// Special Chapter //

2.3K 37 4
                                        

***

Third person's POV:

(....Flaskback....)

Nakatitig lamang si Mandy sa kisame habang nakahiga at tanging kumot lang ang bumabalot sa kanyang hubad na katawan. Halos 20 minutes na rin siguro siyang mulat at nakatitig sa kisame, iniisip kung ano ba ang kanyang susunod na gagawin pagkatapos nito o kung itutuloy ba niya ang plano niya dahil basically hindi ito kasama sa pinlano niya, biglaan lang ang nangyari. Nadala siya ng emosyon na dapat hindi niya pinairal bago siya nagpasyang pumunta at makipagkita sa asawa niya.

Kinapa niya ng kaliwang kamay ang dibdib at pinakiramdaman ang pagpintig ng kanyang puso. Kumpara kanina, normal na ang pagpintig nito.

Itinagilid niya ang ulo sa kaliwa at tumambad sa kanyang paningin ang tila maamong mukha ni Marko na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Nakadapa ito at sa kanya nakaharap.

Hindi niya magawang i-process sa kanyang isipan na magagawa niyang makipagtalik dito. Nasisiraan na talaga siya ng ulo.

Bago pa magising si Marko at maabutan siya nito ay nagpasya na siyang bumangon at umalis ng kama. Pinulot niya ang mga damit at sinuot rin. Siniguro niya na walang maiiwang bakas na nanggaling siya dito o may nangyari sa kanila.

Pagkatapos niyang ayusin ang mga traces ay kinuha niya ang bag at nilabas ang envelope bago humarap kay Marko na mahimbing parin na natutulog.

"I'm sorry kung kailangan kong gawin to." Mahina niyang turan upang hindi magising ang kaharap.

Sunod niyang tinitigan ang hawak na envelope na naglalaman ng annulment paper nilang dalawa. Pirmado niya na rin ito.

Dahan dahan siyang lumapit sa bed side table at pinatong dito ang envelop bago muling humarap sa asawa.

"Hindi mo pwedeng maalala ang nangyari sa atin. Ayokong magkaroon pa ng dahilan na humaba ang pagsasamang to. Sana matanggap mo ang desisyon ko."

Tumalikod na siya at naglakad palabas ng kwarto nito. Dahan ang ginawa niyang pagsara sa pinto upang hindi makalikha ng kahit na anong ingay dahil hindi lang si Marko ang tao dito sa bahay nila. Nandito rin ang mga katulong nila at ang mga yun ang isa rin sa hindi pwedeng makakita sa kanya na nanggaling siya dito.

Habang pababa ng hagdan ay iniiwasan din niyang makalikha ng ingay.

"Ms. Mandy?"

Malapit na siyang makababa nang marinig ang boses ni Linda at nang hanapin niya kung nasaan ito ay nakita niya itong papalabas ng kusina habang dala dala nito sa kaliwang kamay isang basong tubig.

Malaki ang pagkakamulat ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya, halatang gulat na gulat na makita siya sa bahay. Mabilis itong naglakad palapit sa kanya. Bumaba na rin siya ng hagdan.

Nahihirapan pa siyang maglakad dahil masakit ang katawan niya lalong lalo na ang pagitan ng mga hita niya. Ito ang pangalawang beses na may nangyari sa kanila at yung una ay limang taon na ang nakakaraan kaya talagang naninibago siya at masakit din ang pakiramdam niya.

"Ms. Mandy, kayo nga po. Matutuwa nito si Sir Marko pag nakita ka--" Nang medyo lumakas ang boses nito ay mabilis niya itong nilapitan at tinakpan ang bibig nito upang hindi na makagawa pa ng ingay.

Malilintikan siya kapag si nagising pa ang dalawa nitong kasama.

"Sshhh!" Pagpapatahimik niya dito at Tinapat ang daliri sa labi niya. "Wag kang maingay." Bulong niya rito. Mabilis naman na Tumango si Linda kaya tinanggal na niya ang kamay sa bibig nito at lumayo ng bahagya.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon