***
Marko POV:
Pabalik balik siya sa paglalakad habang nakatapat sa tenga niya ang phone. Halos limang beses na niyang tinatawagan si Mandy pero ring lang ng ring ang phone nito. Denial niya ulit ang numero ng asawa ngunit ganun parin.
"Sumagot na ba siya?" Tanong ng Mommy niya na naka-upo lang sa sofa. Hindi niya inaasahan ang pagbisita ng Mommy niya sa bahay nila ng asawa niya. Kung kailan wala dito si Mandy. Baka kung ano na ang isipin ng Mommy niya.
"Not yet, Mom." Sagot niya at patuloy na kinokontak si Mandy. Nagkataon pang wala dito ang asawa niya kung kailan nandito ang Mommy niya.
"Kung ganun nasaan na ang asawa mo? Anong oras na." Nag-aalalang turan ng Mommy niya.
"I think nag over time lang po siya sa trabaho or kasama ang mga kaibigan niya." Sagot niya at tinigilan na ang pag contact kay Mandy. Namaismid naman ang Mommy niya sa kanyang sinagot
"You think? Hindi mo alam kung nasaan ang asawa mo? Anong klaseng asawa ka? Baka kung anong nangyari dun tapos wala ka manlang kaalam alam." Galit na turan ng Mommy niya kaya napayuko siya. Hindi niya alam kung ano ang idadahilan niya. Mula pa noon hindi na niya alam kung saan ba pumupunta si Mandy kapag nag-aaway sila at hindi ito umuuwi sa bahay nila.
"I'm sorry Mom." Tanging nasambit niya at hindi siya makatingin ng direkta sa kanyang ina.
"Ayaw ko nang maulit ito, Marko." His Mom said with a disappointment in her face.
"Yes, Mom. I'm sorry."
"Uuwi na ako. Tawagan mo ako kapag na contact mo na ang asawa mo. Okay?" Tumango na lamang siya. Hinatid niya hanggang sa makasakay ng kotse ang Mommy niya bago siya pumunta sa kwarto niya.
______
Rafael POV:
"Are you okay?" Tanong niya kay Mandy at tinapunan ito ng tingin. Nasa kotse sila ngayon. Nagprisenta siyang ihahatid si Mandy hanggang sa bahay nito.
"Yeah. Hangover lang to." Sagot nito sa kanya habang hinihilot ang kanyang sintido.
"Gusto mo bang mag stopover muna tayo sa coffee shop?"
"Hindi na. Okay lang naman ako. Gusto ko lang umuwi at maligo. Kailangan ko na kasing pumasok sa trabaho." Pareho na silang tumahimik. Nilingon niya si Mandy na sa bintana nakatingin. Kung pwede lang niya itong hindi iuwi sa bahay nito pero baka magalit na naman ito sa kanya at ayaw niyang mangyari iyon. Hindi niya kayang magalit sa kanya si Mandy ng sobrang tagal. Baka masiraan siya ng bait.
"Bt the way, may nakita ka bang wedding ring?" Bigla nitong tanong sa kanya. Nilingon niya ito at nakita niya na nakatingin ito sa sariling kamay habang hinahaplos ang palasingsingan nito.
"Nothing." Maikli niyang sagot at tumingin ulit sa harap at hindi na nagsalita pa.
"Maybe, we are not really meant to each other." Narinig niyang bulong nito sa sarili. Humigpit ang hawak niya sa manibela dahil sa galit na umuusbong na naman sa kanya.
Kahit hindi aminin ni Mandy sa kanya ay alam parin niya na umaasa ito na magkagusto sa kanya ang asawa nito. Kahit galit na galit ito kay Marko ay mahal na mahal parin ni Mandy ang gago niyang asawa. Natatakpan lang ng galit ang pagmamahal nito kaya patuloy nitong itinatanggi na wala na itong gusto sa kanyang asawa at galit na lang ang nararamdaman nito.
"May napanaginipan pala ako kagabi." Muli nitong sabi at tumingin na sa kanya
"Is it about your baby, again?" Tanong niya. Umiling ito at tumingin sa kanya
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romansa"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
