//24//

1K 19 3
                                    

***

Rafael POV:

Sobra ang pagkabigla niya sa rebelasyon sa araw na ito. Ang akala niya ay nailigtas niya ang batang nasa sinapupunan ni Mandy ngunit hindi pala. Sigurado siya na napakasakit para kay Mandy na mawalan ng anak. Ang pinakamasakit ay hindi man lang nito nasilayan ang anak. Sa palagay niya ay nasa dalawa o tatlong buwan palang ang pagbubuntis noon ni Mandy bago ito makunan dahil hindi halata sa tiyan nito na nagdadalangtao ito. Hindi malaki ang tiyan nito kung kaya't hindi mahahalata na buntis ito.

"Paano natanggap ni Marko ang tungkol sa pagkawala ng anak niyo?" Tanong niya kay Mandy pero sa puntod parin siya nakatingin. Tiningnan niya niya si Mandy na walang imik sa kanyang tabi.

"Si Marko?.... Wala siyang alam tungkol sa pagbubuntis ko noon. Hindi niya alam na buntis ako that time." Maikli nitong Sagot sa kaniya na ikinabigla niya.

"What?" Para kasing mali ang narinig niya dito. Paanong hindi alam ni Marko na buntis ito gayong mag-asawa sila.

"Nawala na ang anak ko bago ko sa kanya masabi." Sabi pa niya at tumingin sa kanya.

"Pero bakit hindi mo parin sa kaniya sinabi na nabuntis ka niya at nakunan ka. May karapatan parin siyang malaman ang tungkol sa an---"

"Wala siyang karapatan sa anak ko. Wala siyang karapatan maging ama ng anak ko at lalong wala siyang karapatan sa aming mag-ina. Kahit na wala na ang anak ko wala parin siyang karapatan maging ama ng anak ko. Habang buhay niyang hindi makikilala ang anak ko na pinatay niya." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil inunahan na siya ni Mandy. May diin sa bawat bigkas nito ng mga salita at nandoon ang poot na nararamdaman nito para kay Marko.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nagtataka niyang tanong dahil sa sinabi nito na si Marko ang pumatay sa anak nito.

"Nang dahil sa kaniya namatay ang anak ko. Pinatay niya ang anak ko na hindi pa isinisilang sa mundo. Tinanggalan niya ako ng karapatan maging ina kaya wala rin siyang karapatan na maging ama ng anak ko." Umiyak na nang tuluyan si Mandy sa harap niya. Kitang kita niya ang pagkadurog nito habang binibigkas ang mga salitang iyon. Lumuhod ito sa puntod at nanginginig na hinaplos ang pangalang naka-ukit dito.

"Kahit na dalawang buwan palang na nasa sinapupunan ko ang anak ko ay minahal ko na siya ng higit sa buhay ko. Napakarami kong plano para sa kaniya. Plano kong ibigay lahat sa kaniya. Ipaparamdam ko sa kaniya ang pagmamahal ng isang ina at ama katulad ng pag-aalaga sa akin ni Daddy. Hindi ko ipagkakait sa kaniya ang buong pamilya na kailangan niya p-pero.. lahat ng iyon biglang nawala sa isang iglap lang dahil sa walang kwenta niyang ama. Plano kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa baby namin dahil nagbabakasakali ako na mahalin niya ako dahil may anak na kami kaya lang dumaan ang dalawang buwan na hindi ko masabi sa kanya dahil hindi siya umuwi. Hindi siya umuwi dahil hinahanap niya si Minche sa ibang bansa." Patuloy parin itong Umiiyak habang nagko-kwento. Ang tanging nagawa lang niya ay ang makinig dito.

"Nung umuwi siya ng bahay namin, galit na galit siya. Pinuntahan niya ako sa kwarto ko ay sinigawan. Sa akin niya ibinunton ang galit. Umuwi siyang hindi nakikita si Minche kaya galit na galit siya sa akin. Ako ang sinisisi niya kung bakit iniwan siya ni Minche. Paulit ulit kong sinabi sa kaniya na wala akong kasalanan kung bakit iniwan siya ni Minche, na wala akong alam sa planong pagpapakasal namin. Hindi siya nakinig sa mga paliwanag ko. Nagkasagutan kami nung gabing yun dahil hindi ko na kinaya ang panunumbat niya sa akin. Sobra siyang nagalit sa akin nung may masabi akong hindi maganda kay Minche kaya pinagbuhatan niya ako ng kamay. Malakas ang pagkakabagsak ko sa sahig." Sa tingin niya ay hindi niya kayang makinig sa kwento sa kaniya ni Mandy. Hindi niya kayang makinig sa hirap na pinagdaanan nito sa kamay ng sariling asawa na kababata pa nito noon.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon