//56//

1K 19 2
                                        

***

Mandy POV:

'I'm sorry for what happened. I'm sorry dahil pinagpilitan ko ang sarili ko sayo kahit na alam kong wala talaga akong pag-asa. Sa sobrang pagmamahal ko sayo nakalimutan ko na kung hanggang saan lang ang lugar ko sa buhay mo at dahil dun nakadagdag pa ako sa problema mo. Sorry kung nasaktan kita... Tama ka nga, mas mabuti na nga siguro na kalimutan ko na lang ang nararamdaman kong to.... Mahirap man pero susubukan ko. Alang alang sa kaligayahan mo, handa akong burahin sa puso't isipan ko ang nararamdaman ko para sayo.'

'Mahihirapan akong gawin yun kaya napag-isip isip ko na umalis muna sandali dahil kung mananatili ako sa tabi baka mas lalo kitang masaktan. Hiling ko lang na sana tuluyan ka nang maging masaya para kapag nagkita tayo ulit ay magagawa mo ng ngumiti ng totoo nang walang nakatagong lungkot sa mga mata mo.... Mag-iingat ka palagi. Good bye for while, Mandy. I love you.

Pagkatapos mabasa ang text message sa kanya ni Rafael ay hindi niya mapigilan na masaktan dahil sa mga sinabi nito. Nanghihina niyang ipinatong ang kamay sa lamesa habang mahigpit na hinawakan ang kanyang cellphone. Sa pagpikit ng kanyang mga mata ay unti-unting nagsilaglagan ang kanyang mga luha at tahimik na humikbi.

Iniwan na siya ng taong nakakaitindi sa kanya at walang ginawa kundi mahalin siya. Tama lang ito hindi ba? Ito lang ang paraan para hindi na sila pareho pang masaktan. Ang lumayo ang isa sa kanila pero ang sakit sa loob niya. Ayaw man niyang umalis si Rafael ngunit marahil ito lang ang tanging paraan para mawala ang nararamdaman nito sa kanya.

Muli niyang sinulyapan ang message nito sa kanya habang wala paring humpay na umaagos ang kanyang mga luha. "Patawarin mo rin ako Rafael. Sana hindi na lang ako ang minahal mo dahil hindi ako karapatdapat sa pagmamahal mo. Nasasaktan lang kita..... Mag-iingat ka rin at sana makilala mo ang babaeng karapatdapat sa pagmamahal mo." Turan niya habang nakaharap sa kanyang cellphone na para bang kausap niya mismo si Rafael.

Pinahid niya ang kanyang luha at itinago na sa bag ang phone. Umalis na siya ng restaurant para bumalik sa kompanya. Mahirap din na wala na sa tabi niya si Rafael pero ito ang makakabuti para sa kanilang dalawa. Nagpapasalamat siya dahil walang gaanong tao sa restaurant na pinuntahan niya at hindi rin kapansin pansin ang pwesto niya kaya walang nakakita sa pag-iyak niya. Ayaw niyang kaawaan siya ng iba dahil mas lalo siyang napapanghinaan na harapin ang mga problema niya.

Kapapasok pa lang niya sa lobby ng kompanya ay napatigil na siya sa paglalakad dahil sa kakaibang tingin sa kanya ng mga empleyado. Tumingin siya sa paligid niya at ang bawat natitinginan nita ay umiiwas ng tingin. Ngunit ipinagsawalang bahala na lang niya ang mga kakaibang tingin sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa elevator ngunit sumalubong na sa kanya ang humahangos na si Amanda. Huminto siya at hinarap ang sekretarya.

"May problema ba? Bakit humahangos ka?" Agad niyang tanong.

"Kailangan niyo pong makita ito." Hinarap nito sa kanya ang ipod at lumantad sa kanya ang isang litrato ng dalawang taong magkahalikan. Malabo ang itsura ng dalawa. May caption ang litrato. 'Going back together.' Iyon ang nakasulat sa caption.

"Kumalat po ito kanina sa kompanya at lahat po ng empleyado ay nakita na to. Kahit po malabo ang mukha ng dalawa ay sinasabi ng lahat na si Mr. Santillan ang lalaking nasa litrato. Ang asawa niyo po, ms. Mandy. Kung hindi po natin maresolba ang problemang ito ay baka po umabot ito sa media. Ngayon po ay ginagawan ko na ng paraan na wag itong makarating sa press dahil siguradong maiipit po kayo at ang buong kompanya." Saad ni Amanda sa kanya at may naka-ukit na pag-aalala sa mukha nito.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon