kisame habang inaalala ang namayapang ina. Hindi man niya ito nakasama ngunit minahal niya ito ng buong buo. Lahat ng secret niya at hinanakit niya ay dito niya sinasabi. Alam naman niya na naririnig siya nito kahit sa malayo. Dito rin niya sinabi ang pangako niya ngunit sa kasamaang palad ay nabigo siyang tuparin. Kaya hindi na niya magawang dalawin ito dahil nahihiya siya.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon