***
Mandy POV:
Naglakad na siya papuntang restroom at binaliwala ang tingin sa kanya ng mga tao sa party. Pumasok siya sa isang cubicle at umupo. Naso suffocate siya sa mga nangyayari dahil sa mga alaalang bumabalik sa kanya. Ang araw kung saan nagsimulang mawala ang tiwala sa kanya ni Marko.
>FLASHBACK<
Dinala siya ni Khali sa garden na walang katao tao. Binitawan na nito ang kamay niya habang malungkot itong nakatingin sa kanya. Alam niyang naaawa ito sa kanya. Umiiyak naman siyang umupo sa bench habang iniisip ang nangyari kanina.
"Tumahan ka na. Wala nang mananakit sayo." Saad ni Khali sa kanya ngunit kahit na anong gawin niya ay patuloy paring bumabagsak ang mga luha niya. Kapag umabot kay Marko ito siguradong hindi siya ang paniniwalaan nito kundi si Minche. Alam niya kung gaano nito kamahal si Minche at lahat ng sasabihin nito ay paniniwalaan ni Marko. Minsan na silang nag-away dahil kay Minche at binalaan siya nito. At ayaw niyang mangyari ang kinatatakutan niya. Hindi niya kakayanin kapag lumayo sa kanya si Marko.
"P-paano k-kung malaman ito ni M-Marko. M-maga-galit n-na naman s-siya sa akin Khali at a-ayoko k-kong mangyari yun." Itinakip niya ang kanyang kamay na nanginginig sa kanyang mukha habang patuloy na umiiyak. Natatakot siya sa maaaring mangyari kapag umabot ito kay Marko.
Umupo sa tabi niya si Khali at hinimas ang likod niya upang patahanin siya sa pag-iyak ngunit lalo lamang itong lumalakas.
"Nasa kanya na yun kung sino ang paniniwalaan niya at wala tayong magagawa dun pero kailangan mong magpakatatag. Siya din naman ang nawawalan kung si Minche parin ang pininiwalaan niya. Tahan na."
Nanlaki ang kanyang mata nang makita niya si Marko na papalapit sa kanya. Kita niya ang galit sa mata nito at halatang pinipilit lang nitong maging kalmado. Dahil sa nakikita niyang galit sa mga mata nito ay lalo siyang napaiyak. Aatras na sana siya nang makalapit ito sa harapan niya nang bigla siya nitong pigilan. Hinigit nito ang braso niya at nakaramdam siya ng sakit dahil sa higpit ng hawak nito sa kanya.
"Marko, nasasaktan ako." Pinilit niyang tanggali ang kamay nito pero sadyang malakas ito kaya kahit na anong gawin niya ay baliwala lang. Lalo lang humihigpit ang hawak nito sa kanya.
"Marko, bitawan mo si Mandy. Nasasaktan mo na siya. Marko!" Lumapit na sa kanila si Khali at tinatanggal din ang kamay ni Marko sa braso niya.
"Hayaan mo muna kaming mag-usap, Khali." Malamig nitong turan kay Khali. Tumingin siya kay Khali at umiling. Ayaw niyang maiwan mag-isa kay Marko dahil sa inaakto nito. Natatakot dahil hindi ito ang bestfriend niya.
"Anong hayaan eh sinasaktan mo na siya. Kung gusto mo siyang kausapin, magpalamig ka muna ng ulo. Hindi mo ba nakikita? Natatakot siya sayo." Balik na sigaw dito ni Khali at sapilitan siyang hinila kaya nakawala siya mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Marko. Ito ang unang beses na naging ganito ang ugali ni Marko na halos umabot sa puntong masasaktan na siya nito.
"Bakit ka ba nagkakaganito?" Tanong niya kay Marko habang patuloy na umiiyak. Hawak hawak niya ang kanyang braso Tumawa naman nang mapakla si Marko.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
