***
Third person POV:
Pareho sila ni Marko at Mandy na nakasandal sa pader at walang naglalakas ng loob na magsalita sa kanilang dalawa at pinapakinggan lang ang paghinga ng bawat isa.
Nang hilain ni Marko si Mandy ay dinala niya ito sa parte ng hallway ng hospital kung saan walang mga dumadaan o walang nakakakita sa kanila kaya't malaya silang makakapag-usap pero hindi alam ni Marko kung saan ba mag-uumpisa at sa paanong paraan ba niya kakausapin ang asawa dahil maging ito ay hindi rin nagsasalita.
Inaasahan pa naman ni Marko na mag-explain si Mandy sa kanila about sa nangyari kay Minche o humingi manlang ito ng tawad dahil handa naman niya itong pakinggan pero ni isang salita ay wala manlang lumalabas sa bibig ni Mandy kaya't iniisip nilang lahat na may kasalanan ito at kahit na ayaw niyang pagbintangan ang asawa ay yun ang tumatakbo sa kanyang utak.
"Why did you do that? Why did you pushed her? You know that she's pregnant." Sa labing limang minuto nilang pananahimik ay si Marko na ang unang nagsalita nang hindi nakatingin sa asawa habang nakasandal ang ulo sa pader at nakapikit.
"I didn't do anything... And I'm not crazy or stupid to do such thing, Marko." Malumanay na Sagot ni Mandy at hindi rin nililingon ang asawa.
"But why didn't you explain your side? Why are you so silent? You should be explaining right now." Turan ni Marko at nilingon na ang asawa. Ngunit ang nakita niya rito ay ang pagtawa nito ng mapakla na para bang malaking kahibangan ang paghingi nito ng tawad.
"What for? Hindi rin naman kayo makikinig so what's the point?" Pagmamatigas ni Mandy
Kumuyom ang kamao ni Marko dahil sa pagpipigil niya ng galit pero alam niyang hindi siya maaaring magalit sa asawa dahil biktima lang din ito. Ang lahat ng nangyayaring ito ay kasalanan niya pero gusto parin niyang marinig ang side ni Mandy, na pinagtatanggol ang sarili nito pero sa mga lumalabas sa bibig nito ay parang inaamin pa nito na sinasadya nga nito ang pagtulak sa mag-ina niya.
"Mandy, ang tanging gusto ko lang marinig ay ang paliwanag mo. Yun lang. Mahibarap ba yun?" Nagpipigil na turan muli ni Marko at inuuntog na nito ang ulo sa pader ng mahina.
"Ano bang gusto mong marinig mula sa akin, Marko? Kung ano yung nakita niyo at kung ano yung narinig niyo, then yun ang paniwalaan niyo. Bahala kayo sa gusto niyong paniwalaan dahil wala kayong maririnig sa akin." Tumaas na rin ang boses ni Mandy at galit niyang nilingon muli si Marko.
Lumingon si Marko sa kanya. Lumapit sa kanya at hinawakan nito ang kanyang magkabilang braso nang mahigpit at sapilitan siya nitong pinaharap. Pipi siyang napadaing dahil sa pagkakahawak sa kanya ni Marko pero hindi niya dito pinakita na nasasaktan siya bagkus ay Malamig lang siya ditong nakipagtitigan.
"Ang gusto kong malaman ay kung bakit!... Bakit, Mandy!? Bakit!?" Nagpupuyos nitong sigaw kay Mandy at marahas siyang binitawan habang nakakuyom ang mga kamao na para bang gusto nitong manakit.
Umalis ito sa harap niya at di mapakaling naglalakad sa kanyang harapan at ang nagawa nitong labasan ng galit ay ang pader dahil pinagsusuntok nito ang pader na malapit sa kanya hanggang sa magkasugat at dumugo ang kamao nito.
Walang nagawa si Mandy kundi panoorin lang ang asawa na mahinang nagmumura upang mailabas ang galit nito. Napatigil lang ito nang magsalita siya.
"Yun ba ang gusto niyong marinig sa akin? Sige.... Oo na... Sinadya kong dalhin si Minche sa hagdan para itulak siya at kahit na may pagkakataon akong hawakan ang kamay niya, hindi ko parin siya tinulungan. Ano, masaya ka na? Yun ang gusto mong marinig diba?" Hindi na rin mapigilan ni Mandy na sigawan ang asawa dahil kanina pa siya nagtitimpi.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
