***
Mandy POV:
Dalawang linggo na nung nagkasagutan sila Marko. Simula nung araw na ring yun ay iniiwasan na niya ito. Gusto niyang harapin si Minche pero hindi niya alam kung saan ito makikita. Kaya imbes na maghanap siya ng taong ayaw namang magpakitaay hahayaan niyang ito mismo ang magpakita sa kanya. Ano kaya ang magandang plano para mapalabas ang isang ahas?
"Girl, anong iniisip mo? Parang hindi maganda ang nasa isip mo ngayon ah." Komento ni Khali sa kanya. Napansin nito siguro na malalim ang iniisip niya.
"Oo nga bakla. Parang may kakaibang awra na nakapalibot sayo. Share mo naman sa amin." Saad rin ni Chola. Tinawanan niya ang mga ito bago sumagot.
"Iniisip ko lang kung paano mapapalabas ang isang makamandag na ahas sa lungga niya. May alam ba kayo kung paano?" Baliwala niyang Sagot at kinuha ang juice na nasa table bago inumin. Nagkatingin naman ang dalawa niyang kaibigan na naguguluhan.
"Huh?" Saad ni Khali. Tumahimik sila sandali at iniisip kung ano ba ang ibig niyang sabihin.
"Madali naman yang tinatanong mo. Edi search natin sa Google. Ikaw talaga bakla." Natatawang turan ni Chola habang umiiling. Ang tahimik naman na si Khali at mukhang nakuha na niyo ang ibig niyang sabihin at hinampas si Chola sa braso.
"Gaga hindi yun ang ibig niyang sabihin. Si Minche ang tinutukoy niya." Saad ni Khali. Tumango naman siya sa sinabi nito
"Oo nga no? Malanding ahas in short Minche."
"Bakit mo pala natanong?" Tanong ni Chola at sa kanya na tumingin
"Gusto ko lang siyang makaharap. Lagi kasi siyang nagsisend ng picture nila ni Marko na magkasama. Gusto ko lang ipamukha sa kanya na kahit nasa kanya si Marko hindi parin niya ito maaangkin nang buong buo dahil sa mata ng batas ako ang tunay na nagmamay-ari sa kanya."
"Tama ka diyan Beshy." Sang-ayon ni Chola. Umismid naman si Khali dahil sa sinabi niya.
"Hindi ba nagsasawa ang babaeng yun na magsend sayo ng mga malalaswa nilang picture? Kadiri kaya." Naaasiwang turan ni Khali. Naipakita niya kasi minsan yung mga picture na sinisend sa kanya ni Minche
"By the way Beshy, natapos ko na ang susuutin natin for the reunion next week."
"Good. Hindi pala ako matutuloy sa lakad natin bukas." Saad niya. Nagtaka naman ang mga kaibigan niya.
"Huh? Why?" Dismayadong tanong ni Chola
"Pinapapunta kami ni Mama sa birthday ng kaibigan niyang senator as their behalf ni Papa." Sagot niya at nginitian niya ang dalawa
"With Papa M?"
"Yeah. Hindi naman kasi ako pwedeng tumanggi baka magtanong yun ng kung ano ano at may masabi pa akong hindi dapat."
"You're right. Kaya mo naman sigurong maka survive kasama siya. Naka survive ka nga ng limang taon yun pa kaya yung isang araw lang." Sang-ayon sa kanya ni Khali. Nagtawanan lang sila sa sinabi ni Khali
_______
Nasa loob lang siya ng kotse ni Marko habang hinihintay ito. Nababagot na siya sa kahihintay dito dahil dinaig pa nito ang babae sa pag-aayos. Kung pwede lang na iwan ito ay gagawin niya, kung bakit naman kailangan pa niyang sumakay sa kotse nito eh meron naman siya.
Umayos siya ng upo nang magbukas ang pinto ng kotse at pumasok si Marko. Naka formal attire ito at siya naman ay nala cocktail na fit na fit sa kanya. Hindi sila nagkikibuan dalawa hanggang sa magsimula ng magmaneho si Marko.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romansa"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...