***
Mandy POV:
Nagising siya sa hindi pamilyar na kwarto kaya mabilis siyang bumangon at nilibot ang paningin sa kwartong iyon. Nasaang lupalop ba siya ng mundo atsaka parang masakit ang ulo niya. Ano bang nangyari? Ang naaalala niya ay dinala niya sa cemetery si Rafael kung saan nakalibing ang anak niya tapos kinowento niya lahat dito. Bahay kaya ito ni Rafael? Pero bakit hindi siya nito inuwi sa bahay niya kung alam naman nito kung nasaan ang bahay niya. Alam na niya kung bakit masakit ang mata at ulo niya dahil pala sa pag-iyak niya. Medyo gumaan rin ang pakiramdam niya kahit papaano nang masabi niya ang kanyang mga hinanakit sa taong lubos niyang pinagkakatiwalaan kahit na maikli lamang ang pinagsamahan nila. Dahan dahan bumangon at umupo sa kama. Pinagmasdan niya rin ang paligid niya. Maganda ang kwarto na kinalalagyan niya ngayon. Bumukas ang pinto kaya napatingin siya dito. May matandang pumasok sa loob at lumapit sa kanya.
"Gising ka na pala iha. Ito nga pala ang damit na binili sayo ni Rafael." Binaba nito sa kama ang dress na susuutin niya. "Samalat po manang. Nasaan po si Rafael?" Tanong niya dito.
"Nasa dining area na si Rafael. Maliligo ka pa ba muna o sasabayan mo munang kumain ang alaga ko?" Tanong nito sa kanya habang inaayos sa pagkakapatong ang susuutin niya. "Sasabay na lang po ako sa kanya. Maghihilamos lang po ako."
"Ganun ba. Oh sya sige. Bumaba ka na lang at sasabihin ko rin kay Rafael na sasabayan mo siya." Sabi ng matanda. Tumango na lamang siya dito. Naglakad na si manang palabas ng kwarto. Siya naman ay pumasok sa banyo na naroon ay lumapit sa sink. Ini-on niya ang gripo at nagsimulang hugasan ang kanyang mukha. Pagkatapos niyang hilamusan ang mukha ay tumunghay siya para makita ang sarili sa salamin. Maputla ang kanyang labi. Namamaga ang kanyang mata dahil sa labis na pag-iyak. Ang mga mata niya, hindi na ganun kasigla tulad ng dati. Kailan kaya siya makakabalik sa dati niyang buhay, yung panahon na masaya siya at yung panahon na hindi pa siya ikinasal kay Marko. Darating pa kaya ang araw na magiging malaya at masaya siya? O baka naman habang buhay nang magiging ganito ang buhay niya.
Pinunasan niya ang kanyang mukha ng towel saka lumabas ng cr. Lumabas na rin siya ng kwarto upang saluhan si Rafael. Anong oras na kaya? Tiningnan niya ang kanyang wristwatch at napamaang siya dahil 7:30 na ng gabi. Ang haba pala ng tinulog niya. Pumunta sila ni Rafael nung 9:00 am sa cemetery. Wala manlang siyang nagawang trabaho sa araw na ito.
Pagkarating niya sa dining area ay naabutan niya si Rafael na may ginagawa sa phone nito. Lumapit siya sa kaharap nitong upuan saka siya umupo. Nakuha na rin niya sa wakas ang atensiyon ni Rafael dahil tumingin na ito sa kanya. Ngumiti ito at ibinaba ang phone na hawak nito.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalala nitong tanong sa kanya. Tumango siya dito at nag-iwas ng tingin. Alam niya sa sarili niya na hindi siya okay. Tumango lang ang kaharap niya dahil wala naman itong magagawa sa problema niya.
Inilapit nito ang mga pagkain sa kanya. "Kumain ka na lang muna para magkalakas ka." Sabi nito. Ngumiti lamang siya at kumuha ng isa sa mga pagkain na nakalagay sa harap nila. Nagsimula na silang kumain nang walang imik. Tahimik lamang siyang kumakain at hindi na niya napapansin ang nasa harap niya na sobra sobra ang pagtitig sa kanya.
"Uuwi ka ba sa inyo?" Tanong bigla ni Rafael sa kanya. Tumango na lamang siya at nagpatuloy sa pagkain. Gutom na gutom na kasi siya. Hindi siya nakapag breakfast and lunch dahil wala siyang gana. Sino bang makakakain ng maayos kung parang lahat ng problema ay nakapatong sa kanya.
"Bakit pa." Biglang bigkas ni Rafael. Sa tono ng boses nito ay parang galit ito. Ibinaba niya ang hawak na kobyertos saka hinarap si Rafael na halatang nagpipigil ng galit. Galit sa asawa niya. "Wala naman akong choice kundi ang umuwi sa kanya. Ginusto ko to. Choice ko to. Ayokong makahanap siya ng dahilan para hiwalayan ako. Ayoko munang magtapos ang kung anumang meron sa aming dalawa hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko." Saad niya bago magpatuloy sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romansa"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
