***
Third Person POV:
Bagsak ang balikat ni Marko pagka-uwi na pagka-uwi palang niya sa bahay galing sa kompanya ni Khali. Isang linggo na niyang hindi nakikita ang asawa at hindi na niya alam kung saan pa ito hahanapin. Ginulo gulo niya ang kanyang buhok dahil sa frustration.
Ibabagsak na sana niya ang katawan sa sofa dahil sa pagod ngunit hindi niya natuloy dahil natuon ang kanyang paningin sa kinasasabitan ng weeding portrait nila ni Mandy dahil wala na ito doon.
"Dalia! Jacel!" Malakas na tawag ni Marko sa dalawang katulong habang hindi maalis ang kanyang mga mata sa pinaglalagyan ng portrait.
Agad na dumating ang dalawa at lumapit sa kanya. "Tinawag niyo po kami Sir?"
"Nasaan ang wedding portrait namin ng asawa ko? Bakit niyo pinakialaman yun? Sinong nag-utos sa inyo na tanggalin yun nang hindi niyo pinapaalam sa akin?" Hindi niya mapigilan na sigawan ang dalawang katulong habang nakaturo ang kamay niya sa pinagsasabitan ng portrait nila ni Mandy.
Nagkatinginan si Dalia at Jacel dahil sa malakas na sigaw ni Marko bago tumingin sa kanya.
"Hindi po namin gustong tanggalin yung portrait, Sir, kaya lang po wala po kaming nagawa kundi tanggalin na dahil po sa ginawa ni ms. Mandy." Nakayukong paliwanag ni Jacel ngunit si Marko ay parang napako sa kinatatayuan niya nang marinig ang pangalan ng kanyang asawa. Nawala sa isip niya ang nangyari sa portrait dahil isa lang ang pumasok sa utak niya sa mga sinabi ni Jacel.
"What did you say?..U-umuwi si Mandy? When? Where is she?" Sunod sunod niyang tanong at lumapit kay Jacel.
"Kanina pa po dumating si ms. Mandy, mga one hour ago pero umalis din po siya agad at hindi po niya sinabi kung saan siya pupunta. Yung nangyari naman po sa portrait... binasag po ni ms. Mandy kaya wala po kaming nagawa kundi tanggalin na lang. Nandun po sa storage room." Si Dalia na ang sumagot sa kanya pero nagulat siya sa sinabi nito na sinira ni Mandy ang wedding portrait nila. Mukhang matindi nga ang galit nito sa kanya.
"Sorry po Sir kung hindi po namin siya napigilan. Maging kami rin po kasi ay nagulat sa ginawa ni ms. Mandy. I'm sorry po." Paghingi rin ng paumanhin ni Jacel
"Don't worry about it. Ako ng bahalang magpaayos dun. I have to go now." Mabilis niyang turan at tumakbo na siya palabas ng pinto upang hanapin ulit si Mandy. Sa kompanya niya ito pupuntahan at kung wala man doon ulit ang asawa ay muli niya itong hahanapin. Sumakay na siya ng kotse at pinalarga na ito ng sobrang bilis.
.
.
-Flaskback 1 hour ago-
Pagkalabas ni Minche sa bahay nila ni Marko ay narinig na niya ang pag-alis ng kotse nito.
"Nakaalis na po siya ms. Mandy." Saad ni Linda sa kanya na kapapasok palang ng bahay kasunod si Jacel.
"Yeah, I heard it. Next time wag niyo nang papasukin yun dito sa pamamahay ko. Kung kinakailangan niyo siyang kaladkarin palabas, gawin niyo. Wala akong pakialam kung mapahamak ang ipinagbubuntis niya dahil desisyon naman niya na ipagsiksikan ang sarili niya sa hindi dapat."
"Makakaasa po kayo na hindi na po siya makakapasok dito." Agaran namang Sagot sa kanya ni Dalia at sunod sunod rin tumango sina Jacel at Linda.
Hindi na siya nagsalita at hinarap ang wedding portrait nila ni Marko. Nakatitig lang siya dito nang hindi nagsasalita samantalang sina Dalia ay nasa gilid niya na naghihintay lang ng ipag-uutos niya.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
