//03//

1.8K 33 0
                                        

I need your support. Vote and follow me on my account. That's all I need for now.

***


Lumabas na silang magkakaibigan ng office. Nakasalubong pa nila si Amanda. Binati nito ang dalawa niyang kasama at ganun din ang huli.

"Hi Amanda. It's nice to see you." Nakipagbeso dito si Khali ganun din si Chola. Sanay naman na si Amanda sa pagkaweirdo ng mga kaibigan niya.

Pina Cancel niya ang buong appointment niya. Gusto niyang makahinga kahit saglit lang. At dahil makulit ang dalawa niyang Beshy ay sinama nila si Amanda sa gimik nilang tatlo. Gusto lang daw nilang maipakita ang totoong mundo kay Amanda at hindi sa nagkukulong ito sa company at pakinggan ang mga katarayan ng amo niya.

Kung magsalita ang dalawa niyang Beshy parang wala siya sa harap nila. Nakataas lang ang kanyang kilay sa mga ito. Hanggang sa makarating sila sa bar na lagi nilang tinatambayan. Kilala na nga sila doon eh. Close pa kamo. Pumasok na sila sa loob at pumunta sa mga bakanting table.
Nang makita sila ng suki nilang bartender ay binigyan na agad sila ng paborito nilang drinks.

"These is what you call heaven. Tequila the boys and the stage. Haliluyah. Kabog." Nakangising sabi ni Chola at tinaas ang drink bago lagukin. Nagtawanan sila dahil sa pag-asim ng mukha nito. Isa isa na rin silang uminom at nakisabay sa tugtugin at sayawan.

"So how are you with papa M.?" Nakataas na tanong ni Chola at mahahalata mo ang bitterness dito. Napatigil lang siya ng sikuhin siya ni Khali at sinisinyasan na may iba silang kasama. Nanlaki naman ang mata Ito at tinakpan agad ang bibig. Natawa na lang siya sa inasta ng dalawa

"It's okay alam na niya." Sabi na lang niya at nilingon si Amanda

"Kalerky ka inday. You scared the hell out of me. Goodness gracious."

"Wala ka parin bang balak na makipag divorce? Annulment or what so ever?Over na yang pagkamartyr mo. Give up na." Turan ni Khali at tinitigan niya

"Para ano? Para lumaya siya at maging masaya kasama ng mistress niya while me na nagdurusa dahil sa katarantaduhan niya? Tss. No way. Kung magdudusa ako dapat ganun din siya. Para patas, walang lamangan. Walang liligaya lahat masasaktan." Sagot niya bago tinungga ang alak.

"Over na yan eh. Kung hindi lang kita kilala iisipin ko na martyr ka talaga." Si Chola na umiinom din

"Noon yun. Sawa na akong magpaka martyr. She's dead five years ago." Inirapan lang niya ang dalawa. Samantala ay nakikinig lang sa usapan nila si Amanda

"Eh ikaw Amanda naranasan mo na bang maging martyr?" Tanong ni Khali sa katabi

"Yeah. Pero noon yun. Nakipaghiwalay ako sa kanya after 1 year ng pagsasama namin. Until now hindi na ako umibig pa." Sagot nito.

Sana ganun din siya. Sana ganun din kadaling bumitaw pero sa sitwasyon niya mahirap. Sumandal siya at pinikit ang mga mata. Binabalikan ang bawat sandali na pinagsisisihan niya. Kung kagaya lang din siya ni Amanda hindi na sana siya mawawala. Hindi na sana mawawala ang isang mahalaga sa buhay niya.

_________

Mandy POV:

Bumangon siya na masakit ang ulo niya. Mukhang ang mga kaibigan niya ang nag-uwi sa kanya. Hindi na niya naalala ang mga nangyari.

Bumaba na siya para mag-agahan. Gutom na gutom talaga siya. Hindi man lang siya nakapag dinner sa sobrang kalasingan. Bago pa siya makapasok sa kusina ay hinarangan na siya ng asawa niya.

"You're drunk last night. Ano bang pumasok diyan sa kokoti mo at naglasing ka ng sobra. Halos hindi ka na makalad. Madaling araw ka pa umuwi. Ganyan ba ang ugali ng may asawa huh? The hell." Tinaasan lang niya ito ng kilay. Kailan pa ito natutong pakialaman siya.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon