//38//

1.4K 19 2
                                        

***

Mandy POV:

Kahit papaano naman ay natapos nang matiwasay ang reunion. Wala na rin siyang naka-usap na kagaya ni Mira at Joanne. Kung hindi lang niya na control ang sarili ay baka pinahiya na niya ang mga iyon pero ayaw niyang magpagod para lang sa mga taong wala namang kwenta.

Pagkatapos ng kainan at kamustahan ng dating magkakaklase ay nagkaroon pa ng sayawan pero hindi na siya nakisali dahil sirang sira na ang mood niya. Nanatali lang siya sa table nung oras na yun. Ang huli ay ang pagbibigay ng mensahe o speech ng principal at ang iba pang matataas sa school at syempre hindi rin siya nakaligtas dun. Expected na rin naman niya dahil nainform siya ni prof Lea.

Nang makapagpaalam sila sa principal at sa iba pang mga guro ay saka lang siya lumabas ng hall.  Nauna na siyang maglakad palabas ng University. Binaliwala lang niya si Marko na tinatawag siya. Nasa likod lang niya ang kaibigan niya kasunod si Marko. Lalo niyang binilisan ang paglalakad nang makarating sila sa parking lot. Gusto na niyang umuwi at magkulong sa kwarto niya. Isang gabi lang pero lahat ng masasakit niyang alaala ay bumalik sa kanya.

"Mandy, kausapin mo ko!" Patuloy lang niyang binaliwala si Marko. Kapag hindi pa siya naka-uwi baka hindi na niya mapigilan ang sarili na magwala sa sobrang galit na nararamdaman niya.

Nang makarating sila sa kotse nila ay bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla hawakan ni Marko ang kamay niya at hinila siya paharap dito ngunit agad din niyang tinabig ang kamay nito at tiningnan ng masama.

"Pwede bang umuwi muna tayo? Or mas maganda kung bukas na lang tayo mag-usap dahil pagod na ako at gusto ko nang magpahinga. Sa dami ng nangyari ngayong gabi, please. Please lang wag ka ng dumagdag pa dahil kunting kunti na lang malapit na akong sumabog. Wag mong hintayin na magkalat ako dito dahil ikaw lang din naman ang mapapahiya." Binuksan niya ang pinto at kinuha ang pouch niya bago ulit sinarhan ang pinto ng kotse. Tinapunan lang niya ito ng tingin bago naglakad paalis sa harap nito.

"Saan ka pupunta?" Napatigil siya sa paglalakad nang pigilan siya ulit nito.

"Magtataxi ako pauwi. Wag ka ng makipagtalo pa." Mahina niyang turan. Gusto na niyang umalis sa lugar na Ito.

"Sa akin ka na lang sumabay. Ako na maghahatid sayo pauwi." Lumapit sa kanya si Khali. Alam niyang nag-aalala lang ito para sa kanya.

"Hindi na kailangan. Kaya kong umuwi ng mag-isa. Gusto kong mapag-isa muna kaya hayaan niyo na ako."

Muli siyang tumalikod at naglakad paalis ng parking lot. Sa kanyang pagtalikod ay kasabay nito ang pagtulo ng kanyang mga luha. Mabilis niya itong pinunasan at binilisan ang paglalakad para makaalis na sa lugar na iyon. Nang may makita siyang paparating na taxi ay agad niya itong pinara. Nang huminto ito sa harap niya ay sumakay na siya.

_______

Khali POV:

Nakatingin lang siya kay Mandy na papalayo sa kanila. Napansin niya ang pagpunas nito sa pisngi kaya alam niya na umiiyak ito. Gusto niyang i-comfort ang kaibigan pero alam niya na mas gusto nitong mapag-isa. Napabuntong hininga siya nang wala sa oras. Ang dami ngang nangyari sa gabing ito. Buti na lang at hindi naka-attend ng party si Minche dahil alam niyang  mas lalo lang masasaktan ang kaibigan. Napunta ang atensyon niya kay Marko at biglang kumulo ang dugo niya dito. Ang lalaking ito ang may kasalanan kung bakit parang impyerno ang buhay ni Mandy.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon