***
Third person POV:
"Mandy, saan ka pupunta?" Tanong sa kanya ng Daddy niya nang makita siya nitong paalis. Pati ang father-in-law niya ay naalarma din sa pag-alis niya.
"I'll talk to her, once and for all." Maikli niyang Sagot sa ama at nilingon ang katabi nito.
"Much better kung hindi mo na siya pupuntahan. Baka ikaw naman ang saktan niya. You know she's capable to do that." Natatakot na pigil sa kanya ng ama pero binaliwala lang niya ang babala nito.
"Makinig ka sa Dad mo, iha. Wag ka ng lumapit sa babaeng yun." Pagpigil rin sa kanya ng Papa niya.
"I can protect myself, Dad, Papa. Sa dami ng pinagdaanan ko, baliwala na sa akin ang gagawin ni Minche. Isa pa, wala na siyang hawak na panlaban sa akin. Alis na po ako." Iniwan na niya ang ama at ang kanyang father-in-law.
Sa pagpunta niya sa kwarto ni Minche ay bigla na namang may pumigil sa kanya at sa paglingon niya ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Marko at nababakas sa mukha nito ang guilt, marahil sa mga sinabi nito sa kanya kanina.
"What?"
"Let's talk." Malumanay na ani Marko at may pagmamakaawa sa boses nito.
"Meron ka pa bang hindi nasasabi sa akin?" She asked him sarcastically at mabilis na binawi ang braso niya dito.
"I'm sorry." Madamdaming paghingi nito ng tawad ngunit hindi makapaniwala si Marko sa sinagot niya.
"Okay." Walang kagana ganang sagot ni Mandy at tumango ng bahagya.
Hindi pa muling nakakapagsalita si Marko nang mabilis siyang tinalikuran ni Mandy at naglakad ng mabilis at panandalian siyang natulala dahil sa mabilis na pagkawala nito sa harap niya at nakita na lang niya ito na papaliko na.
Nang matauhan si Marko ay mabilis niyang hinabol ang asawa ngunit hindi na niya Ito naabutan dahil nagsara na ang elevator kung saan pumasok si Mandy.
Nang huminto ang elevator sa floor kung saan naroon ang room ni Minche ay lumabas na siya. Nakahinga siya ng payapa nang hindi siya naabutan ni Marko.
Naglakad na siya papunta sa kwarto ni Minche. Napahinto lang siya nang maabutan niya si Emma na umiiyak sa bisig ng asawa nito.
Magkayakap ang dalawa at hindi alintana ang mga tumitingin sa kanila. Ang asawa ni Emma ay napakahigpit nang pagkakayakap nito sa kanya at pilit na pinapagaan ang kanyang loob.
Nakatayo lang si Mandy habang pinagmamasdan ang mag-asawa. Hindi siya makapunta sa kwarto ni Minche dahil ang dalawa ay nakatayo malapit sa kwarto. Ayaw naman niyang daanan ang mga ito dahil baka makagulo pa siya kaya't maghihintay na lang siya na umalis ang mga ito.
Napaiwas na lang bigla ng tingin si Mandy nang maghalikan ang dalawa. Hindi ba alam ng mga ito na nasa public place sila? Sa isip isip ni Mandy. Sa pag-iwas niya ng tingin upang hindi makita ang ginagawa ng mag-asawa ay naagaw ng kanyang pansin ang paglabas ni Minche sa kwarto nito. Hindi napansin nina Emma ang paglabas ng pinsan nito dahil busy'ng busy ito sa ginagawa nila.
Pawala na sa paningin niya si Minche kaya kahit na ayaw niyang makuha ang pansin ng dalawa ay wala siyang magagawa kundi daanan ang mga ito.
Mabilis niyang nilagpasan ang dalawa and thankfully dahil hindi siya napansin ni Emma.
Hindi niya naabutan si Minche dahil nakasakay na ito ng elevator at nang tingnan niya kung saan ito papunta ay napakunot na lang ang kanyang noo.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
