***
Mandy POV:
"Thank you for your time mrs. Santillan. I like your offer."
"You're welcome and I'm glad you liked it." Nakipagkamay siya sa bago niyang kliyente. Sinamahan naman palabas ni Amanda ang kliyente palabas ng kanyang office. Katatapos lang ng meeting niya with their new buyer at ang iba niyang mga trabaho. Alastres palang pero ramdam na niya ang pagod. Tumunog ang phone niya kaya kinuha niya ito bago sagutin.
"Hello?"
"Tama ba yung balita sa akin ni Chola? Naghire talaga ng katulong ang asawa mo?" Di makapaniwalang tanong ni Khali
"Sad to say but yes. Ewan ko ba kung ano ang pumapasok sa utak ng lalaking yun. Siya ang mas nakakaalam ng sitwasyon naming dalawa at ayaw niya ding masira ang image niya tapos bigla siyang magdidisesyon ng ganun."
"Baliw na ba siya?"
"Yeah, he's crazy." Walang gana niyang Sang-ayon dito at hinilot ang sintido dahil nararamdaman niyang ang pananakit ng kanyang ulo.
"Hintayin mo kami diyan ni Chola. Pupuntahan ka namin diyan. Bye."
"Okay, bye." Binaba niya ang phone at bumalik sa pagtatrabaho. Narinig niya ang pagkatok at pagtawag sa kanya ni Amanda at agad niya itong pinapasok. Pumasok si Amanda at humarap sa kanya.
"Ms. Mandy, may bisita po kayo." Saad nito. Umangat ang tingin niya kay Amanda at itinigil muna ang ginagawa.
"Papasukin mo na." Tumango sa kanya si Amanda at lumabas ulit. Tinuloy naman niya ang ginagawa niya sa laptop nang muling bumukas ang pinto at nabigla siya dahil ang mother-in-law pala niya ang sinasabi ni Amanda. Hindi niya inaasahan ang pagpunta nito.
"Ma, ano pong ginagawa niyo dito?" Umalis siya sa desk niya at lumapit sa in-law niya bago bumeso. Iginaya niya ito sa sofa at sabay silang umupo.
"Sana po tinawagan niyo ko para ako na lang po ang pumunta sa bahay. Bakit po pala bigla kayong napadalaw?" Tanong niya.
Bumukas ang pinto at pumasok si Amanda na may dalang coffee saka ito nilapag sa table at muling lumabas.
"Nakipagbonding lang ako sa mga kaibigan ko kaya naisipan ko ring dumaan dito para maka-usap ka."
"Ganun po ba? Ano po ba ang pag-uusapan natin?" Tanong niya dito. Wala siyang kaide-ideya kung tungkol saan ang pag-uusapan nila. Hindi kaya tungkol ito sa nangyaring party kagabi?
"Iha, may problema ba kayong dalawa ni Marko? Pwede mong sabihin sa akin." Hindi niya inaasahan na magtatanong ito tungkol sa kanila ni Marko. Biglang parang hindi siya makapagsalita at nawalan ng sasabihin. Naghihinala na ba ito? Pero hindi pa siyang handang sabihin ngayon ang tungkol sa kanila ng anak nito.
"P-po?..." Iyon lang ang tangi niyang nasabi dahil sa pinupukol na tingin ngayon sa kanya ng mother-in-law niya. Tahimik itong naghihintay ng iba pa niyang sasabihin. Kinuha nito ang coffee sa table at sumimsim bago ibinalik ang tingin sa kanya.
"May nasabi sa akin ang Amega ko at ayaw kong paniwalaan yun. Gusto kong sayo mismo manggagaling ang totoo." Muli itong uminom sa coffee na hawak nito
"Ano pong totoo ang gusto niyong marinig sa akin, Mama? Hindi ko po kayo maitindihan." Nagmamaangan niyang turan dahil alam na niya kung ano ang tinutukoy nito.
"Tapatin mo ko Mandy, bilang pangalawa mong ina at wag kang magsisinungaling sa akin, please... Tungkol kay Marko. May ibang babae ba ang anak ko? Niluluko ka ba niya?" Maotoridad nitong tanong sa kaniya na ikinagulat niya.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
