//68//

1.1K 21 3
                                        

***

Marko POV:

"Ahm...Sir, matutulog na po kami." Lumapit sa kanya si Jacel at magalang na nagpaalam dito.

Hindi sumagot si Marko bagkus ay Tumango lang ng bahagya kung kaya't umalis na si Jacel at pumunta sa maid's quarters. Binaba ni Marko ang laptop na nasa kandungan nang maramdaman niya ang paglakas lalo ng ulan. Hindi pa nakakauwi si Mandy kaya nag-aalala siya ngayon pat dumidilim na rin. He's trying reach her through phone but she's not answering.  Hindi naman niya alam kung saan ito hahanapin.

Nawala ang atensyon niya sa bintana nang magring ang phone niya. Kinuha niya ito at Tinapat sa tenga niya upang sagutin.

"Yes, Howard? Is there any problem?" Pagsisimula niya. Kinuha niya ang laptop at naglakad paakyat sa kwarto niya.

"Nothing. Mangangamusta lang ako sa inyo ni Mandy. So, ano ng nangyayari sa panunuyo mo sa kanya? May improvements na ba?" Sagot sa kanya ni Howard sa kabilang linya.

"Wala pa but I'm doing everything although it's impossible."

"Why don't you try my suggestion that I told you yesterday." Napahinto siya sa pagpihit ng doorknob sa sinabi ni Howard. Nabanggit din nito nung nag-usap sila kahapon pero tinggihan niya.

"The annulment?" Binuksan na niya ang pinto at hinayaan lang na nakabukas ang pinto. Pinatong niya ang laptop sa table.

"Yes... Maybe that's the only option for now for you to gain her trust again...... Let her go then pursue her para marealize niya na kahit naghiwalay na kayo ay nakahanda ka paring manatili sa tabi niya at mahalin siya ng sobra sobra, na siya at siya parin ang pipiliin mo at handa mong pakasalan ulit sa kahit saang simbahan. Make her feel that you still loved her even though na annulled na kayo."

"If I'll do that, will she get mad at me? O baka lalo pa niya akong kamuhian." Napasabunot siya sa sariling buhok sa tuwing iniisip ang magiging reaksyon.

"Hindi naman mawawala ang part na yan na magagalit siya, dahil siguradong ang iisipin niya ay gusto mo ng makasama ang mag-ina kaya mo siya hihiwalayan. Nasa sayo kung desidido kang makuha ang tiwala niya ulit at ang pagmamahal niya." Sagot ni Howard sa kabilang linya.

"Okay, if that's the only option then I'll do it." Sana tama ang desisyon niya dahil hindi na niya kayang mawala sa buhay niya ang asawa at gagawin niya ang lahat upang makuha lang ang kapatawaran nito at muli siya nitong mahalin tulad noon.

"Pero ang tanong sigurado ka na ba sa desisyon mo? Nakahanda ka bang harapin ang magiging reaksyon. Suggestion ko lang ang sinabi ko pero nasayo parin kung ano ang magagawa mo para mapatawad ka niya."

"Sigurado na ako. Magfa-file na ako ng annulment for her to move on at makalimutan niya lahat ng sakit na dinulot ko sa kanya." Determinado niyang sabi ngunit nawala ang atensyon niya sa kausap nang marinig niyang ang pagkahulog ng isang bagay sa likuran niya at nang lingunin niya ito ay nanlaki ang mga mata dahil nakatayo lang naman sa kanyang harapan si Mandy na walang kaemo-emosyon at sa paanan nito ay ang bouquet of roses na pinadala niya dito.

Base sa ekspresyon ng mukha ni Mandy ay mukhang hindi nito naitindihan ang kanyang sinabi kung kaya't bumundol ang kaba sa kanyang dibdib. "M-Mandy, k-kanina ka pa nandiyan?"

Mas kinabahan siya ng sobra dahil hindi sumagot si Mandy at tinalikuran siya nito. Hinagis niya ang phone sa kama at mabilis na sinundan ito pababa ng hagdan.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon