***
Third person POV:
Ang mga kasama ni Mandy sa loob ng courtroom ay hindi parin makapaniwala sa ginawa nitong pagpunit sa annulment paper at para silang naging bato sa kinatatayuan nila. At dahil sa pagkabigla ay tanging nagawa lang nila ay panoorin na nagtatalo si Mandy at Minche.
Mukhang tanging si Minche Minche ang tutol sa desisyon ni Mandy.
"Minche, kung ayaw mong magkalabasan ng baho dito, tigilan mo ko dahil kahit na anong gawin mo, hindi ko hihiwalayan si Marko. Ako ang legal na asawa. Nasayo man ang anak, nasa akin parin ang huling desisyon. At kung desisyon kong palayuin ka kay Marko, gagawin ko. Karapatan ko ring magdesisyon kung anong klaseng buhay ang kahihinatnan ng pinagmamalaki mong anak." Iyon ang Huling kagata na narinig nila kay Mandy at tuluyan na itong lumabas ng courtroom. Mga ilang sigundo lang ay mabilis na sumunod si Minche at hinabol si Mandy kaya't nawala na ang dalawa sa kanilang paningin.
"What was just happened?" Nakabuo buo na rin ng salita si Chola dahil sa pagkabigla kanina. Naglakad siya at tiningnan isa isa ang mga kasama na hindi rin makapaniwala.
"...It's true, right? Tama yung narinig natin diba or it is just me? Am I hallucinating or not? Please tell me." Nalilito paring turan ni Chola habang pinaprocess ang nangyari kanina.
"Chola, you're not hallucinating." Lumapit si James kay Chola at hinawakan ang magkabila nitong braso bago lumingon sa mga kasama. "We are not dreaming. Totoo ang nakita natin kanina. Hindi na tuloy ang annulment at ang hindi lang natin alam ay kung anong dahilan ni Mandy, bakit nagbago ang isip niya." Pagkumpirma ni James.
Ngunit kahit na alam na nilang hindi itutuloy ni Mandy ang annulment ay mayroon paring agam-agam sa kanilang isipan.
"Gusto kong matuwa pero parang may mali." Makahulugang sabi ni Chola at tumingin sa pintuang nilabasan ni Mandy at Minche.
Nanlaki ang mata ni Chola nang marealize na sinundan pala ni Minche si Mandy at sigurado siyang magkakaroon na naman ng gulo sa pagitan ng dalawang babae.
"Sinundan ni Minche si Beshy... Shit!... Siguradong may world war 3 pag hindi natin sila naabutan!" Natataranta nang saad ni Chola ngunit bago pa siya makatakbo ay naunahan na siya ni Makro kasunod ang pinsan ni Minche hanggang sa patakbo na silang lumabas ng courtroom upang pigilan ang nagbabadyang sagupaan ng dalawang tigre.
.
.
.
Samantalang si Mandy ay naglalakad na palabas ng law firm at binaliwala niya ang pasigaw na tumatawag sa kanyang likuran na si Minche ngunit binaliwala niya ito.
Nakakakuha man sila ng atensyon dahil sa ginagawa ni Minche ay pinanatili niya ang blangkong expression.
"Mandy! We're not yet done!.. Mandy!" Nagpupuyos na sigaw ni Minche habang sinusundan siya.
Nang makalapit na siya sa hagdan pababa nang maabutan siya ni Minche ay hinawakan siya sa braso at pwersa siya nitong iniharap sa kanya.
"Bingi ka ba huh! Kanina pa kita pinapahinto o sadyang sinasadya mo lang na pahiyain ako sa harap nila!" Malakas na sigaw ni Minche sa kanyang mukha na ikinapikit niya.
"Hindi ko kailangang mag-aksaya ng oras na ipahiya ka because you're doing it on your own.... Magsisisigaw ka man dito, hindi parin magbabago ang isip ko...." Umayos ng tindig si Mandy at umangat ang kamay upang tanggalin ang mga hibla ng buhok ni Minche sa balikat nito bago muling magsalita.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
