//57//

1.1K 20 2
                                        

***

Mandy POV:

"Minche!" Malakas na tawag niya dito.
Tumigil naman sa paglalakad si Minche at humarap sa kanya ngunit sa pagharap nito sa kanya ay ginawaran na niya ito ng isang malutong na sampal na lalong ikinagulat ng lahat. Gulat na gulat naman si Minche at mabilis na napahawak sa pisngi nito na sinampal niya.

"You bitch. How dare you!" Nanggagalaiting saad ni Minche pagkatapos makabawi sa pagkakabigla at ginawaran din siya nito ng sampal. Malakas ang sampal nito dahil naramdaman na niya ang hapdi sa kanyang pisngi. "Hindi na ako makakapayag na basta mo na lang ako sasaktan kung kailan mo gusto dahil lalabanan na kita." Dinuro siya nito habang pinapaulan nang matatalim na tingin ngunit nilabanan din niya ito.

"Mandy, are you okay? Minche, what the hell are you thinking?" Nakalapit na sa kanya si Marko at hinawakan ang pisngi nito at hinaplos. Napatingin siya sa mga mata nito na punong puno ng pag-aalala pero sa nangyayari ngayon hindi niya ito ma-appreciate dahil sa hapdi sa kanyang puso na patuloy na dinudurog ng kanyang asawa. Galit nitong tiningnan si Minche dahil sa pagpula ng kanyang pisngi.

"At sa akin ka pa talaga magagalit? Marko, siya yung naunang nanakit sa amin hindi ako. Nakita mo naman diba? Hanggang kailan mo ba kakampihan ang babaeng sumira sa atin." Dinuro siya nito at pilit na ipinagpipilitan na ito ang agrabyado na ikinagalit pa niya lalo.

"That's because you provoked me!" Nanggagalaiti niyang sigaw kay Minche at tinulak si Marko na nakatayo sa harap niya. Mabilis siyang lumapit dito at kinwelyuhan na ikinagulat pa lalo ng mga nanonood sa kanila. Hindi naman nakapagreak si Minche at nanlaki lang ang mga Mata nito sa ginawa niya. "Bitawan mo ko!" Sigaw nito at nagpumiglas ngunit hindi siya nagpatinag rito.

"Binalaan na kita noon Minche pero hindi ka nakinig. Kung makaasta ka parang wala kang tinatapakang tao. Hindi laro ang ginagawa mong to at lalong hindi ako nakikipaglaro sayo. Tantanan mo ang asawa ko!" Pinagdiinan niya ang huling kataga at malakas itong itinulak.

"Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi mo pilit na ipinagsisiksikan ang sarili mo sa hindi dapat and of all people, yung akin ko pa talaga?.... Ito ang tatandaan mo Mandy, hanggang hindi mo ibinabalik sa akin si Marko hinding hindi ko kayo titigilan." Sigaw rin sa kanya ni Minche at hindi nagpatinag.

"Hanggang kailan mo ipagpipilitan yang bintang mo sa akin, Minche? Bakit ba hanggang ngayon hindi parin nagsisink-in sa kokote mo ang lahat na mag-asawa na kami at wala ka ng karapatan sa kanya?... At ilang beses ko ba kailangang ulit-ulitin na wala akong inaagaw.... Marko is my husband so basically he's mine! Walang sayo Minche. You're just a delusional bitch!" Nanggagalaiti niyang sigaw kay Minche at ginawaran ng isa na namang sampal. Hindi na siya maawat ni Marko at si Amanda naman ay hindi na makagalaw sa kinatatayuan nito. Nagngitngit naman sa galit ang kaharap dahil sa narinig.

"Hindi ako delusional, hayop ka. Akin si Marko, inagaw mo lang siya kaya siya tuluyang nawala sa akin. Ikaw ang mang-aagaw! Ikaw!" Mabilis na lumapit sa kanya si Minche at naramdaman na lang niya ang paghila nito sa buhok niya at sinabunutan siya.

"Shit! Mandy!...... Minche bitawan mo siya." Lumapit sa kanila si Marko at pilit na pinaghihiwalay ngunit sadyang malakas si Minche at mukhang nawala na ito sa katinuan dahil sa tinawag sa kanya ni Mandy.

Dahil sa pag-awat sa kanila ni Marko at sa pagtulong ni Amanda ay nailayo ni Marko si Minche habang hawak ito sa magkabilang braso samantalang si Amanda ay nasa likod lang niya. Mabilis namang umalis si Marko sa tabi ni Minche at lumapit sa kanya. Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon