//69//

924 20 3
                                    

***

Third person POV:

"Kung ganun pwede na kaming magpakasal ni Marko? Pwede na kaming magsama?"

Si Mandy, Marko at ang mga kasama nila ay sabay sabay na napalingon sa likuran ni Mandy dahil sa malakas na boses na iyon at tumambad sa kanila si Minche na sobrang lawak ng pagkakangiti.

"Oh my god! I can't believe this..." Masayang Masayang ani pa ni Minche at nagtakip pa sa bibig. Ngunit kung ang nagpagulat sa kanila ang pagdating ni Minche ay mas lalo pa silang nagulat nang mabilis itong naglakad sa direksyon ni Marko at sinunggaban ito ng yakap. "Marko, ito na yung matagal nating hinihintay. Unti unti ng matutupad ang mga pangarap natin noon. Magsasama na tayong dalawa kasama ng baby natin. Thanks god at dininig ng Diyos ang dasal ko."

Wala ng pakialam si Minche sa deskusyong nangyayari dahil ang tanging nasa isip lang nito ay si Marko. Para sa kanya ito na ang pinakamagandang balita na kanyang narinig.

Si Khali at Chola ay napanganga na lamang after nilang magulat dahil sa biglaang pagdating ni Minche. Kabaliktaran ng ekspresyon nila ang ekspresyon ni Minche dahil ito lang ang Masayang masaya sa binalita ni Mandy.

"Sinong nagpapunta sayo dito? Hindi pa official ang paghihiwalay namin ni Marko pero mukhang umabot na sayo ang balita... And based on your smile, you seems look so happy." Malamig na turan ni Mandy at nilingon si Marko na nakatingin din sa kanya at bahagyang umiiling at may lungkot rin sa mga mata nito pero hindi niya ito pinansin.

Ngumiti ng sobrang lawak si Minche at humarap kay Mandy. Lumayo din ito kay Marko at lumapit sa kanya. Hinapit nito ang mga kamay niya at hinawakan nang mahigpit. Pilit namang binabawi ni Mandy ang kamay ngunit mahigpit itong hawak ni Minche.

"Thank you!... Thank you for letting him go... Salamat dahil nagparaya ka para sa amin. Ito na ang pinakamagandang regalo mo sa baby ko. Huwag kang mag-alala dahil aalagaan ko si Marko at hinding hindi ko na siya iiwan. Thank you so much!" Niyakap nito sa Mandy na nagpagulat sa kanya habang ngiting ngiti naman si Minche.

Hindi na nagpumiglas si Mandy sa kinatatayuan at nakipagtitigan kay Marko nang mata sa mata. Kumuyom ang kanyang mga kamao at unti unti na siyang nanginginig dahil sa galit ngunit pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili.

Dahil hindi na niya makaya ang ahas na nakapulupot sa kanya ay hinawakan niya ang magkabilang braso ni Minche at malakas na binaklas ang pagkakayakap nito sa kanya. Tinulak niya Ito nang may kalakasan na muntikan nitong ikatumba ngunit mabilis na nakalapit si Marko at sinalo si Minche.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Marko kay Minche ngunit sa sinapupunan siya nito nakatingin. Ang nakakagulat ay hindi manlang nagulat o nagalit si Minche nang muntikan itong matumba, sa halip ay hindi parin nawawala ang ngiting nakapaskil sa mukha nito at nilingon si Marko.

"I'm okay. Thank you." Sagot ni Minche at hinaplos ang tiyan nito bago tumingin kay Mandy na mas lalong nawalan ng emosyon ang kanyang mga mata.

"Don't be so overwhelmed, Minche. I didn't do this for him or for you. I did this for me.... because I still respect myself. May natitira pang kakarampot na digdinad at respeto sa pagkatao ko at iyon ang isasalba ko... Hindi mo yun maitindihan dahil wala ka naman nun........ Next week, gusto ko lahat kayo pumunta para tumayong witness..... And one more thing, Minche, wag kang atat na makasama ang asawa ko. We're still married, remember that. " Tumalikod na si Mandy at naglakad palabas ng bahay.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon