***
Mandy POV:
"I'm sorry..... Mandy."
Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa asawa dahil sa pagbanggit nito sa pangalan niya. Ilang minuto siyang nakatitig dito hanggang sa muli niya itong lapitan. Tumigil siya sa harap nito at tahimik lang niya itong pinagmasdan.
Hindi niya maitindihan ang sarili kung bakit pa siya nakatayo sa harap nito. Sinasabi ng utak niya na iwan na lang ito at hayaan na lang pero kabaligtaran naman nito ang ididikta ng puso niya at iyon ay manatili sa tabi ng asawa dahil lang sa narinig niya ang paghingi nito ng tawad kahit na lasing ito.
"Kanino ka ba humihingi ng tawad? Sa akin ba o kay Minche?" Tanong niya sa lasing na asawa.
"Ano bang ginagawa mo sa akin, Marko? Hindi ko na dapat ito nararamdaman sayo. Wala na dapat akong pakialam sayo." Huminga siya ng malalim at muli niya itong tinalikuran pero napahinto ulit siya dahil parang may pumipigil sa kanya. Idinidikta ng puso niya na manatili sa tabi ng asawa kung kaya't wala siyang nagawa at muli niyang nilapitan si Marko. Kasalanan ito ng puso niya eh.
"Marko, tumayo ka na diyan. Dun ka matulog sa kwarto mo. Marko." Inalog niya ang braso nito pero umungol lamang ito at tumagilid ng higa. Lasing na lasing nga ito. Gusto na niyang umalis ngunit ayaw namang sumunod ng katawan niya.
Napasabunot siya sa buhok dahil sa frustration. "Dalia." Kahit na naiirita ay tinawag parin niya ang katulong niya. Mabilis namang nakalapit sa kanya si Dalia.
'Isang beses ko lang itong gagawin. Bilang pambawi na rin sa pagbababatay mo sa akin sa hospital kahit na hindi ka nagpapakita sa akin.' Turan niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa asawa.
"Kumuha ka ng pampunas sa kanya atsaka palanggana na may tubig. Pati na rin pala yelo. Bilisan mo."
Tumango ang katulong pero nagtanong ito kung para saan ang yelo. "Saan niyo po gagamit ang yelo, mam?"
"Kunin mo na lang ang inuutos ko sayo at wag ka ng magtanong. Move." Irita niyang sabi rito at dahil malaki ang takot sa kanya ng mga katulong nila ay mabilis itong tumango at pumunta ng kusina.
Lumapit naman siya kay Marko at tinanggal nito ang pagkakabutones ng suit nito. Nahirapan pa siya na tanggalin ang suit dahil nakatagilid ito. Dumating naman si Dalia at pinatong nito ang mga pinakuha niya at umalis na rin ito.
Huminto siya sa ginagawa nang matauhan siya. Mabilis siyang tumayo nang mapagtanto ang ginagawa niya at ang iniisip niya kanina.
Ano ba itong ginagawa niya at bakit niya naisip yun? Wala na dapat siyang pakialam pero ano itong ginagawa niya?
"Bakit ko ba ito ginagawa? Ang dapat sayo pinapabayaan." Turan niya. Hindi sapat ang ginawa nitong pagbabantay sa kanya sa hospital para mabayaran ang mga kasalanan nito sa kanya.
Imbes na punasan ito ay iba ang ginawa niya. Kinuha niya ang yelo at nilagay ito sa palangganang may tubig at ipinatong sa ibaba ng sofa kung saan nakapatong ang paa ni Marko.
Tinanggal niya ang sapatos ng asawa at ang medyas saka niya inilublob ang paa nito sa palanggana. Tumayo na siya at binalingan ito na nakapikit parin. "Kung inaakala mo na aalagaan kita pwes diyan ka nagkakamali. Mamatay ka sa lamig." Asik niya dito at naglakad na siya papunta sa kwarto niya. Gagamitin dapat niya ang yelo sa paa niya para marelax ito.
Hindi na niya ito nilingon at umakyat sa kwarto niya. Mabilis siyang pumasok sa kwarto at nilapitan ang phone niya na nakapatong sa sidetable. Agad niyang tinawagan si Howard at ilang ring pa lang ay may sumagot na sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
