***
Third Person POV:
"Anong sabi mo? Nanggaling nga talaga dito si ms. Mandy?" Di makapaniwalang tanong ni Dalia kay Linda.
"Bakit nagsinungaling ka kay Sir Marko? Mananagot tayo nito panigurado. Linda naman." Saad naman ni Jacel. Napakamot na lang ito sa ulo nito dahil sa ginawang pagsisinungaling ni Linda.
Napapadyak naman si Linda sa iritasyon at sa kaba dahil for sure ay mapapagalitan siya pag nalaman ni Marko na nagsinungaling siya.
"Kasi naman eh. Sabi kasi ni ms. Mandy, wag na wag daw akong magsasalita kundi sisisantihin niya ako kaya ayun. Buti nga nandun ka kundi baka hinimatay na ako sa sobrang kaba." Turan ni Linda at nilingon si Dalia.
"Pasalamat ka din at hindi namin alam na nanggaling dito si ms. Mandy kundi pareparehas tayong paglalamayan... Bumalik na tayo sa trabaho dahil baka biglang dumating si Sir at mahuli pa tayo." Sagot ni Dalia at tinuloy ang paghuhugas ng mga hugasin.
"Teka, anong oras mo ba nakita si ms. Mandy? Sabay sabay naman tayong nagising diba?" Nagtatakang tanong ni Jacel kay Linda at tinigil ang ginagawang pag ma-mop bago ito hinarap.
"Kaninang madaling araw ko siya nakita. Mas nauna akong magising sa inyo dahil nauuhaw ako tapos nakita ko na lang siya na pababa ng hagdan. Tapos yun, pagkatapos ko siyang maka-usap bumalik na ako sa kwarto at hinintay ko na lang kayong magising."
"Ahh.. kaya pala hindi ka mapakali nung tinanong ka ni Sir. Kabado much?" Natatawang ani ni Jacelat sinabayan rin ito ni Dalia.
"Pero alam niyo, parang may napansin ako kay ms. Mandy na kakaiba." Saad ni Linda habang inaalala ang naging pagtatagpo nila ni Mandy.
"Kakaiba? Ano naman yun ha?" Ani ni Jacel at tinitigan si Linda
"Baka naman dahil isang buwan nating hindi nakita si ms. Mandy kaya ganun. Ikaw kung ano ano na lang pumapasok sa isip mo. Kabado ka lang kaya ka ganyan." Sabat naman ni Dalia habang umiiling.
"Hindi eh. May iba talaga sa kanya. Yung kwan niya tas yung upper body niya.. Iwan.. basta.. Madilim kasi nun kaya hindi ko masyadong makita yung kabuuan niya." Kahit si Linda ay naguguluhan sa mga pinagsasabi niya.
"Hay naku. Kung ano ano na lang naiisip mo, Linda. Mabuti pa tapusin mo na yan at nang makapag laba ka na dun." Sigunda naman ni Jacel at binaliwala ang sinabi ni Linda na hindi naman nila maitindihan. Itinabi nito ang hawak na mop at lumabas ng kitchen, sumunod naman sa kanya si Dalia na katatapos lang din magligpit.
_________
Sa isa sa mga kwarto sa pinakadulo ng palapag ng mental institution ay maririnig ang nagwawalang boses ng babae habang kinakalampag ang pintuan.
"Palabasin niyo ko dito! Mga wala kayong kaluluwa! Hayop! Mga hayop kayo!"
"Huy manahimik ka diyan! Ang ingay ingay mo... Kapag nagising itong anak ko kakaladkarin kita palabas. Letse ka!" Sunod rin na sigaw ng isang babae na katabi nitong kwarto habang hinihili sa mga bisig nito ang isang manika.
"Shut up witch! Wag mo kong igaya sayo na isang baliw... Sabi ng buksan niyo tong pinto!.. Hindi ako nababagay dito. Hindi ako baliw!.. Kailangan kong makaalis dito, baka hinahanap na ako ni Marko. Hindi pwedeng ma postpone ang kasal namin.... Buksan niyo ito! Ahhh!!!. Emma!!! Marko!!"
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
