***
Rafael POV:
Buong biyahe ay tahimik lamang si Mandy na nagmamaneho habang sa daan ang kanyang tingin. Hindi niya maitindihan kung ano ang ibig sabihin ni Mandy sa tinuran nito. Pero kahit papaano ay naging magaan ang loob niya dahil handa nang sabihin sa kaniya ni Mandy ang dahilan kung bakit ayaw nitong hiwalayan ang gago nitong asawa. Kahit na maikling panahon pa lang ang pinagsamahan nila ni Mandy ay agad nang nahulog ang loob niya dito. Pinigilan niya ang sarili noon dahil may asawa ito at kahit minsan hindi niya naisip na mang-agaw ng asawa ng iba.
Kaya lang talagang mapaglaro ang tadhana. Minsan na nga lang siyang magmahal, dun pa siya nahulog sa pagmamay-ari na ng iba. Pinigilan niya ang sarili. Pilit niyang itinatatak sa utak niya na may asawa na ang babaeng mahal niya, na may nagmamay-ari na sa babaeng pinapangarap niyang makasama habang buhay. Mahirap ding magmahal lalo na kung yung taong mahal mo ay may mahal nang iba. Ipinamulat niya sa sarili na hanggang kaibigan na lang talaga siya at pinangako niya sa sarili na ililihim niya ang tungkol sa nararamdaman niya para kay Mandy dahil ayaw na niya pa itong bigyan ng alalahanin.
Ngunit nang makita niya ang pinagdadaanan ni Mandy sa pagmamahal nito sa asawa ay labis ang awa na kaniyang naramdaman. Paano nagagawang saktan at baliwalain ni Marko ang ganitong klaseng babae, na handang ibigay sa kaniya ang lahat. Tuwing nakikita niya itong umiiyak ay halos pigilan niya ang sarili na yakapin ito at sabihin na siya na lang ang mahalin nito. Ngunit paano niya iyon sasabihin kung wala manlang itong kahit kunting pagtingin para sa kaniya. Naduduwag siya. Pero nung araw na iyon na nakita niya ang kawawang Mandy at Umiiyak sa harap niya, na hindi nito makaya ang ginagawa ng asawa nito sa kanya ay hindi na niya napigilan ang sarili na halikan ito at umamin.
Nagsisi siya na hindi. Nagsisi siya dahil sa ginawa niya ay nilayuan siya nito at nabigyan pa niya ito ng bagong problema. Pero mayroon ding parte na isip niya na hindi siya nagsisi, na tama lang ang ginawa niya dahil doon ay nasabi niya kay Mandy ang totoo niyang nararamdaman at hindi na niya kailangang magpanggap. Nawala ang kanyang mga iniisip nang huminto si Mandy sa pagmamaneho. Tumingin siya sa labas ng bintana at labis ang pagtataka niya dahil dinala siya nito sa cemetery. Binalingan niya ng tingin si Mandy na sa harapan parin ang tingin. Tinanggal nito ang seatbelt at nauna nang bumaba. Tinanggal rin niya ang seatbelt niya at bumaba.
Sinundan niya si Mandy na nauna nang maglakad. Medyo binilisan niya ang paglalakad dahil nasa malayo na si Mandy. Nang maabutan niya ito ay sumabay na siya sa lakad nito. Tumingin siya sa paligid ngunit wala manlang katao tao. Bakit sila nandito? Dadalawin ba nito ang Mommy nito. Matagal na niyang alam na wala na ang Mommy nito dahil naikwento yun sa kaniya ni Chola nung minsang magkita sila at mapagkwentuhan si Mandy. Namatay pala ang Mommy nito nung isilang si Mandy. Tanging ang Daddy lang nito ang nag-alaga sa kaniya.
Nang tumigil sa paglalakad si Mandy ay tumigil na rin siya. Tiningnan niya ang puntod na pinuntahan nila. Sigurado siyang hindi ito ang puntod ng Mommy nito dahil ang date na naka-ukit dito ay 2018-2020. Ibigsabihin tatlong taon pa lang ang lumipas nung namatay ang nakalibing dito. Binasa rin niya ang pangalan na naka-ukit sa puntod.
'Samantha.'
Pamilyar ang pangalan na ito sa kanya. Parang narinig na niya ito dati. Saan ba niya unang narinig ang pangalan na ito?
'Samantha. Who is she?' That day.
Tama. Naaalala na niya. Dito sila pangalawang nagkita ni Mandy. Sa puntod na ito mismo siya nakapagpakilala kay Mandy pagkatapos ng tatlong taon nung una at huli niya itong nakita. Hindi pa siya nito kilala noon. Si Samantha ang kausap nito nung nakita niya ito dito. Dito rin sa lugar na ito pormal siyang nakipagkilala kay Mandy. Pero sino si Samantha sa buhay nito? Nagtataka na siya sa mga nangyayari ngayon. Nilingon niya si Mandy na nakatitig sa puntod. Lumuhod ito at tinanggal ang ilang mga dahon na nagkalat sa puntod ni Samantha.
![](https://img.wattpad.com/cover/219529259-288-k808383.jpg)
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Любовные романы"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...