//73//

1.2K 19 3
                                        

***

Third person POV:

Pagkabukas na pagkabukas pa lang ni Mandy sa pintuan ng courtroom ay napunta na sa kanya ang atensyon ng lahat at base sa nakikita niya ngayon ay mukhang nagkakaroon ng mainit na sagutan sa pagitan ni Minche at ng iba pa.

"What is the commotion here?" Malamig na tanong niya at naglakad na palapit sa kanila.

Gulat naman ang rumihestro sa mukha ni Chola, maging ang iba pa dahil sa kanyang pagdating kahit na inaasahan naman talaga nila ang pagdating niya.

"Nagpunta ka nga. Akala ko hindi ka na darating." Nanghihinang sambit ni Chola sa kaibigan pero hindi na lang nagsalita si Mandy at nilingon na lang ang iba na kanina pa naghihintay sa kanya.

Hanggang sa mapadako ang kanyang mga mata sa lalaking nakatayo malapit sa kanya at walang ibang makikita sa mga mata nito kundi sakit, pagsisisi at pangungulila ngunit totoo bang iyon ang nakikita niya? O baka nagpapanggap lamang ito?

Nahihirapan na siyang pagkumparahin ang totoo sa hindi at kung saan ba dapat siya maniwala.

Hindi makapagsalita si Marko at hindi manlang siya nito magawang lapitan dahil sa unti unting pagkadurog ng puso nito. Dito na magtatapos ang kanilang pagsasama. Wala ng sasalubong sa kanya sa bahay nila.

Sa isip ni Marko ay ganito rin siguro kasakit noon ang nararamdaman ni Mandy sa tuwing tinatalikuran at binabaliwala niya Ito. Ngayon, damang dama niya ang ganoong sakit na pinaramdam niya sa asawa noong nagsasama pa lang sila. Ang talikuran at hindi bigyan ng halaga. Tagos sa pagkatao niya ang cold treatment sa kanya ng asawa.

Si mrs. Sunny naman ay muling napa-upo dahil sa panghihina dahil ngayong nandito na si Mandy at tuloy na tuloy na nga ang annulment. Wala nang makakapigil dito base pa lang sa pinapakitang expression ni Mandy. Hindi nakikitaan bang kahit na anong emosyon ang mga mata nito.

"At last you came, but you're to late dahil pinag-away away mo pa kaming lahat. Is this your plan huh? Para lalo akong hindi tanggapin ng parents ni Marko?"

Nilingon ni Mandy si Minche na galit nang nakaharap sa kanya but she doesn't give a fuck. Malamig din siyang nakatingin dito. She must hold her stoic and cold expression.

"You're to noisy, Minche. And you know, hindi ka pa man dumadating sa buhay ng asawa ko, ayaw na sayo ng magulang niya and even now? They despise your existence... Anyway, you're too sexy with your white dress, para kang hindi buntis sa ayos mo. Pinaghandaan mo talaga ang araw na ito, as if naman may mapapala ka." Hinagod niya ang kabuuan nito.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Minche. "Shut up and just sign those damn annulment paper para matapos na to." Asik nito na may kasamang pag-uutos.

Ang Judge na nanonood lang sa kanila ay napailing na lang sa nasasaksihan. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakakita na magagawa pang pumunta ng kabit nang taas noo sa mismong annulment ng mag-asawa at ngayon lang din siya nakahawak ng ganitong kaso sa tanang buhay niya.

Binaling ng Judge ang tingin client nila na si ms. Mandy. Namamangha siya katapangan nito, lalo na ang pagharap sa kabit ng asawa nito nang hindi nagwawala o nasasaktan. Seryoso lang ito at kalmado pero nababakas sa mga mata nito galit at pagkamuhi. Kadalasan sa mga babaeng asawa, nagwawala sila at sa tuwing nakakaharap ang kabit ng asawa nila ay mabilis nitong susunggaban para saktan pero si ms. Mandy ay malayong malayo sa ganung klase ng babae.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon