//67//

1.2K 19 3
                                        

***

Mandy POV:

"Anong suhol ang sinasabi mo?.... Mandy, hindi ko to ginagawa bilang suhol o kapalit sa lahat ng sakit na dinulot ko sayo. Hindi yun ganun. Ginagampanan ko lang ang tungkulin ko bilang asawa mo. Yun lang." Sagot ni Marko sa kanya ngunit Tinawanan lang siya ni Mandy.

"Ginagampanan? So para sayo ito ang ibigsabihin ng tungkulin ng isang asawa? Mga material na bagay na hindi ko naman kailangan... na hindi mo kailangang ibigay dahil kahit wala ang mga yan, pwede mo paring gampanan ang tungkulin mo sa akin bilang asawa mo pero anong ginawa mo? Nambabae ka! Niloko mo ko! Sinaktan mo ko ng paulit ulit!" Sigaw ni Mandy rito at pinunasan ang mga butil ng luha na unti unting pumapatak sa kanyang pisngi.

"Hindi ko alam kung paano ko magagampanan ang duty ko as your husband at ito lang ang alam kong paraan. I-I'm sorry kung suhol ang naging tingin mo sa ginawa ko. I'm sorry." Lumambot ang expression ng mukha ni Marko at salitan itong napapatingin sa kanya at sa nagliliyab na apoy.

"Dahil wala kang alam kundi saktan at sisihin ako kaya hindi mo alam ang tungkulin ng isang asawa. Palagi na lang si Minche ang nasa isip mo na parang ikamamatay mo na nawala siya. Simula nung nagsama tayo sa iisang bubong, ni minsan hindi mo ko naisip. Ni minsan hindi sumagi sa isip mo na may asawang kang naghihintay sa pag-uwi mo.... Marko, hindi ko kailangan ang lahat ng yan. Kasi kung noon pa man yan na ang gusto ko edi sana ipinagpilitan ko kay Daddy na wag makasal sayo kasi lahat ng bagay na yan kayang kaya kong bilhin. Ang kailangan ko ang pagmamahal mo. Yun lang Marko pero ipinagkait mo yun sa akin."

"Mandy...." Sinubukang lumapit ni Marko sa kanya ngunit umatras siya at sunod sunod na umiling.

"Hindi pa ako tapos.... Ngayon kung kailan sinukuan na kita, kung kailan handa na kitang burahin sa buhay ko saka mo lang ginawa ang mga to. Saka mo lang pinopush ang sarili mo sa akin to love you back again. Kung inaakala mo na ganun lang ako kadaling makuha sa simpleng sorry lang at panunuyo mo sa akin pwes diyan ka nagkakamali." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya sa harapan nito at diretsong pumasok ng bahay at tuloy tuloy na pumunta sa kwarto niya. Malakas niyang sinara ang pinto at sumandal dito.

Pumikit siya nang mariin at huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

________

Khali POV:

"Pakiulit nga ang sinabi mo? Baka namali lang ako ng Dinig." Binaba ni kalo ang kobyertos at tumingin kay Howard na naka upo rin sa kanyang harapan habang kumakain.

"Tinuro ko kay Marko kung saan nakalibing si Samantha. Malinaw na?" Pinanlakihan siya nito ng mata ngunit siya ay pabirong tumawa habang tumatango.

"Oo, malinaw na malinaw.... Malinaw na sa akin na isa kang baliw.... Bakit mo sa kanya sinabi? Kung ako nga kulang na lang lunukin ko ang dila ako para lang wala akong masabi tapos ikaw?" Hinawakan ni Khali ang tinidor at tinutok ito sa kaharap habang gigil na nagsasalita. Kulang na lang ay isaksak niya sa lalamunan nito ang tinidor.

"Naawa ako sa kanya kaya ko nasabi at hindi rin niya ako titigilan lalo nat alam niya na may alam ako" Sagot nito at pasimpleng tinabi ang tinidor na nakatutok parin sa mukha nito.

Sa sobrang inis naman ni Khali ay tinarak niya nang napakalakas ang steak na nasa plato niya. Dahil sa malakas na ingay ay tumingin sa kanya ang ibang mga tao sa restaurant pero hindi niya pinansin ang mga ito.

"At naawa ka pa talaga sa gago na yun? Kay Mandy hindi ka naaawa? Ang dami niyang pinagdaanang hirap dahil lang sa hayop na yun. Alam mo, bagay nga kayong mag bestfriend."

Nakipagkita sa kanya si Howard para pag-usapan ang sitwasyon ng mga kaibigan at kung paano sila makakatulong pero imbes na makapag plano sila ay nauwi pa sa pagtatalo dahil sa sinabi nito sa kanya.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon