***
Mandy POV:
"Wag mo kong iiwan, please Marko." Pagmamakaawa niya habang nakayakap sa likuran ng asawa upang pigilan ito na umalis. Ngunit tinanggal lang ni Marko ang kanyang braso na nakayakap sa bewang nito at humarap sa kanyang nang walang kaemo-emosyon.
"Tapos na ang lahat sa atin Mandy kaya wala ng rason para magsama tayo." Walang emosyon nitong turan. Umiling iling siya at nang magtangka siyang yakapin ang asawa ay umatras ito upang iwasan siya kaya sunod sunod na naman na nagsilaglagan ang kanyang mga luha.
"Marko, ako na lang ang piliin mo." Patuloy niyang pagmamakaawa.
"Gusto kong makasama ang mag-ina ko, Mandy kaya pabayaan mo na kaming magkasama-sama. Yun lang ang gusto ko." Huling turan ni Marko at kinuha na nito ang maleta at naglakad palabas ng bahay.
Siya na lamang ang tanging naiwan sa kanilang tahanan habang tahimik ba umiiyak nang biglang dumilim ang kapaligiran at wala siyang ibang makita kundi puro kadiliman. Lumingon lingon siya sa paligid upang humingi ng tulong nang biglang lumiwanag ulit at natagpuan niya ang kanyang sarili sa harap ng simbahan king saan napapaligiran ng magagandang bulaklak.
Nadako ang kanyang paningin sa nakasarang pintuan ng simbahan dahil sa ingay na nagmumula sa loob. Naglakad siya palapit sa pinto at binuksan ng dahan dahan ang malaking entrada at tumambad sa kanya ang mga nagsasayahang mga tao habang pumapalakpak at nakatingin sa dulo ng pasilyo. Napunta rin ang kanyang atensiyon sa dalawang tao na nakatayo sa loob ng pasilyo.
Naglakad siya palapit sa dalawang tao na parehong nakasuot ng pangkasal habang nakaharap sa isat isa at magkahawak kamay. May umbok ang tiyan ng babae at kitang kita sa labi nito ang saya na hindi matutumbasan mg kahit na anong bagay. Narinig pa niya ang dalawa na nagpalitan ng 'I do'.
Hindi niya maitindihan kung bakit bigla siyang napunta sa simbahan kung saan may nagaganap na kasalan samantalang kanina lamang ay nasa bahay sila ng kaniyang asawa upang pigilan ito na iwan siya. Nagtataka run siya kung bakit malabo sa kanyang paningin ang dalawang taong ikinakasal at kung bakit hindi siya napapansin ng mga tao sa kanyang paligid.
"You may now kiss the bride." Iyon lang ang tangi niyang narinig sa pari. After ng halikan ng dalawa ay unti unti nang lumilinaw sa kanyang paningin ang itsura ng dalawa at sobra siyang nagulat nang lumingon ang mga ito sa kanya ng nakangiti. Napatakip siya ng bibig habang hindi mawala ang gulat sa kanyang mga mata. Ang dalawang taong ikinakasal sa kanyang harapan ay walang iba kundi si Marko at Minche. Naglakad palapit sa kanya si Minche na may kakaibang ngiti. Huminto ito sa harap niya at pinakita nito sa kanya ang suot nitong wedding ring.
"Ako ang nagtagumpay, Mandy. Nasa akin na si Marko at kahit kailan hinding hindi mo na siya maaagaw sa akin. Bubuo kami ng sarili naming pamilya at magiging masaya kami."
.
.
.
"No!!"
Buong lakas niyang sigaw at napabangon sa kanyang pagkakahiga. Mabilis ang kanyang paghinga at tumatagaktak ang kanyang pawis. Luminga linga siya sa paligid at napasabunot siya sa kanyang buhok dahil akala niya ay totoo na ang lahat ng yun pero panaginip lang pala.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
