***
Mandy POV:
"Saksi ang lugar na ito sa kahayupang ginagawa niyo ng kabit mo. Dito ko nakita lahat. Sa table na to. Sa bawat sulok ng lugar na ito. Dito. DITO NITO GINAWA ANG PANGGAGAGO NIYO SA AKIN. DITO....AHHHHHH!!" Buong lakas niyang sigaw at pinaghahagis ang mga nakapatong sa table. Ang laptop at wasak na. Nabasag ang name plate at gusto gusot ang mga papeles.
Pero wala siyang pakialam dun kung para ng isang basurahan ang ito. Isa lang tangi niyang nararamdaman at iyon ay ang matinding galit.
Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Marko at ang pagpigil nito sa pagwawala niya. Hinawakan nito ang magkabila niyang braso ngunit hindi niya hinayaan na pigilan siya nito. Binaklas niya ang pagkakahawak sa kanya at humarap dito at ginawaran ng isang malutong na sampal.
Sa sobrang lakas nun ay tumabingi ang mukha ni Marko. Napaatras ito at muntik na niyang ikatumba dahil hindi niya nabalanse ang katawan buti na lang at hindi siya tuluyang natumba. Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Nilapitan niya ito at kinuwelyuhan. Matangkad at hanggang ilong lang ang tangkad niya kay Marko kaya madali lang sa kanya na abutin ito.
"Punong puno na ako. Sirang sira na ang pagkatao ko. Ilang babae mo na ang nakaharap ko at LAHAT sila pinapamukha sa akin kung gaano ako kababang babae at kung gaano ako katanga. Bakit ako ang kailangang magbayad sa kasalanang hindi ko ginawa." Patuloy na bulyaw niya dito.
Pilit na inaalis ni Marko ang kamay niya sa kwelyo nito pero hindi niya hinayaan yun."Wala kang pakialam kung ilan na ang naging babae ko o kung ilan na ang naikama ko. Why? Nagseselos ka?" Tinawanan lang niya ito ng mapakla.
"Why would I? Sa loob ng 5 taon na pinaranas mo sa akin ang impyerno hindi na ako nasasaktan. Manhid na manhid na ako. Hindi ko na magawang umiyak...Alam mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Galit at pagkamuhi sa inyo ng mga kabit mo. Nakakadiri kayo.... Wala na kayong tinira kahit kunting dignidad sa akin. Said na said na. Wala na... Gusto mo ng annulment diba? Pwes hanapin mo sa impyerno ang annulment mo dahil kahit na lumuhod ka pa sa harap ko hinding hindi ko yun ibibigay. Mamatay ka man. Mabulok man ang katawan mo sa lupa wala kang makukuha sa akin.... Magdusa ka..!" Bulyaw niya at buong lakas niyang tinuhod ang pinagmamalaki ni Marko.
"AHHHHHH!! SHIT! SHIT! AHHH!" Nagtatatalon na ito at sumigaw. Paano ba naman hindi kung yung kayamanan mo ang nabasag. Nakahawak siya sa ibaba niya at namimilipit sa sakit.
Hindi niya pinansin ang pamimilipit nito. Kinuha niya ang bag niya at tuluyan ng lumabas ng office. Wala siyang pakialam kung mabaog ito. Well sana nga.
.
.
.
.
.
Nakarating na siya sa kompanya niya. Buti at hindi siya nabangga dahil sa sobrang badtrip niya. Sinalubong naman siya ni Amanda."Mam, si Mr. Clark po may gustong ipabago sa nakasaad sa documents. Yung kukunin na daw po niya ay yung una niyong pinakita sa kanya sa Cavite. Yun daw po ang gusto ng asawa niya." Lalong nagdidili ang paningin niya dahil sa narinig. Wala na bang ibang sasalubong sa kanya kundi puro problema.
"Punyitang matanda yan. Ang lakas ng loob niyang magdemand. Kunin mo lahat ng documents ni Mr. Clark at sunugin mo hanggang sa maging abo at ipalamon sa kanya. Puntahan mo siya at sabihin na hindi na itutuloy deal. Maghanap siya ng ibang kompanya na makakatiis sa kaartehan niya. Kapag bumalik dito ipakaladkad mo sa mga guards. Ayoko sa mga katulad niya na puro kaartihan lang. At kung malipilit sabihin mo magpakamatay na lang siya para tapos."
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...