***
Third person POV:
"Akala ko ba malinis yang asawa mo? Eh bakit mukhang ganadong ganado siyang makipaghalikan sa lalaki niya? I thought ikaw ang mahal niya? Pero bakit tumikim siya ng ibang putahe?" Ang sabi ni Minche na may kasamang tawa at pang-iinsulto. Nakapatong ang kanan niyang paa sa kaliwa niyang paa habang nakatingin sa mga litrato na nakapatong sa table ni Marko. Kinuha niya ang litrato kung saan magkalapat ang labi ni Mandy at Rafael saka pinakita kay Marko na tahimik parin at hindi nagsasalita dahil sa nakita nitong mga larawan nang asawa niya at nang ibang lalaki."Ito ba ang sinasabi mong mahal ka? Tss. Pathetic." May png-uuyam niyang turan bago kumuha ng isa pang litrato kung saan magkahawak ang kamay ni Mandy at nang lalaking kasama nito.
"Nagpapakahirap kang habulin siya samantalang may lalaki nang nakaaligid sa kanya. Bakit mo pa siya hinahabol kung nandito naman ako? Mas mapapasaya kita kaysa sa kanya at kung talagang mahal ka niya, hindi siya maghahanap ng ibang lalaki?" Nakita mismo ni Minche ang pagkuyom ng mga kamao ni Marko. Alam niyang galit na ito at kunting tulak pa mapapasakamay na niya ulit ang lalaking iniibig at kakalimutan na nito ang planong pakikipag-ayos kay Mandy.
'He's mine.'
Bulong niya sa utak niya nag mga katagang iyon. Hindi siya nagsaripisyo sa ibang bansa at magpakasal sa taong hindi niya mahal para lang mabaliwala ang mga plano niya. Ngayon na kapantay na niya si Mandy at hindi na siya nagmumukhang basahan kapag katabi ito ay madali na niyang makukuha si Marko at ang loob ng mga magulang nito. Tutol ang magulang ni Marko sa kanila noon dahil sa estado niya sa buhay. Mahirap lamang sila at halos magkandaugaga ang magulang niya para mapag-aral siya sa magandang paaralan. Sa kolehiyo mismo sila nagkakilala ni Marko. Una niya itong nakita na laging kasama ni Mandy at ang nakakainis hatid sundo pa siya nito.
Naiinggit rin siya sa buhay na meron si Mandy. Mayaman ang pinagmulan nitong angkan kahit na hindi pa niya noon dala dala ang apelyedo ni Marko. Kung yaman ang pag-uusapan ay hindi nagkakalayo ng yaman ang angkan ng Rivera at Santillan dahil sa business nila na umabot na sa ibat ibang bansa. Lalo pang lumakas ang kapangyarihan nila nang mag merged ang company nang dalawang pamilya dahil sa pagpapakasal ng kanilang mga tagapagmana. Ganun ang buhay na gusto niya. Ang buhay na Mandy na isang prinsesa, tagapagmana at higit sa lahat ang hinahangaan ng lahat. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil isang kahig isang tuka lang ang pinagmulan ng angkan nila kung kaya't hindi niya maipagmalaki ito.
Nung mga panahon rin na nasa kolehiyo sila ay ginawa niya ang lahat mapansin lang siya ni Marko. Unang kita palang niya dito ay nahulog na ang loob niya sa binata. Nagpakahinhin siya, nagpaka inosente na parang isang anghel at nagbait baitan na malayong malayo sa ugali niya hanggang sa magtagumpay siya. Napa-ibig niya ang lalaking gustong gusto niya. Hindi na niya pinatagal ang panliligaw nito at agad na niya itong sinagot at naging opisyal na nga silang magkarelasyon. Habang tumatagal din ang kanilang pagsasama ay nalaman niya na ang kababata nang boyfriend niya na si Mandy at labis niyang kina-iinggitan at may matagal na palang pagtingin sa boyfriend niya. Ngunit hindi siya nabahala dito alam naman niya na siya ang mahal ni Marko.
Magmula rin ng magkaroon sila ng relasyon ay naging confident na siya sa sarili niya. Hindi na siya nahihiyang humarap sa ibang tao dahil mayroon maipagmamalaki, ang boyfriend niya. Nakakabili na rin siya ng mga gusto niya lalo na ang mga mamahaling bag, dress, sapatos at kung ano ano pang materyal na bagay na hindi niya makuha noon dahil wala siyang pambili. Mumurahin lang ang nabibili niya at sa tianggi pa. Pero nagbago lahat. Lahat nang gusto niya nakukuha niya. Dahil sa black credit card na tanging mayayaman lang ang mayroon dahil sa malaking halaga na nakapaloob doon. Nagsama na rin sila sa condo ni Marko ngunit hindi nagtagal ang masaya niyang buhay dahil sa paghadlang ng mga magulang ni Marko sa relasyon nila hanggang sa nagtagumpay silang paghiwalayin sila at maipakasal ito kay Mandy.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...