***
Mandy POV:
Hindi nagtagal ang usapan nila at nagappasyan na nilang umuwi. Sabay sabay silang pumunta sa parking lot. Maggagabi na rin at kailangan pa niyang umuwi para matulog dahil talagang pagod na pagod na siya at gusto lang niyang humiga maghapon. Ang daming nangyari sa araw na ito. Muntik ng malaman ni mother-in-law niya ang totoo. Alam niyang walang lihim na hindi nabubunyag pero hindi pa ngayon ang tamang panahon.
"Bye, Beshy. Good Bye Papa Raf and to you Howard. Ingat sa byahe." Pagpapaalam sa kanila ni Chola at sumakay na ito ng kotse.
"Bye. Ingat rin kayo sa byahe." Saad niya
"Una na ako, Beshy. Umiinit lang kasi ang ulo ko dahil sa masangsang na amoy dito sa paligid ko baka masipa ko pa ng di oras. Uuwi na lang ako at matutulog kaysa naman ubusin ko ang energy ko sa mga walang kwentang tao tulad ng isa diyan. Sige. Bye." Bago siya sumakay sa kotse ay tinapunan pa niya ng matatalim na tingin si Howard.
Umalis na ang dalawa at silang tatlo na lang ang naiwan. "Pagpasensyahan mo na lang si Khali. Wag kang mag-alala, mapapatawad ka rin nun. Galingan mo lang ang pagsuyo sa kanya."
"Yeah. Medyo nanibago lang ako sa ugali niya dahil sa tagal naming hindi nagka-usap pero hindi ko siya susukuan." Sagot nito at nagpaalam na sa kanila ni Rafael. Sumakay na ito ng kotse nito at tuluyan nang umalis.
"Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?" Pag-aalok sa kanya ni Rafael ngunit umiling siya dito.
"Hindi na kailangan, ako na lang ang magmamaneho. Salamat."
"Okay. Ingat ka." Saad nito at bahagya itong ngumiti ngunit hindi niya inaasahan ang bigla nitong pagyakap sa kanya kaya sobra siyang nagulat at hindi nakapagreak. Sanay naman siyang yakapin nito pero nagulat lang talaga siya
"I missed you." Bulong nito sa kanya. Gusto niyang sumagot pero hindi niya alam kung ano ba ang pwede niyang isagot dito.
'I'm sorry.'
Malungkot niyang turan ngunit sa isipan lang niya ito sinabi dahil hindi niya magawang sabihin dito ang gusto niyang sabihin. Ayaw niyang paasahan ito ngunit paano niya pahihintuin ito na gustuhin siya. Kung sa sarili nga niya hindi niya magawa paano pa kaya ang iba.
Nagtagal ng ilang sigundo ang pagkakayakap nito sa kanya at napansin niya na pinagtitinginan sila ng ibang mga empleyado kaya marahan niya itong itinulak at hindi na siya gumanti ng yakap dito. Malungkot na ngumiti sa kanya si Rafael at umaatras ng kunti palayo sa kanya. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito.
"Ahm... U-una na ako sayo, m-may gagawin pa kasi ako. Bye." Nauutal niyang turan at hindi na niya ito hinayaang magsalita dahil iniwan na niya ito at mabilis na sumakay ng kanyang kotse.
Pagkapasok niya ng kotse ay binalingan niya ng tingin si Rafael na hindi parin gumagalaw sa kinatatayuan nito. Nakatalikod ito sa kanya kung kaya't hindi niya makita ang reaksyon nito sa bigla niyang pag-alis. Ewan ba niya kung bakit naging awkward nung sila lang ang naiwan at nung niyakap siya nito.
Umiling siya ng sunod sunod at pinaandar ma ang kotse paalis sa lugar. Nang magring ang phone niya ay kinuha niya ito. Sinagot niya ang video call ni Chola at pinatong sa harap ang phone niya. Kakapasok lang din ni Khali sa vc nila.
"Ano bang sasabihin mo bakla ka, nagmamaneho pa ako. Pag ako nabangga humanda ka sa akin." Bulyaw ni Khali mula sa kabilang linya
"May itatanong lang naman ako. Hindi kita tinanong kanina dahil nandun si Papa Howard."
"Oh ano ba yung itatanong mo?" Bulyaw ulit nito
"Ito na nga. So, may boyfriend ka na pala? Bakit hindi kami na inform? Sino siya? Siya ba yung kinokwento mo sa amin?" Sunod sunod na tanong ni Chola
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
