***
(After 1 week)
Third Person POV:
"Ma'am, nandito na naman po siya." Tumaas ang kilay ni Khali nang marinig ang sinambit ng kanyang secretary.
"Bakit ba ayaw tumigil ng bwisit na yun... Sabihin mo wal---" Hindi na naituloy ni Khali ang kanyang sasabihin nang marinig nila ang pagwawala ng isang tao sa labas ng kanyang office kaya sabay silang nagkatinginan ng sekretarya niya.
Nang may marinig silang malakas na pagkabasag ng isang gamit ay mabilis nang tumayo si Khali upang harapin ang nagwawala sa labas ng office niya. Nung mga nakaraang araw lang ay pumupunta lang ito para kulitin siya kung nasaan si Mandy pero ngayon, mukhang hindi na nito kaya ang magtimpi.
Paglabas niya ng office ay nadatnan niya si Marko na nagwawala habang pinipigilan ito ng dalawang security guards. Habang pinagmamasdan si Marko mula ulo hanggang paa ay parang nawawala na ito sa tamang katinuan. Malayo pa lang si Khali ay amoy na amoy na niya ang alak galing sa asawa ng kaibigan niya. Mukhang wala ring tulog ito at halatang wala nang pakialam sa sarili dahil napakagulo ng suit nito na kahapon pa nito suot. Kung ibang tao siguro siya baka kaawaan niya ito.
"Ano na naman bang kailangan mo sa akin, Marko? Diba sinabi ko naman na hindi ko alam kung nasaan si Mandy." Ani Khali at naglakad siya palapit kay Marko na hawak ng dalawang guard sa magkabilang braso. Sininyasan niya ang dalawa na bitawan na ang lalaki kaya agad silang tumalima.
"Cut that crap Khali. Alam kong alam mo kung nasaan ang asawa ko kaya sabihin mo na sa akin kung nasaan siya. Nasaan si Mandy?" Sigaw na Sagot ni Marko sa kanya. Yung totoo ay si Khali talaga ang nahihiya sa pinaggagawa ng lalaking kaharap dahil pinagtitinginan na sil ng lahat ng empleyado niya plus the fact na kilala nila ito.
"Remind ko lang Marko, huh. Fashion designer ako, hindi hanapan ng mga nawawalang asawa kaya kung pwede lang umalis ka na... Huwag mong guluhin ang mga tao dito na payapang nagtatrabaho. Kung gusto mong makita ang asawa mo, pwes hanapin mo siya sa ibang lugar dahil wala siya dito at hindi ko alam kung nasaan siya." Saad niya at tinalikuran na niya si Marko dahil sawa na siyang gumawa ng palusot.
Napatigil lang siya sa paglalakad pabalik ng office niya nang marinig niya ang singhapan ng mga tao sa paligid niya na halatang hindi makapaniwala sa nasaksihan. Dahan dahan siyang tumalikod upang tingnan si Marko at laking gulat niya nang makitang nakaluhod na ito sa harap niya. Lumapit siya rito at sinamaan ng tingin.
"Marko, wag kang gumawa dito ng eksena at umuwi ka na dahil kahit lumuhod ka pa diyan, hindi ko masasabi kung nasaan ang asawa mo." Ngunit hindi nakinig sa kanya si Marko
"I'm begging you, Khali. Tell me where is my wife, please... Hindi ko na kayang maghintay ng isa pang araw o linggo so please. Please, Khali." Napakamot siya sa ulo dahil sa pagmamakaawa ni Marko.
"Gusto ko man sabihin pero hindi pwede, Marko. Intindihin mo naman ang sitwasyon niyo, tingin mo ba haharapin ka ni Mandy pagkatapos i-announce ng mistress mo na magkakaanak na kayo? Tanga lang ang hindi masasaktan dun at hindi tanga si Mandy para hindi masaktan. Manhid lang ang bestfriend ko pero hindi siya bato na walang pakiramdam." Sa kanyang sinabi ay natahimik si Marko at hindi makapagreak. Mukhang tinamaan ito sa sinabi niya.
Nakahinga siya ng maluwag nang tumayo na si Marko sa pagkakaluhod. Ginulo nito ang magulo na nitong buhok at medyo sumuray pa sa pagtayo dahil sa kalasingan. Naglakad ito palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Dragoste"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
