***
Mandy POV:
Pitong araw na ang nakakalipas nang makilala niya ang taong nagligtas sa kanya at sa mga nagdaang araw na iyon ay lagi na silang nag-uusap ni Rafael. Mas lalong napalapit ang loob niya dito ngunit bilang isang kaibigan lang naman. Hindi parin nawawala sa isipan niya ang nararamdaman ni Rafael para sa kanya kaya't hanggang maaari ay ayaw niyang iyon ang maging topic nila kapag nag-uusap sila. Ayaw niyang paasahin ito na maaari niyang magustuhan ang binata. Tama na, na hanggang magkaibigan lang sila at hindi na lalagpas pa dun.
Kapag naman inuungkat yun ni Rafael ay palagi niyang niyang binabago ang usapan ngunit kapag mapilit naman ito ay sinasabi na lang niya dito ng diretso na kaibigan lang talaga ang kaya niyang offer. Gusto niyang tumigil na si Rafael at kalimutan n lang ang nararamdaman nito para sa kanya dahil pati siya ay nahihirapan na rin.
"Hey, you're spacing out again? May problema ba?" Ang tanong na iyon ni Marko ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Tumingin siya dito at bahagyang umiling rito bago ibaling sa ibang direksyon ang kanyang paningin.
"Are you sure?" Muling tanong ni Marko sa kanya.
"Yes.... Pwede ba tayong bumalik na lang sa hotel? I feel exhausted now and I just want to rest. Pwede ba?" Tanong na lamang niya at muling tumingin sa asawa. Mukhang nakuha naman ni Marko ang ibig niyang sabihin kaya sumang-ayon na ito. Sabay silang naglakad pabalik sa kotse nila.
Pagkasakay niya sa kotse ay nagseatbelt na siya at hindi na nagsalita. Hindi rin niya pinansin si Marko na sumakay sa rin. Napansin niya ang paglingon nito sa kanya pero sa bintana na lamang siya tumingin.
Nasa Baguio sila ngayon para magbakasyon. Isang araw pa lang sila dito at sa makalawa pa ang balik nila sa Manila. Sa totoo lang ay wala siyang balak na magbakasyon kasama si Marko ngunit hindi na siya nakatanggi sa in-laws niya. Sila kasi ang may gusto na magbakasyon muna silang mag-asawa para magkaroon daw sila ng time sa isat isa at para daw hindi puro trabaho ang inaatupag nila.
Lumabas sila ng hotel para mamasyal ngunit wala talaga siyang gana dahil na rin sa natanggap niyang voicemail galing kay Minche. Hindi talaga titigil ang babaeng yun. Akala niya ay nanahimik na ito dahil hindi ito nagparamdam ng ilang araw pero naghahanda lang pala ito. Hindi na talaga tatahimik ang buhay niya kahit sandali lang. Tatlong tao ang pinoroblema niya ngayon. Una si Minche, pangalawa si Marko at dumagdag pa itong si Rafael. Problema na nga niya ang kompanya tapos dadagdag pa yung mga yun.
Naalala pa niya ang pinadala ni Minche sa kanya na voicemail kagabi lang at hindi na yun Matanggal sa utak niya.
'Magsaya ka lang kasama si Marko dahil babawiin ko rin siya sayo. Kahit na ayaw mo siyang pakawalan, gagawa at gagawa ako ng paraan para siya na mismo ang bumalik sa akin. Maghintay ka lang dahil mapapasaakin rin siya...... Minsan na niya akong minahal kaya hindi na mahirap sa akin na bawiin siya mula sayo. Tandaan mo, mas matagal niya akong minahal kesa sayo kaya madali lang para sa akin na baguhin ang tibok ng puso niya . Babalik sa akin si Marko at iiwan ka niya. Paggising mo isang araw, wala na siya sa tabi mo.....'
'And remind ko lang sayo. Wag kang umasa sa kapirasong papel lang at sa mga salita niya. Kilala ko si Marko, madali siyang maguluhan at mabilis magbago ang isip niya kaya tiyak ako na iiwan ka rin niya para sa akin. Huwag mong kalimutan na sa loob ng limang taon na naging mag-asawa kayo ay ni minsan hindi siya nagkagusto o nahumaling sayo. Kahit nga kunting sulyap hindi niya binigay sayo. Alam mo kung bakit? Dahil sa loob ng limang taong yun, ako ang nakatatak sa puso't isipan niya. Ni minsan hindi ako nawala sa isip niya kaya wag kang magpakampanti dahil ang totoo naguguluhan lang siya sa nararamdaman niya ngayon at dahil yun sa panglalandi mo sa kanya.... Ako parin ang mahal niya at titiyakin ko sayo na ako parin ang pipiliin niya sa huli.'
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romansa"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
