//43//

1.3K 23 3
                                        

***

Mandy POV:

"Gawin mo na lang ang gusto ko para hindi na lumala ang lahat. Madali lang naman yung hinihiling ko sayo. Kaya ko lang naman ginamit yan dahil baka hindi ka pumayag. Desperado na ako Mandy kaya wala akong pakialam kung anong mangyari sayo sa gagawin kong to basta ang mahalaga wag lang masira ang pamilya ko. Pag hindi ka pumayag na kausapin si Marko tungkol sa asawa ko, wala nang makakapigil sa akin sa gagawin ko at tinitiyak ko sayo na malalaman ng lahat ang totoong namamagitan sa inyo ni Marko. Ikakalat ko lahat na ikaw talaga ang mang-aagaw. Wag mo kong subukan." Galit nitong asik sa kanya. Hindi na ito nakiki-usap sa halip ay nagbabanta.

"Despirada ka nga kasi kahit na isinusuka ka na ng asawa mo, hinahabol mo parin siya. Kahit na niluluko ka ng asawa mo wala ka paring pakialam at kahit na nagmumukha ka ng tanga ayos lang sayo. Gusto mong kausapin ko si Marko na wag tanggalin yung asawa mong manluluko dahil nagbabakasakali ka na babalikan ka niya kapag niligtas mo ang career niya. Umaasa ka na babalikan ka niya at iiwan niya ang kabit niya oras na maitindihan niya na may silbi ka pa sa kanya. Tama ba ako? Sa ginagawa mong to lalo mo lang pinapamukha sa sarili mo na isa kang malaking tanga. Ayaw na nga sayo ipinagsisiksikan mo pa ang sarili mo."

"Bakit? Magkaparehas lang naman tayo ah? Ayaw mo rin namang hiwalayan si Marko kahit na alam mong hindi ka niya mahal sa simula palang."

"Mali ka. Yung pagmamahal ko sa kanya matagal ko nang ibinaon sa hukay. May dahilan ako kung bakit nananatili parin ako sa relasyon namin kahit na madali sa akin na hiwalayan siya. Wag mo kong igaya sayo na despirada." Kinuha niya ang mga picture at pinagpupunit ito sa apat na bahagi saka itinapon sa sahig.

"Hindi ka ba natatakot sa gagawin ko o nagtatapangtapangan ka lang?"

"At bakit naman ako matatakot? Gusto mong ikalat ang mga yan? Sige, gawin mo. Hindi kita pipigilan pero oras na gawin mo yun wag ka ng umasa na babalikan ka pa ng asawa mo dahil tinitiyak ko sayo na hindi ka lang isusuka ng asawa, pandidirihan ka pa niya at hihiwalayan kapag kumalat ang itinatago mong baho. Wag ako ang subukan mo Joanne. Yung Mandy na madali niyong natatakot noon wala na. Kung hihilain mo ako pababa sisiguraduhin kong isasama kita. Tingin mo? Ano kaya ang mararamdaman ni Miguel kapag nalaman niyang drug addict at marami ng nakagamit sa asawa niya? Tingin ko hindi ka lang niya pandidirihan." Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi niya tungkol sa itinatago nitong sekreto.

"You bitch!" Umamba itong sasampalin siya pero agad niya itong nasalo. Pilit nitong binabawi ang kamay ngunit mahigpit ang pagkakakapit niya dito. "Bitawan mo ang kamay ko!"

"Sino sa atin ngayon ang takot? Pupunta ka dito sa teretoryo ko para pagbantaan ako? Ang tapang mo naman. Sa dami ng pinagdaanan ko, hindi mo na ako matatakot kaya subukan mo lang na kalabanin ako at sisiguraduhin kong sa kangkungan ka pupulutin." Pabalya niyang binitawan ang kamay nito. "Umalis ka na dito at wag ka ng babalik baka biglang magdilim ang paningin ko sayo."

Kinuha ni Joanne ang bag niya at naglakad na siya palabas ng pinto ngunit hindi pa siya nakakalapit dito ay tinawag na niya ito. Lumapit siya dito at sa pagharap nito sa kanya ay tumama na dito ang kamay niya. Napaatras ito sa lakas ng sampal niya at gulat na gulat rin ito. Humawak ito sa pisngi at tumingin sa kanya nang hindi makapaniwala.

"Para yan sa pagbabanta mo sa akin at ito para sa ginawa mo nun sa reunion." Mabilis at malakas niya ulit itong sinampal sa kabilang pisngi.

"Kulang pa yan." Binigyan pa niya ito ng isang malutong na sampal kaya napasalampak ito sa sahig. "Para yan sa pagiging makasarili mo at sa pagiging despirada mo." Nakasalampak lang ito sa sahig habang nakatingin sa kanya ng masama.

"Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na sa kompanya bago ko pa gawing pulang mansanas yang mukha mo. Ayoko ng pinaghihintay, Joanne."

Tumayo na ito at mabilis na binuksan ang pinto at walang lingon lingon na umalis. Bumalik siya sa swivel chair niya pagkasara ng pinto. Tinawag rin niya si Amanda at ilang sigundo lang ay nasa harap na niya Ito.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon