//18//

1.4K 21 2
                                        

***

Mandy POV:

Nandito siya sa bahay ng bestfriend niyang si Chola. Maging si Khali ay nandito rin. Pumunta na agad siya dito pagka-alis na pagka-alis ni Minche sa bahay nila ni Marko.

Nasa kwarto sila mismo ni Chola at naka-upo silang tatlo sa kama. Buti na lang at hindi pumasok sa trabaho ang mga kaibigan niya.

"Ang lakas naman ng loob ng bruhildang yan na sugurin ka. Nanggigigil ako sa kanya. Grrr." Nanggagalaiting turan ni Chola at pinanggigilan ang hawak nitong unan.

"Chill ka lang, Chola. Wala dito ang kalaban mo." Natatawang ani ni Khali habang nakatingin kay Chola na pinagsusuntok na ang unan sa kandungan nito.

"I can't. Kung nandun lang talaga ako baka nasampal ko na yun ng kaliwat kanan. Mandy, bakit hindi mo nilabanan ang bruhang yun." Binalingan siya ng tingin ni Chola.

"I did. Kaya lang ang kapal ng balat ng babaeng yun. Hindi man lang tinablan sa mga sinabi ko." Saad niya.

"Makapal naman talaga ang balat nun eh." Umiiling na sang-ayon ni Khali.

"So ano ng plano mo ngayon Beshy? For sure hindi titigil yang chakang yan na hindi makuha si papa M." Hindi na lang niya sinagot ang tanong ni Chola.

"Hay naku. Kalimutan na nga natin yan. Mag shopping na lang tayo. Mas better yun kaysa isipin natin yang bruhang Minche na yan. Bad vibes ang babaeng yan." Tumayo na si Khali at hinila pa si Chola paalis ng kama para makatayo.

"Trulaley ka diyan. Mandy let's go." Siya naman ang hinila ni Chola. Nagpatangay na lang siya dito.

Bumaba na sila ng kwarto. Nagpaalam muna sila sa Mommy ni Chola na aalis na sila. Walang siyang gana na mag shopping ngayon pero tinatamad naman siyang pumasok sa trabaho dahil sa nangyari kanina. Mukhang tama si Khali. Bad vibes nga ang dala ni Minche sa kanila.

________

Pinanood lang niya ang mga kaibigan niya na mamili ng mga gusto nila. Ang dami na nilang hawak na paper bag pero mukhang walang katapusan ang dalawa niyang kasama sa pamimili.

Siya lang naman ang walang balak na bumili sa kanilang tatlo eh. Wala kasi siyang hilig sa mga shopping shopping na yan. Sayang lang ang pera kung hindi rin naman magagamit. Mas mabuting idonate na lang sa charity.

Naglalakad na silang tatlo para maghanap ng fastfood dito sa mall. Nakaramdam na rin sa wakas ng gutom ang dalawa niyang kaibigan dahil naisipan nilang mag suggest na kumain. Gutom na gutom na rin kasi siya. Hindi niya magawang sabihin yun kina Chola dahil bising busy ang mga ito. Lampas tanghali na rin.

"Mandy. Hey."

Nilingon nilang tatlo ang tumawag sa kanya. Natanaw nila si Rafael na kumakaway sa kanila habang lumalapit sa pwesto nila.

"Rafael, nandito ka rin?" Nakangiti niyang tanong ng makalapit na sa kanila si Rafael. Nakangiti itong tumango at binalingan ng tingin ang dalawa niyang kaibigan sa tabi niya na kapwa rin nakangiti.

"Hi girls." Bati nito sa dalawang kasama niya. Ngumiti lang ang mga kaibigan niya bago din sila bumati kay Rafael.

"Hello papa Raf. It's good to see you here." Bati ni ni Chola. Pinilit niyang iniwagayway ang kamay pero halatang nahihirapan ito dahil sa mga hawak nitong paper bag kaya tumigil na lang siya.

"Gwapo mo parin ah." Si Khali naman ang nagsalita at binibiro run nito ang lalaki.

"As always." Pangsang-ayon ni Rafael at kumindat pa ito. Si Chola naman ay kilig na kilig na sa simpleng akto ng binata.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon