***
Third Person POV:
Pagkatapos ng mga sinabi sa kanya ni Emma ay hindi na siya nag-atubiling puntahan si Marko. Kakausapin niya muna ito at makiki-usap na muling ayusin ang kanilang relasyon bago gumawa ng hakbang. Kung kailangan niyang lumuhod kay Marko, gagawin.
Nang makarating siya sa floor kung nasaan ang office ni Marko ay mabilis siyang naglakad. Nagpasalamat siya dahil hindi niya nakita ang secretary nito dahil paniguradong pipigilan siya nito na maka-usap si Marko.
Labis ang tuwa na gumuhit sa kanyang mukha nang makita si Marko na nakatayo sa harap ng malaking salamin. Nakatalikod ito sa kanya kaya't hindi na siya nagsayang pa ng oras at agad na niyang sinunggaban ng yakap si Marko sa likuran nito. Naramdaman niya ang pagkabigla nito.
"Miss na miss na kita." Malambing niyang turan habang humigpit pa lalo ang pagyakap niya kay Marko.
"Minche?" Nakilala na din siya ni Marko kaya sapilitan nitong tinanggal ang ang kamay niya na nakalingkis sa bewang nito ngunit hindi niya hinayaan yun at hinigpitan lalo ang yakap niya rito. "No, Marko. Hayaan mo muna akong yakapin ka kahit sandali lang. Please." Pagmamakaawa ni Minche ngunit hindi naman nakinig sa kanya si Marko dhali hinawakan nito ang magkabila niyang kamay at pilit na tinanggal sa bewang nito.
"Let go of me, Minche. Let go." Malamig na turan ni Marko at sapilitan siyang inilayo. Dahil na rin sa lakas ni Marko ay napalayo na siya dito at may sakit na sumagi sa kanyang puso dahil sa ginawa nitong pagtulak sa kanya.
Humarap sa kanya si Marko. "Paano ka nakapasok dito? Diba sabi ko tapos na tayo, so please, tumigil ka na. Lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo." Galit na ang boses ni Marko ngunit hindi siya nagpatinag at umiling nang sunod sunod.
"No! Hindi ako titigil hanggang hindi ka bumabalik sa akin. Marko, akin ka. Ako dapat ang kasama mo, ako dapat ang mahal mo at hindi ang letseng babaeng yun. Marko, diba...." Sinubukan niyang lumapit kay Marko at hinawakan ang kamay nito. "D-diba sabi mo hindi ka sigurado sa nararamdaman mo? K-kung ganun hayaan mo kong manatili sa tabi mo para mapatunayan ko sayo na ako talaga ang mahal mo at naguguluhan ka lang. Just let me stay beside you, please." Labis siyang nasaktan nang ilayo ni Marko ang kamay nito sa pagkakahawak niya.
"Wag na nating pahirapan ang mga sarili natin, Minche. Tanggapin na lang natin na hindi talaga tayo para sa isat isa." Ani Marko
"P-pero diba s-sabi mo----"
"Minche, stop. Oo, tama ka. Sa umpisa naguluhan nga ako sa nararamdaman ko pero hindi na ngayon, Minche. Sigurado na ako sa nararamdaman ko. Si Mandy ang mahal ko. Siya lang ang gusto kong maging asawa at makasama hanggang nabubuhay ako. Siya lang at wala ng iba. Kung hindi pa yun malinaw sayo pwes wala na akong magagawa." Nang marinig ang tinuran ni Marko ay sunod sunod nang nag-unahan ang kanyang mga luha habang umiiling. Hindi maaari. Bakit ganun na lang kadali dito na kalimutan siya.
"H-hindi. Hindi totoo yang sinasabi mo. Bawiin mo yung sinabi mo, Marko. Nagsisinungaling ka lang. Ako yung mahal mo. Ako!" Lumapit siya diba at pinaghahampas ang dibdib nito habang patuloy na umiiyak. "Marko, please. Ako na lang ulit. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta bumalik ka lang sa akin. Kung gusto mong layuan ko si Mandy, gagawin ko basta wag mo lang akong iwan. Please!" Lumuhod na siya dito na ikinagulat ni Marko.
"Anong ginagawa mo? Tumayo ka diyan." Asik ni Marko at pilit na hinila si Minche upang patayuin ngunit umiling iling lang siya habang nagmamakaawa. "Nagmamakaawa ako sayo, ako na lang ulit. Mahal na mahal kita, Marko. Mamamatay ako kapag nawala ka sa akin. Parang awa mo na, ako na lang, please. Marko! Okay lang sa akin na maging kabit ako habang buhay, wag ka lang mawawala sa akin. Marko, mahal na mahal kita. Parang awa mo na, ako na lang ulit." Patuloy siyang nagmakaawa habang nakaluhod. Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang kawawa basta bumalik lang sa kanya ulit si Marko.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romansa"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
