***
Mandy POV:
Naglalakad lang sila ni Rafael sa garden ng hospital. Ayaw niyang manatili sa room niya dahil nagsasawa na siyang umupo sa kama at matulog. Buti na nga lang at makaka-uwi siya bukas. Habang naglalakad ay tahimik lang sila ngunit siya ay pasulyap sulyap sa lalaki. Gusto niyang itanong yung bumabagabag sa isipan niya pero hindi niya magawang ibuka ang bibig.
"Alam kong may itatanong ka sa akin kaya itanong mo na." Napakurap siya ng sunod sunod dahil sa sinabi ni Rafael. Tumigil silang maglakad at humarap ito sa kanya. Kasing tangkad ito ni Marko kaya nakatingala siya dito.
Dapat ba niyang itanong?
"Ahm.... N-nagkita na ba tayo dati?" Alanganin niyang tanong. Ang kaharap naman niya ay parang nabato sa kinatatayuan nito.
"What I mean is nagkita na ba tayo dati sa ibang lugar or sa ibang sitwasyon? Yung pagkikita natin sa cemetery, dun ba tayo unang nagkakilala o hindi? Alam kong imposible itong tinatanong ko pero iba kasi ang pakiramdam ko." Hindi parin kumikibo si Rafael at nakatitig lang sa kanya kaya nagpatuloy siyang magsalita. "Noong niligtas mo ko nung muntikan na akong mabangga? Y-yung.... Yung mga mata mo nun, parang nakita ko na dati pa..... Yung takot at pag-aalala sa mga mata mo nung time na yun, parang nakita ko na dati pero hindi ko matandaan kung saan ko na nakita o baka ako lang talaga yung may problema. Lately kasi, palagi kong napapanaginipan yung araw na nakunan ako pero yung taong nagligtas sa akin ang hindi ko matandaan ang itsura, tanging yung expression lang ng mga mata niya ang naaalala ko." Tumigil na siya magsalita ngunit ang kaharap ay tahimik parin.
"Rafael?" Pagpukaw niya ng atensiyon nito. Hinawakan niya ito sa braso ay saka lang nagrespond si Rafael. Kinagat nito ang labi at parang hindi mapakali.
Kung ito nga ang taong yun, bakit hindi niya sabihin? Mas matutuwa pa nga siya eh.
"Uhm..." Pareho silang napatingin sa phone nito na tumutunog. Mabilis itong sinagot ni Rafael habang nakatingin sa kanya.
"Yes?.... Oh, yeah. Pupunta na ako diyan." Binaba nito ang phone. "May kailangan lang akong asikasuhin pero baalikb din ako. Saka na lang tayo mag-usap. Bye." Hindi na siya nakapagsalita nang bigla na lang itong kumaripas ng takbo palayo sa kanya.
Siya na lamang ang naiwang nakatayo sa garden. Emergency? Really? Sumasakit tuloy ang ulo niya dahil lalo lamang siyang naguluhan. Imbes na makapagpahinga siya ay lalo lang siyang nai-stress.
Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad. Lulubusin na lamang niya ang pagpapahinga dahil bukas ay makakalabas na siya ng hospital at panibagong sakit na naman ang haharapin niya.
Pipindutin na sana niya ang down botton ng elevator nang biglang may tumawag sa kaniya.
"Mrs. Santillan?" Lumingon siya kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita niya ang isang babaeng doctor na papalapit sa kanya.
Ang laki laki ng hospital pero nagkita parin sila.
"G-gusto ko po s-sana na walang makaalam ng tungkol d-dito."
"Kung yan ang gusto mo, makakaasa kang na wala akong pagsasabihan, sasabihan ko rin ang nurse na incharge sayo. Hindi na kami dadagdag sa problema mo kaya wag ka ng mag-alala basta wag mo lang kalimutan na inumin ang mga gamot na niriseta ko sayo para manumbalik ang lakas mo."
Lumapit ito ng nakangiti sa kanya. Humarap siya dito ng maayos. "Doctor Chaves." Nang makalapit ito sa kanya ay nagshake hands sila.
"Its been an long time isn't it?" Nakangiti nitong ani
"Yeah." Maikli niyang turan.
"So, Kamusta ka na? Still in the process of moving on or you already move-on completely?" Ang tinatanong nito ay ang nangyari sa kanya 3 years ago
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
