//42//

1.4K 22 3
                                        

***

Mandy POV:

Pagkabukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang father-in-law niya.

"Papa. Nandito po pala kayo. Naglalakad lakad lang po ako sandali sa labas. May sasabihin po ba kayo sa akin? Nasaan po si Mama?" Lumapit siya sa kama at umupo doon.

Naka-upo naman si Edgar, ang Tatay ni Marko habang may hawak na newspaper. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay. Pero ano kaya ang pakay nito sa kanya?

Nilagay nito sa table ang newspaper at nangunot ang noo niya nang makita kung ano ang binabas nito. About sa annulment ang binabasa ng father-in-law niya at hindi niya maitindihan kung bakit nito iyon binabasa. Napunta ang atensiyon niya sa papa niya nang magsalita ito.

"Nasa bahay siya ngayon. Gusto lang kitang kausapin tungkol sa isang mahalagang bagay kaya hindi ko na siya sinama." Seryoso itong nakatingin sa kanya kaya napatango siya. Tumayo siya sa kama at umupo sa kaharap nitong sofa.

Hindi siya nagsalita dahil ito ang hinihintay niyang magsalita ngunit tamihik lang Ito na nakatitig sa kanya.

"Ano po ba ang pag-uusapan natin?" Siya na lang ang unang nagsalita. Huminga muna Ito ng malalim bago sumagot. Wala siyang kaedi-ediya kung ano ba ang nasa isip ng father-in-law niya.

"Tungkol ito sa inyo ni Marko. Gusto kong manahimik sa nangyayari pero hindi ko magawa dahil sa nakikita ko, parang nasisira niyo na ang isat isa."

"Nasisira? I don't understand." Kung kanina naguguluhan siya sa pananahimik nito, ngayon naman sa mga pinagsasabi nito.

"I know everything between you and my son. Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo nung huling bumisita kayo sa bahay... I know that my son is cheating on you. Kilala ko rin kung sino ang mistress niya." Natameme siya at parang nabato na sa kanyang kina-uupuan nang marinig ang sinabing iyon ng father-in-law niya.

Narinig pala nitong lahat ang pinag-usapan nila ni Marko pero bakit nanahimik ito at umakto na para bang wala itong natuklasan.

"Kung alam niyo na po pala, bakit wala po kayong ginawa? I mean, bakit niyo itinago kung pwede niyo namang sabihin kay Daddy?"

"Mas lalong gugulo ang sitwasyon kung makikialam pa kami. Hindi ko alam kung paano umabot sa ganito ang lahat pero alam ko na resposable kami sa nangyayari sa inyo ngayon dahil pinakasal namin kayong dalawa nang hindi hinihingi ang opinyon niyo." Nakita niya ang pagsisisi sa mga mata nito.

"Nagsisisi po ba kayo na pinakasal niyo kaming dalawa? Tsk. Buti nga yun lang ang nararamdaman niyo. Ako. Nagsisisi ako na minahal ko ang anak niyo. Pinagsisisihan ko ang pagkikita naming dalawa. Hinihiling ko nga na sana hindi na lang kami nagkakilala."

"I'm sorry. Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa niya sayo." Yumuko ito sa harap niya bilang paghingi ng paumanhin ngunit siya ay wala manlang naging reaksyon.

Tumayo siya sa pumunta sa kama para doon umupo habang nagsasalita. "Kahit ilang libong beses kayong humingi ng tawad hindi nun matatakpan ang sakit na binigay sa akin ni Marko. Walang kapatawaran ang ginawa niyang pagkasira sa buhay ko. Wag po kayong mag-alala dahil hindi kayo madadamay sa gulo naming dalawa." Sumandal siya sa headrest ng kama saka tumingin sa bintana.

"Alam kong mahirap patawarin si Marko pero umaasa parin ako na sana magkaayos na kayo at sana mahanap mo ang kapatawaran sa puso mo para magkaroon ng pag-asa ang relasyon niyo at hindi mauwi sa hiwalayan. Mananahimik muna ako sa ngayon at hindi kami makikialam." Tumayo ang father-in-law niya at naglakad palabas ng pinto ngunit bago nito mabuksan ang pinto ay nagsalita siya at humarap dito.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon