//72//

902 19 5
                                    

***

Third person POV:

Nakatitig lang si Mandy sa pinto na nilabasan ni Irene bago napunta ang atensyon niya sa envelope na nasa table. Nakatitig lang siya dito at iniisip kung ano ba ang laman nito at bakit siguradong sigurado si Irene na ito at ikababagsak ni Minche.

Pero dapat ba niyang pagkatiwalaan ang babae o hindi?

Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib dahil sa kaba na hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman habang nakatitig sa envelope.

Dahan dahang nilapit ang kamay dito at nagpasyang buksan ito. Nang mabasa ang nakasulat dito ay literal na nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at halos mahulog pa niya ito pero nahawakan niya ito nang mahigpit na halos magusot na habang inulit na basahin ang nakasulat sa papel.

'How dare her!"

Pabagsak niyang binaba sa table ang mga papel at kinuha ang cellphone sa bag upang tawagan ang kilala niyang tao na makakatulong sa problema niya ngayon.

"Hello, ma'am?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"Reil, I want you to investigate someone for me. I'll triple the money once na maibigay mo sa akin ang mga information na kailangan ko within 3 days." Saad niya at kinuha ang mga papel at muling binasa.

"Copy ma'am."

"I want an answer after 3 days, Reil. Kaya mo ba?" Paninigurado niya.

Hindi siya pwedeng gumawa ng action o sugurin si Minche hanggang hindi niya mismo yun napapatunayan as sarili niyang. Ang mga papel na hawak niya ay hindi pa sapat para pabagsakin si Minche at hindi rin niya pwedeng pagkatiwalaan ang mga taong konektado kay Minche. Lalong lalo na si Irene.

Kailangan sigurado siya bago mag-isip ng plano.

"Noted. Kayang kaya ma'am. Yun lang ba?" Muling Sagot nang nasa kabilang linya.

"Yes. I'll send you the details about her." Huling turan niya at binaba na ang tawag.

Kapag naconfirm niya na totoo nga ang mga nababasa niya ngayon about kay Minche, hindi siya magdadalawang isip na saktan ito.

____________

Lahat ng malalapit na kaibigan ni Marko na si Cannon at James, maging ang magulang niya ay nasa Jhon's Law Firm at kasama ang father-in-law niya na si Juanito at si Chola ay kasama rin nila.

Si Minche at ang pinsan nito ay present din kahit na pinagbawalan siya ni mrs. Sunny na pumunta pero nagmatigas ito, at talagang pinaghandaan pa ang araw na ito dahil ayos na ayos ito at ang ngiti nito ay halos hindi na mabura sa mukha nito, ang pinsan naman nito ay tahimik lang sa tabi ni Minche.

Ang lawyer na si Att. Valdez at ang isang judge ay nasa loob na sila ngayon ng court room. Ang tanging wala lang sa kanila ay si Howard at Khali... maging si Mandy ay wala rin siyang importante sa araw na ito na ipinagtataka nila.

Isang oras na silang naghihintay pero ni anino ni Mandy ay hindi nila makita. At dahil din doon ay tuluyang nabura ang Masayang mukha ni Minche dahil sa bwisit nito.

Si Marko naman ay tahimik lang na naka-upo at hindi pinapansin ang pagrereklamo ni Minche. Hinihiling na nga lang ni Marko ay hindi na dumating ang asawa.

"Nasaan na ba ang babaeng yun? Bakit ang tagal niya? My god! Hindi ba siya nahihiyang paghintayin tayo? Pa importante!"

"Minche, stop." Pagpigil sa kanya ni Emma pero hindi siya pinansin nito at pagalit na lumapit kay Chola na tahimik rin sa tabi habang nananalangin na wag na ngang magpakita si Mandy.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon