//13//

1.1K 19 1
                                    

(A/N:) Vote lang po ng vote guys. Basahin niyo rin po ang aking mga question sa bawat dulo ng chapter at sagutin.🥰😘

***

Mandy POV:

"Anong meron?"

Iyon na agad ang kanyang tanong kay Marko na nagpi-prepare ng breakfast. Nagtataka siya sa inaakto ng asawa niya. Hindi Ito ang ugali niya. For the past 5 years ay hindi niya ito nakita na naghahanda ng breakfast at pangdalawahang breakfast pa talaga?! May kasama na naman ba itong babae?

Napaatras siya ng kunti ng lumapit sa kanya si Marko at nakangiti sa kanya? Ano na bang nangyayari sa mundo? Nauntog ba si Marko at nagka amnesia?

"Mukhang pagod na pagod ka sa jogging. Maligo ka muna and then sabay na tayong magbreakfast." Saad ng kaharap at kinuha sa kamay niya ang bottled water.

"Breakfast?" Nananaginip ba siya? For the past 5 years ay never siyang niyaya ni Marko para mag-breakfast.

Tumango tango naman ang huli habang nakangiti sa kanya.

"Yes.. Kaya madali ka na at maligo. Ihahatid pa kita. Go.." Tinulak pa siya nito ng mahina paalis sa kusina.

"Okay?" Alanganin niyang sagot at pumanhik na sa kwarto niya.

Pagkarating niya sa kwarto ay sumandal siya sa pinto. Nahawakan niya ang bandang kinalalagyan ng kanyang puso dahil sa sobrang lakas ng tibok.

"What was just happen? Si Marko niyaya---- Ahhhh...." Naguguluhan niyang saad at sinabunutan ang buhok "Totoo ba yung narinig ko?....No.. Hindi totoo yung nakita mo Mandy. Namamalikta ka lang..Tama...Tama.. Hayy. Makaligo na nga lang. Nababaliw na talaga ako."

Pumasok na siya sa banyo. Iniwaglit sa isipan ang kanyang mga nakita. Nagbabakasakali na hindi totoo ang nakita niya kanina lang.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tahimik lang siya sa kotse ni Marko. Akala niya namamalikta lang siya kanina pero hindi. Nadatnan niya ulit si Marko na hinihintay siya sa hapag.

"You okay?"

"Huh?.... Ahh----Oo."

Tumahimik na lang siya. Nalilito siya sa inaakto ngayon ni Marko. Hindi ito ang Marko na pinakasalan niya. Kung noon na magkasundo pa sila maiitindihan pa niya. Alam niyang matagal ng nawala ang Marko na minahal niya 5 years ago nung mga panahong magkaibigan pa sila.

Nang makarating na sila sa company ay bababa na sana siya ng pigilan siya ni Marko kaya napatingin siya dito. Pinanood lang niya ito na magtanggal mg seatbelt at bumaba ng kotse. Umikot ito papunta sa kinaroroonan niya bago siya pagbuksan ng pinto. Inalalayan pa siya nito na talagang nagpagulo sa kanya.

"Ihahatid na kita sa loob." Sohestyo ng kaharap na agad naman niyang ikina iling.

"Wag na. Kaya ko naman ang sarili ko. Pumunta ka na rin sa company niyo. I know you're busy too."

"It's okay kung malate ako. I'm the boss remember? Let's go." Hinawakan pa nito ang kamay niya na ikinagitla niya kaya nahila niya pabalik ang kamay sa hawak ng asawa niya. Parang undernaline rush lang. Ganun niya kabilis nabawi ang kamay ng hawakan siya ni Marko. Nanlaki naman ang mata ni Marko sa inakto niya at dahil doon ay umatras ito ng kunti. Alam niyang nabigla siya nito. "I'm sorry." Biglang paumanhin ni Marko

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon