//49//

1.2K 20 2
                                        

***

Mandy POV:

"Beshy, halika na. Buksan mo na yung mga regalo mo." Dinig niyang tawag sa kaniya ni Khali mula sa sala.

"Nandiyan na." Pasigaw rin na Sagot niya dito. Nagpunas siya ng kamay at lumabas na ng kusina. Kakatapos lang nilang kumain at tumulong muna siya sa pagliligpit. Nagpaalam rin agad sa kanila ang parents ni Marko na muuna silang umalis dahil may importante itong gagawin kaya silang magkakaibigan na lang ang natira sa bahay.

Pumunta na siya sa sala at lumapit sa mga kaibigan. Mukhang excited ang mga ito na buksan ang mga regalo samantalang siya ang may-ari ng mga yun dahil siya ang nagdiwang ng kaarawan. Naka-upo ang mga kaibigan sa sofa at nasa table naman ang mga regalo.

"Unahin mo yung sa akin, beshy." Kinuha ni Chola ang malaking paper bag at binigay sa kanya. Halatang excited dahil pumapalakpak pa Ito. Kinuha niya Ito at sinimulang buksan at umarko sa kanyang labi ang masayang ngiti nang makita ang laman ng paper bag.

Inilabas niya ang tatlong libro. Kilala talaga siya ni Chola dahil alam na alam nito ang gusto niya. Ang book na natanggap niya kay Chola ay ang isa sa mga paborito niyang wattpad stories. Ang HIH ni Maxinejiji na kompleto ang book one to three. Hindi halata sa kanya na mahilig siyang magbasa ng mga ganitong babasahin pero minsan lang siya nakakapagbasa sahil bukod sa marami siyang trabaho ay hindi rin biro ang pinagdadaanan niyang problema.

"Sunod mo yung sa akin." Turan naman ni Khali at inabot nito sa kanya ang paper bag na kulay gold. Binalik niya sa loob ng paper bag ang libro at pinatong ito sa table bago tanggapin ang inaabot sa kanya ni Chola. Sinimulan na niya itong buksan at nilabas sa loob ang isang mamahaling bag na mukhang binili pa sa ibang bansa.

"Ganda diba? Wala pang ganyang brand na nailalabas dito sa Pilipinas. Pinabili ko lang yan sa friend ko na galing France. Nagustuhan mo?" Dagdag pa na sabi ni Khali. Ngumiti naman siya at Tumango rito.

Binalik rin niya ulit sa loob ng paper bag ang regalo sa kanya ni Khali at tinabi ito sa regalo sa kanya ni Chola. Sinimulan na rin niyang buksan ang iba pang regalo sa kanya ng mga kasama. Ang regalo sa kanya ni Howard ay isang pares na shoes na galing rin sa ibang bansa binili at hindi rin ito nailalabas sa Pilipinas. Ang sunod naman niyang binuksan ay ang regalo sa kanya ni Cannon at James.

"Bakit iisa lang ang regalo niyong dalawa? Ano yun, nag-ambagan lang kayong dalawa? Ang yaman niyong dalawa pero pang regalo lang hindi niyo pa mabili." Asik ni Khali sa dalawa at tumawa lang din si Cannon at James.

"Wala na kasi kaming maisip na pwedeng iregalo kay Mandy kasi mukhang nasa kanya naman na ang lahat." Saad ni Cannon.

"He's right. Pasensya ka na Mandy. Kailangan ko din kasi ng pera para sa nalalapit kong kasal." Napatingin siya kay James sa sinabi nito.

"Ikakasal ka na? Kailan?" Gulat niyang tanong rito. Ni hindi nga niya alam na may girlfriend ulit ito dahil nung malapit na silang ikasal ni Marko ay nakipagbreak ang girlfriend nito kay James. Pero bigla niyang naalala na naputol na pala ang komunikasyon nila after nung kasal nila ni Marko.

"Next year pa. Sana nga makapunta kayo nina Khali." Sagot nito sa kanya.

"Bago mong girlfriend or yung dati parin? What is her name again? Jenny, right?" Si Jenny ang girlfriend noon ni James at iyon ang pinakamatagal nitong relasyon. Nagulat na nga lang siya na hiwalay na ang dalawa pero hindi naman niya matanong dito kung bakit. Kilala rin niya si Jenny dahil naging kaibigan nila ito nina Khali at Chola dahil bukod sa napakaganda nito ay napakabait rin nito.

"Yeah. Si Jenny parin. Nagkabalikan kami four years ago. Actually, nahirapan nga akong kunin ang loob niya ulit pero sulit naman yung pasensya at paghihintay dahil bukod sa napatawad na niya ako ay tinanggap pa niya ang proposal ko. Sa simbahan parin ang tuloy namin." Mukhang Masayang masaya nga ito base palang sa mga ngiti nito na abot na sa mga mata nito. Swerte ni Jenny dahil may isang James na nagmamahal dito. Naiinggit tuloy siya kay Jenny.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon