***
Mandy POV:
Dapat ay papasok siya ng maaga sa kompanya pero ito siya at nakahilata sa kama. Tinamad siyang mag-ayos dahil sa nangyari kaninang umaga. Hindi niya inaasahan sa susugurin siya ni Minche na lasing at talagang may kasama pa itong resbak. Okay lang naman na sugurin siya ni Minche at pagsabihan ng hindi maganda dahil sanay na sanay na ito na bungangaan siya pero ang talagang nakapagpa-init ng ulo niya ay ang pinsan nito na si Emma.
Paano nito nasasabi sa kanya na hiwalayan si Marko at ipaubaya na ito sa kabit nito samantalang may asawa rin Ito tulad niya. Ang kasal ay sagrado at isang malaking kasalanan sa Diyos at sa batas na magkaroon ng kabit. Kung tutuusin nga maaari niyang kasuhan si Minche at Marko ng adultery dahil sa ginagawa ng mga Ito.
Hindi niya maitindihan ang takbo ng isip ng Emma na yun. Siya dapat ang mas nakakaalam na mali ang ginagawa ng pinsan nito pero parang kinokonsinte pa nito si Minche na para bang okay lang ba maging kabit. Dapat ito ang nagpapayo sa haliparot na yun. Baliktad na talaga ang mundo.
Bumangon na lamang siya sa pagkakahiga at pumasok sa cr. Maliligo na lang siya at papasok sa trabaho kahit na tanghali na. Masisiraan lang siya ng bait sa kaiisip sa mga walang utak na yun.
Pagkatapos niyang maligo ay nag-ayos na siya ng sarili. May nakatagong sobre sa cabinet niya na naglalaman ng pera at kinuha ito. Lumabas na rin siya ng kwarto at bumaba sa sala. Tanging si Jacel lang ang kanyang naabutan.
"Jacel." Tawag niya upang makuha ang atensyon nito. Lumingon agad sa kanya si Jacel at mabilis na lumapit sa kanya.
"May ipag-uutos po ba kayo?" Magalang nitong tanong sa kanya.
"Pakitawag si Dalia at Linda. Kakausapin ko kayo." Saad niya. Mabilis naman na tumalima si Jacel at umalis upang hanapin ang mga kasama nito. Siya naman ay umupo muna sa sofa habang hinihintay ang tatlo.
"Pinapatawag niyo daw po kami, mam." Lumapit na ang tatlo sa kanya. Humilira ang mga ito sa harap niya.
"Yes." Maikli niyang Sagot. Umayos siya ng pagkaka-upo at hinarap ang tatlo. Halata namang kinakabahan ang tatlo. Minsan lang kasi niyang kausapin ang mga ito at sabay pa silang tatlo.
"Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa niyo kanina. Thank you dahil pinrotektahan niyo ko sa babaeng nanggulo dito kaninang umaga. I really appreciate it. Hindi ako nakapag thank you sa inyo kanina dahil mainit pa ang ulo ko nun. Sana rin ay pagpasensyahan niyo ang lagi kong paninigaw sa inyo."
"Okay lang po yun sa amin mam." Sagot ni Dalia nang Nakangiti. Mukhang nabunutan ang mga ito ng tinik dahil hindi siya galit.
"Atsaka po, parte ng trabaho namin na alagaan kayo at protektahan. Bilin din po kasi ni Sir na wag kayong hayaan na masaktan." Tumango siya sa tinuran ni Jacel at hindi na lang pinagtuunan ng pansin ang huli nitong sinabi.
"Thank you. Anyway..." Saad niya at kinuha ang sobre na naglalaman ng pera at inabot ito kay Dalia. Nagtaka naman ang tatlo dahil hindi pa naman swelduhan ngayon.
"Para saan po ito mam?" Halatang nag-alangan pa ito na tanggapin ang pera pero kalaunan ay inabot rin nito. Tiningnan nilang tatlo ang sobre at literal na nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa nakita. Fifty Thousand ang laman nun kaya makapal ang sobre.
"B-bakit niyo p-po ito binibigay sa a-amin?" Kinakabahang turan ni Dalia sa kanya.
"Alam kong hindi sapat ang thank you lang para mapasalamatan ko kayo nang buo at wala rin akong maisip na pwedeng ibigay sa inyo kaya yan na lang. Para sa inyo yan bilang pasasalamat ko." Ngumiti rin siya dahil mukhang tensyunado na ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
