//52//

1.2K 22 2
                                        

***

Rafael POV

Mandy POV:

"S-sige. A-ako na lang ang hintayin mo diyan sa a-airport. I-Ibababa ko ito." Hindi na niya hinintay na magsalita ito dahil pinatay na niya ang tawag. Gustong gusto na rin niyang makita at maka-usap si Rafael. Ang tibok ng kanyang puso ay napakabilis at parang gusto na lang niyang paliparin ang kotse papunta sa airport para makita na si Rafael. Marami siyang gustong itanong rito at hindi rin siya makapaghintay na makapagpasalamat sa pagsagip nito sa kanyang buhay.

Si Samantha ang naging dahilan niya noon para lumaban at magpatuloy sa sa buhay kahit na unti unti siyang binabaon ng kanyang asawa sa hukay dahil sa emosyonal na pananakit nito sa kanya. Ngunit ang sandaling kaligayahang iyon ay mabilis na nagtapos sa isang gabi lang. Kahit na hindi nailigtas ni Rafael si Samantha ay malaki parin ang pasasalamat niya rito.

Nagpasalamat na lang siya na hindi gaano ka traffic sa edsa kaya nagawa niyang i-full speed ang pagmamaneho ng kotse hanggang sa makarating siya sa airport. Pagkapark niya ay bumaba na siya at mabilis na pumasok sa loob ng airport. Doble parin ang tibok ng kanyang puso habang tumatakbo. Habang tumatakbo rin ay iginagala niya ang paningin upang hanapin ang lalaking matagal na pala niyang gustong makita noon pa man na si Rafael, ang nagligtas sa kanyang buhay three years ago.

Napahinto siya sa pagtakbo nang matanaw niya si Rafael mula sa malayo habang papalapit sa kanya. Napangiti siya at naglakad rin palapit dito. Sabay silang naglalakad palapit sa isat isa. Nang makalapit na silang dalawa sa isat isa ay saka lamang sila tumigil sa paglalakad. Ngumiti sa kanya si Rafael. Hindi niya alintana ang ibang mga tao na tumitingin sa kanila. Kaharap na niya ngayon ang nagligtas sa kanyang buhay noon at gustong gusto na niya itong yakapin kaya agad niya itong sinunggaban ng yakap na ikinabigla ni Rafael.

"Thank you." Sambit niya sa mahinang boses habang yakap yakap niya ito. Naramdaman niya ang pagyakap rin sa kanya ni Rafael at isinubsob nito ang mukha sa kanyang balikat pero hindi siya nagreklamo. Mas humigpit ang nito sa kanya at hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang bulong ni Rafael.

"I miss you so much."
_____

"Pwede ko na bang malaman kung bakit bigla mo na lang akong niyakap? Ganun mo na ba ako na miss?" Iyon na agad ang tanong sa kanya ni Rafael nang maka-uwi sila sa bahay nito.

"Alam ko na ang totoo. At sa tingin ko naman hindi ko na kailangang kompormahin yun sayo dahil naaalala ko naman na nang malinaw." Turan niya habang nakaharap kay Rafael. Bumalatay naman sa mukha ni Rafael ang pagtataka

"What do you mean?" Naguguluhan nitong tanong sa kanya ngunit may ngiti parin sa mukha nito.

"Yung nangyari three years ago. Alam ko na, na ikaw yung lalaking nagligtas sa akin at sa baby ko. Malinaw na rin sa alaala ko ang itsura mo lalong lalo na yung expression ng mga mata mo. Kaya pala nakapamilyar ng mga mata dahil nagkita na pala tayo noon." Nang dahil sa sinabi ni Mandy ay agad na napalitan ang expression ng mukha ni Rafael at napalitan ng pagkabigla. Ngayon ay nakumpirma na niya na gustong itago ni Rafael sa kanya na nagkita na sila noon pa man pero anong dahilan? Yun ang tanong na gumugulo sa kanyang isipan. Matagal na pala siya nitong kilala pero hindi manlang nito nasabi.

"Kanino mo nalaman?" Tanong nito.

"Hindi na mahalaga kung kanino ko nalaman, ang gusto ko lang malaman ay kung bakit mo yun itinago sa akin. Bakit hindi mo sinabi na ikaw pala ang nagligtas sa akin noon? Alam mo ba na matagal ko ng hinahanap ang taong yun dahil gusto kong magpasalamat sa kanya pero nasa malapit lang pala siya at ikaw yun."

"Hindi ko yun gustong ilihim sayo pero sa tuwing naiisip ko na dapat magpakilala ako sayo ay sumasagi naman sa isipan ko na hindi ko pala kaya. Nung oras na makita kita at nagmakaawa ka sa akin na iligtas ang baby mo, nangako ako nun na maiiligtas ko kayong mag-ina sa panganib ngunit nabigo pala ako na mangyari yun dahil isa lang sa inyo ang nailigtas ko. Hindi ko magawang ipakilala ang sarili ko at maging proud na ako ang tagapaglitas mo dahil nahihiya ako sayo at sa sarili ko. Hindi na dapat ako nangako sayo kung hindi ko naman pala matutupad. I'm sorry." Tumulo ang kanyang luha at sunod sunod na umiling. Hinawakan niya ang kamay ni Rafael bago tumingin sa mga mata nito.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon