//22//

1.3K 20 0
                                        

***

Mandy POV:

Ano pa bang sakit ang kailangan niyang maranasan para maging masaya naman siya kahit minsan. Simula nang minahal niya si Marko ay nagulo na ang buhay niya. Kung alam lang sana niya na ganito ang dadanasin niya sa pagmamahal niya kay Marko, edi sana pinigilan na niya ang puso niyo noon pa man na mahulog dito. Ang akala niya okay na siya, na hindi na siya iiyak dahil lang sa asawa niya pero nagkamali siya. Tatlong taon lang pala ang pinahinga ng mga luha niya bago ulit lumandas sa kanyang mga pisngi. Nakakaya niyang tanggapin ang pambababae ni Marko at hindi siya bigyan ng halaga para lang sa mga babaeng nakikilala niya sa club pero ang hindi niya matanggap ay lulukuhin siya nito para sa babaeng yun.

Parang tinapaktapakan ang pagkatao niya dahil mas pinili ni Marko na makasama ang babaeng sinaktan siya. Hindi niya matanggap kung bakit si Minche lagi ang mas mahalaga sa kanya. Sa ginagawa niyang pag-uwi kay Minche kaysa sa kanya na asawa ay pinapakita at pinapamukha lang nito na wala parin siyang halaga para dito. Kung noon ay inuuwian siya nito dahil wala itong mapapagpilian pero ngayon na bumalik na si Minche sa buhay nila, may dahilan na siya para hindi umuwi sa kanya dahil noon pa man wala na siyang halaga dito.

Umalis siya ng bahay pagkatapos ng sagutan nila ni Marko. Natagpuan na lang niya ang sarili sa sariling condo na binili niya noon. Kailangan muna niyang magpalamig ng ulo bago bumalik sa bahay nila. Alam naman niya na maaabutan niya sa bahay nila ang asawa. Kung hindi man ito nakinig sa kanya at umalis parin ay wala na siyang pagpipilian kundi gawin ang banta niya dito. Hinilot niya ang kanyang noo nang maramdaman ang pananakit nito. Nararamdaman na niya ang epekto ng alak dahil nahihilo na siya. Tatlong bote rin ang naubos niya kaya nahihilo na siya.

Kailangan na niyang matulog dahil may mga importante pa siyang trabaho sa kompanya at ayaw niyang magtaka ang mga tauhan niya dahil lately ay hindi rin siya pumapasok ng kompanya at kung minsan naman ay tanghali na siya nakakapasok. Inisang lagok niya ang kakaunting laman ng bote at nilaglag na lang basta sa sahig. Kahit na nahihilo ay pinilit parin niyang umakyat sa kwarto niya. Nagdodoble na ang kanyang paningin at pasuray suray na rin ang kanyang lakad ngunit magkaganun man ay nakarating parin siya sa kanyang kwarto. Lumapit siya sa kama isinalampak ang katawan sa malambot na kama.

_________

Khali POV:

Kanina pa niya tinatawagan si Mandy pero ayaw nitong sagutin ang tawag. Napagpasyahan niya kasi at ni Chola na bisitahin si Mandy para tanungin kung umuwi na si Marko at kung nasabi nito ang desisyon nito pero hindi nila ito naabutan sa company nito. Ang sabi naman ni Amanda ay dali dali itong umalis a hindi man lang sinabi kung saan ito pupunta. Naghintay sila ng dalawang oras pero ni anino ni Mandy ay hindi man lang sumipot sa kompanya nito kaya napagpasyahan nila ni Chola na puntahan ito sa bahay nito pero maging doon ay wala rin kaya bumalik ulit sila sa kompanya at nagbabakasakaling baka bumalik na ito. Ngunit wala pa rin. 9 pm na ngunit hindi man lang ito nagpakita sa kanila. Hindi rin ito tumawag sa kanila kaya nag-aalala na sila.

"Ayaw parin bang sagutin?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Chola. Dismayado siyang umiling. Umupo siya sa sofa katabi ni Chola at nag-isip kung saan maaaring pumunta si Mandy. Tinatawagan naman nila si Marko ngunit hindi rin nito sinasagot ang tawag.

"Wala ba kayong alam na lugar na pwede niyang puntahan?" Tanong sa kanila Rafael habang hindi rin mapakali sa kinauupuan nito.

Tinawagan nila si Rafael kung kasama ba nito si Mandy pero hindi rin nito alam. Tapos bigla na lang itong dumating sa bahay niya at nagtanong kung nawawala ba si Mandy. Kung si Rafael ay sobra sobrang nag-aalala kay Mandy si Marko naman ayun nganga. Kahit ata mamatay ang kaibigan nila ay hindi ito mag-aalala kahit kunti. Baka matuwa pa.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon