//16//

1.3K 18 0
                                        

***

Mandy POV:

Inihain na niya ang mga naluto niyang pagkain. Beef steak at sinigang ang niluto niya tulad ng gusto ni Marko. Umupo na siya nang pumasok sa dining si Marko. Umupo ito paharap sa kanya. Wala silang imikan habang kumakain.

"Sorry sa nangyari kanina. I didn't mean it." Biglang turan ni Marko.

"I don't need your apology. Just save it." Nagpatuloy siyang kumain.

Tumigil lang siya sa pagkain ng may maalala siya bigla. Binaba niya ang kobyertos na hawak at pinagsiklop ang mga kamay bago hinarap si Marko na tahimik na kumakain.

"Ano bang plano mo?" Tanong niya. Humarap si Marko sa kanya na halatang naguguluhan sa sinabi niya

"What do you mean?"

"Wag ka ng magmaang maangan pa. Alam mo kung ano ang sinasabi ko." Malamig niyang saad. Mukhang hindi parin nito nakukuha ang sinabi niya

"I don't know what is your talking about. Enlighten me, please." Tss.

"Fine. Anong ibig sabihin nitong mga ginagawa mo. Yung pagiging mabait mo sa akin. Yung pagluluto mo ng breakfast for me at yung pagdadala mo ng lunch sa office ko. Hindi ka naman ganito sa akin dati diba? Mas gugustuhin mo pa nga na hindi marinig ang pangalan ko dahil sa nasisira ko ang araw mo tulad ng sinabi mo sa akin noon. Why the change of mind? O baka naman may masama kang balak sa akin." Alam niyang nasa gitna sila ng hapag kainan kaya lang matagal na itong gumugulo sa isip niya. 1 week ng ganito ang pinapakita sa kanya ni Marko. Nababahala tuloy siya.

"Yun ba ang tingin mo sa ginagawa ko? Ganun ba kasama ang tingin mo sa akin?" May gumuhit na sakit sa mata nito pero alam niyang niluluko lang siya nito

"Yes." Diretso niyang sabi at walang pag-aalinlangan. "Minsan mo na akong niloko at ayoko ng maulit yun." Sunod niyang sabi.

"Niloko? When. Wala akong naaalala na niloko kita."

Napairap siya sa sinabi nito. Pero fine. Nag cross arms siya.

"3 years ago. Pinaniwala mo ko na may pag-asa pa ako diyan sa puso mo. And that night you make me believe that you love me but I was wrong. So wrong. Umasa ako sa wala. Naging tanga ako." Nahihirapan niyang saad. Nakita niya kung paano umismid si Marko at kalaunan ay tumawa ng mapakla. Nasasaktan siya dahil sa pinapakita nito.

"So dahil lang sa nangyari sa atin kaya nag assume ka? Didn't I tell before that it was an accident. I was drunk that night." Nasaktan siya sa sinabi nito.

Pagkatapos ng nangyari sa kanila noon ay hindi na siya kina-usap ni Marko tungkol dun. Ang tanging sinabi lang nito ay aksidente ang nangyari sa kanila. Gusto niyang marinig ang explanation nito about sa nangyari pero ang sakit palang marinig ulit ang totoo. Na hindi nito ginusto ang nangyari sa kanila.

Pinikit niya ang kanyang mata upang pigilan ang kanyang nagbabadyang luha na gustong kumawala mula sa mga mata niya. Hindi siya pwedeng umiyak sa harap nito. Kailangan niyang maging matapang. Habang nakapikit siya ay narinig niya na nagsalita si Marko.

"Kung pinaasa man kita nun. I'm sorry. Hindi ko alam na ganun pala ang iisipin mo after that night. Pero ngayon hindi mo na kailangan mag assume dahil totoo na ito." Minulat niya ang kanyang mga mata dahil sa narinig niya. Punyeta.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon