THE PORCELAIN DOLL
[Armel Saavedra]
Tahimik kong pinagmamasdan ang pamilya ko. Kitang-kita ko ang kaligayahan sa kanilang mga mata taliwas sa kakulangan dito sa aking dibdib. Hindi ko batid sa kung bakit ako ganito. Ibang-iba Ako kay Arris at sa mahiyain na si Luna.
Si Arris ang kamukhang-kamukha ko. Parehong nakuha namin ang mukha sa aming PaPa, Andrus. Tahimik akong tao at may sariling mundo. Taliwas ang ugali ko sa kilos at gawi ng kakambal ko. Si Arris naman ang masasabing clown ng aming pamilya. Masayahin ang kapatid ko ay tunay na maraming tao ang nahahalina sa kaniyang karisma. Ibang-iba rin si Luna. Ang aming prinsesa. Tahimik at mahiyain din si Luna pero huwag mong gagalitin ang kapatid ko dahil masasabi kong kuhang-kuha ng kakambal ko ang pag-uugali ng aming Dada Alexis. Matapang at tunay pinaglalaban kung ano ang tama at iniiwasan ang mali.
Ako naman, masasabi kong kuhang-kuha ko ang pag-uugali ng aming PaPa Andrus. Marahil ay ito ang rason sa kung bakit naisip na ipahawak sa akin nina Grandpa at Papa Andrus ang Kumpanya. Hindi dahil sa Ako ang nakakatandang kapatid kundi dahil Ako ang inaakala ng mga ito na nararapat sa posisyon. At dahil dito bata at sa murang gulang ay hinanda ko na ang sarili ko para sa posisyon na ito. At ayon sa iniisip ng ilan na maaring maging malaking mitya ng hidwaan sa aming magkakapatid ang pagpatong sa akin ng obligasyon nina Papa at Lolo Ambrosio. Ngunit ito ang mali nila---dahil wala sa puso ni Arris ang panghawakan ang Kumpanya. Nasa pagiging Doctor ang puso ng kapatid ko. At si Luna naman ay ninanais ang maging sikat sa larangan ng pag-aartista.
Sa kadahilanan na ito ay tunay niyang bumagsak sa balikat ko ang posisyon at tungkulin sa Saavedra.
"Brother, kailan mo ipapakilala sa amin ang sister-in-law namin?"nakangiting sabi sa akin ni Arris bago mapasinghap ito nang malalim ng batokan ito sa balikat ng kakambal naming si Luna.
"Bago ka magsabi niyan kay Kuya. Ayosin mo muna ang buhay mo. Sa isang buwan ay nakailang palit ka ng mga kasintahan. Sinisira mo ang dangal ng ating pamilya!"mabilis na tugon ni Luna na naghatid ng ngiti sa aking labi.
"Aba't---hoy Luna! Kaya Ako nagpalit-palit ng kasintahan dahil hindi ko pa nahahanapan ang love na kagaya ng love nina Papa Andrus at Dada Alexis!"nakangising tugon naman ni Arris at mababanaag ang panunudyo sa boses nito.
Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila habang ang aming mga magulang ay naglalandian sa isa't-isa. Mataman kong pinagmasdan ang aking Papa Andrus. Malalaki na kami at nasa wastong gulang ay nanakita ko na nakatuon parin ang pagmamahal nito sa gher mom namin. Kitang-kita parin sa mga mata ng aming Ama ang pagmamahal sa male conceiver wife nito.
Mahahanap ko rin kaya ang pagmamahal na ito sa buhay na ito?
"Tumigil ka nga Arris! At dinadamay mo pa kami ng Dada at Papa sa kalokohan mo. Nako. Sinasabi ko sa'yo ay huwag na huwag naming malalaman na may nabuntis ka aba'y sinasabi ko sa'yo na pananagutan mo ito. Sa ayaw mo man o gusto."ito ang mariin na pagbabanta ng aming Dada Alexis, na mabilis din naman na inayo ng aming Papa Andrus bago pinakatitigan ng nakakatakot na mga mata ang aking kapatid.
"Huwag kang mag-alala Wife. Nasa tamang gulang na ang anak mo. At kung magkakamali man ang anak natin. Ako na mismo ang babale sa mga paa nito."
Sa sinabi niyang ito ay mabilis namutla ang mukha ni Arris. At bakit? Dahil batid namin na kapag si Papa ang nangako sa aming Dada Alexis. Paniguradong may laman na katotohan ang sinasabi nito.
Mabilis naman mapangiti si Luna at nagsimulang kumain kapagkuwan ay kumindat sa akin, na sinuklian ko rin naman ng isang matamis na ngiti.
"Papa, Dada, aalis na ho' Ako at may asikasohin pa ako sa Kumpanya."magalang kong sabi bago ngumiti sa mga kapatid ko.
BINABASA MO ANG
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...
