***
Third person POV:
It's been one month nang mangyari ang nakakapanindig na rebelasyon ni Mandy sa lahat and after that day ay bigla na lang naglaho si Mandy na parang bula. No traces. No explanation. She just dissapear in just one night. Walang makapagsabi kung saan siya pumunta.
Even her trusted secretary ay walang kaalam alam kung saan pumunta si Mandy. Akala nila ay matatapos na ang lahat. Mapupunta na sa sayos ang lahat pero hindi nila ini-expect ang mangyayari kinabukasan ng araw na yun.
Nung araw na ding iyon ay parang nawala sa sarili si Marko. Wala na sa ayos ang pag-iisip niya at palagi siyang distracted. Palagi ring lasing at laman ng bar. Napapabayaan na nito ang kompanya nito maging ang sarili nito.
Ang mga kaibigan at pamilya nito ay nag-aalala na kanya. Nawala nga sa buhay niya si Minche at hindi na ito makapanggulo sa kanya pero may panibago na naman itong problema dahil sa pag-aalis ng asawa niya. Ang nagpapahirap sa kanya ay nawala ito nang may galit sa kanya at hindi manlang siya nakakahingi ng tawad sa mga nasabi niya rito. Ngunit wala namang magagawa ang mga kaibigan at parents niya sa kanya dahil naiitindihan ng mga ito ang pinagdadaanan niya.
Sino ba ang matutuwa at hindi masisiraan ng bait kung sa paggising mo kinaumagahan ay bigla na lamang nawala na parang hangin ang asawa mo at hindi mo alam kung saan siya hahagilapin.
Sa nagdaang isang buwan ay hindi na maka-usap ng matino si Marko at nagiging laman rin siya ng gulo sa bar. At kung hindi dahil kina Howard ay baka marami pa siyang nakaaway. Magigising na lang siya na nasa bahay katulad ng araw ngayon na inuwi siya nina Howard na wala na sa katinuan dahil sa kalasingan.
Kinabukasan din ay muli na namang dumalaw si mrs. Sunny upang kamustahin ang anak at ang naabutan niya ay ang maid na pinagbuksan siya ng pinto.
"Good morning po ma'am. Tuloy po kayo." Bati ni Dalia at tinanguan lang niya ito.
"How's my son?" Tanong niya sa katulong habang papasok ng bahay.
"Naku ma'am, tulog pa po si Sir Marko. Madaling araw na po kasi siyang inuwi nina Sir Howard." Magalang na Sagot ni Dalia habang sinusundan si mrs. Sunny.
"I knew it. Lumaklak na naman ng sandamakmak na alak. Imbes na hanapin ang asawa niya, ito pa ang pinagkakaabalahan niya. Paano niya maayos ang marriage niya kung ganito?" Nanenermong lintayan ni mrs. Sunny kahit na hindi siya naririnig ng anak.
Nang makapasok na siya ng bahay ay nakasalubong niya si Khali.
"Oh, Khali. You're here?"
"Hi Tita." Mabilis na lumapit sa kanya si Khali at nakipagbeso sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ng ginang.
"Binisita ko lang din po si Marko... And ayun, as always.. lasing na naman po... Take a sit Tita." Sabay silang umupo sa couch habang patuloy na nag-uusap.
"Kaya nga sobrang nag-aalala na ako sa batang yun. Durog na nga yung puso, ngayon, pati atay dudurugin din." Umiiling iling na sambit ni Mrs. Sunny. Pinatong rin nito sa kaharap na table ang bitbit na paper bags.
"Sinabi mo pa Tita." Pagsang-ayon ni Khali. "That day, akala ko, maisasaayos na ang lahat pero hindi parin pala." Malungkot niyang dugtong habang binabalikan ang kaganapan 1 month ago.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romantik"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
