//36//

1K 19 0
                                    

***

Mandy POV:

Pagka-alis ni Khali at Chola ay siya na lang at si Howard ang natira kasama si Marko at ang mga kaibigan nito. Tahimik lang siyang kumakain at hindi binigyang pansin ang dati niyang mga kaibigan.

"Ahm. Kamusta ka na?" Nilingon niya si James na bahagyang nakangiti sa kanya.

"I'm fine." Walang gana niyang Sagot dito

"Gusto sana naming magsorry sa mga nasabi namin sayon noon five years ago. Sana mapatawad mo kami since napatawad mo na rin naman si Howard." Saad rin ni Cannon at tinapunan ng tingin si Howard

"Kung talagang sincere kayo sa mga sinasabi niyo, diba dapat hindi niyo ko pinipilit na patawarin kayo? Ano bang akala niyo? Na basta basta ko lang pinatawad si Howard?"

"Hindi yun ang ibig ko----"

"Pero yun ang lumalabas.... Kung inaakala niyo na ganun lang kadaling magpatawad pwes diyan kayo nagkakamali. Para sabihin ko sa inyo, nahirapan rin akong patawarin si Howard dahil hanggang ngayon nakatatak parin sa utak ko ang pagtalikod niyo sa akin noon at ang masasakit na salita na hindi ko inakalang manggagaling mismo sa inyo na tinuring kong pamilya." Pinutol niya ang dapat na sasabihin ni Cannon kaya napatahimik ito. Binalingan rin niya ng tingin si James na katulad ni Cannon ay hindi na rin makapagsalita. Gusto niyang sigawan ang mga ito pero ayaw niyang gumawa ng gulo.

"Hindi ako nandito para makipag kamustahan sa inyo. Huwag kayong umakto na para bang wala kayong ginagawang mali dahil alam kong pinagtatakpan niyo ang katarantaduhan ng bestfriend niyo. Alam ko rin na kilala niyo ang bagong babae ni Marko. Kung ayaw niyong magkapahiyaan tayo dito mas mabuting tumahimik na lang kayo." Tuluyan nang tumahimik ang dalawa dahil sa sinabi niya. Kinuha niya ang wine at inisang lagok lang ito.

Dumating na si Khali at Chola. Umupo na sila sa upuan nila. Si Khali naman ay masama ang tingin kina Cannon.

"May ginawa ba sila sayo?" Tanong sa kanya ni Khali at tinapunan ng masasamang tingin si James at Cannon

"Wala. Relax ka lang." Sagot na lamang niya.

"So, ano bang nangyari? Bakit ang init init ng ulo mo kanina?" Pag-iiba ng usapan ni Chola. Lahat naman sila ay tumingin kay Khali at naghihintay na magsalita ito.

Parang nag-aalangan pa itong magsalita at tumingin pa kay Marko kaya napatingin rin siya dito.

"Okay. Ikokowento ko na kahit na nandito ka at yang mga kampon mo. Para rin naman malaman niyo kung anong klaseng babae ang pinatulan mo at kung anong klaseng babae ay pinagtatanggol niyo." Saad nito habang lumingon ng salitan kay Marko at sa mga kaibigan nito. Maingay parin ang paligid pero sapat lang na magkarinigan sila at sapat lang din na walang nakakarinig sa kanila.

"So, ito na nga. Habang papunta ako dito may nakaharap akong isang makamandag na ahas and you know what I mean. Ayokong banggitin ang name niya dahil lalo lang masisira ang gabi ko. Nalaman ko na hindi siya pinapapasok dito kahit na may invitation card siyang binigay."

"Huh? Why? Baka naman dahil alam ng school na iskandalosa yung babaeng yun." Komento ni Chola.

"I don't know the reason. Ang sabi lang naka block daw siya sa guest list it means bawal siyang maki join sa party. Atsaka sapilitan rin siyang pinaalis dahil nagwala siya sa entrance at pinagsisigawan na may boyfriend siya na nandito sa loob. Iskandalosa talaga. Dun kami nagkita sa parking lot at ang impakta galit na galit sa akin. Si Mandy pa ang sinisisi niya kung bakit hindi siya invited."

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon